Chapter 13: The Esoteric Mission

13 0 0
                                    

STACEY

Naglalakad ako ngayon patungong gymnasium para sa meeting na sinabi ni Agent H.

Kasama kong maglakad ay si Yvonne na kanina pa daldal ng daldal tungkol sa first day of class niya. Nainlove daw siya sa kanyang kurso.

Ang first day of class ko naman ay ok lang. May ilang pamilyar na estudyante na nakatingin sakin. Hindi ko nga lang naalala kung saan ko sila nakita. Parang may masama akong nagawa.

“Nakikinig ka pa ba Stacey?” taas kilay nitong tanong

“Uh... sorry” paghingi ko ng tawad sabay kamot sa batok ko

Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa paglakad.

Ng makarating kami sa gym, nakita ko kaagad sina Brooke a.k.a Nicole at si Heaven. May binabasang libro si Heaven habang si Nicole naman ay nakasandal sa dingding habang nakapikit at nakikinig sa kanyang earphones.

To be honest, ang taas taas ng pangalan ni Brooke. Dahil sa taas Brooke Nicole Santos lang ang naalala ko, may dalawa o tatlo pa siyang pangalan? Hindi ko na matandaan.

“Wala pa yung dalawa?” tanong ko ng makalapit ako kay Heaven

Umiling siya at pinapatuloy ang binabasang libro. Napabugtong-hininga nalang ako dahil sa nabunutan ako ng tinik. It's 4:55pm at akala ko nandito na sila, at laking pasalamat kong nauna kami rito.

Ilang minuto ang nakaraan ay dumating na si Agent H na kasama si Agent A.

“Finally” dinig kong bulong ni Yvonne

Palihim akong natawa dahil sa komento niya. Hindi naman siguro narinig ni Agent H yun kaya wala siyang komento o kaya hindi niya nalang yun pinansin.

“Follow me girls” utos nito sa isang ma-otoridad na tono ng boses kaya sumunod nalang ako

Kumunot naman ang noo ko ng huminto silang dalawa sa tapat ng isang locker room — girl's locker room. Mas lalong nalukot ang noo ko ng hindi ng humarap siya samin.

“We are going to have a highly confidential meeting at a girl's locker room, I couldn't even think how information will leak out” saad ni Yvonne sa sarkismong tono sabay irap

Akala ko nu'ng una si Brooke ang unang kokontra pero mali pala ako. Hindi mo naman ako masisi dahil yan ang nakaugalian namin, si Brooke laging tutol sa gawa ni Agent H kahit inupuan nito ay kino-komentohan niya pero ngayon ang tahimik nito.

Nagkatinginan naman ang dalawang ahente sa harap namin. Pumunta si Agent A at parang pilit na binubuksan ang pinto.

Tahimik akong naghintay kung anong mangyayari, hanggang sa maalala ko, “Isn't that the jammed locker room? Narinig ko kanina na may locker room dito sa gym na hindi mabubuksan”

Parang si Heaven at Yvonne lang ang nakarinig sa'kin at hindi naman ako binalingan ng tingin ng tatlo. Hindi nalang ako kumibo.

Napanganga nalang ako ng bumukas ang locker room at bumungad sa'kin ang hindi maaasahang bagay na nasa loob ng isang locker room, isang elevator.

Pumasok ang dalawang ahente at parang hinihintay kami. Nag-aalinlangan kaming tatlo habang dumeretso naman si Nicole na parang wala lang ang nakita kaya pumasok nalang din kami.

Pinindot nito ang mga numerong 1, 9, 5 at 6 at parang naputol ang elevator at dumadaosdos kaming bumaba. Nagpapanik na kami ni Yvonne, si Heaven ay tila nawalan ng kaluluwa dahil sa sobrang putla, si Nicole naman ay tila masusuka na habang kampanteng-kampante lang ang dalawang nakatayo.

Ng tumigil na ang elevator agad naman akong tumakbo palabas dito, sumunod ang tatlo habang parang normal lang lumabas ang dalawa. Si Agent A naman ay tila natawa sa reaksyon namin.

Pagkatapos naming kumalma ay nakita naming naghihintay si Agent H habang si Agent A naman ay nagsasalita. Para siyang kumakausap sa hangin dahil wala siyang tugon na natanggap mula dito.

Ng makaupo kami sa isang sofa agad namang nagsimula si Agent H.

“Our mission is take down The Finagle” panimula nito “The Finagle is known for hacking multiple government websites, and the leader of Elegiac's Requite”

Nakita kong napalunok si Nicole, tila naapektuhan. Nanginginig ang mga kamay niya at parang nang dilim ang ekspresyon.

“Elegiac's Requite is a gang known to be responsible for government officials and other politicians” he added “There goal is one thing only, and that is in its name”

At naalala ko na ngayon anong ibig sabihin ng pangalan, “The sorrow's revenge”

Tumango sa pagsasang-ayon ang ahente sa'kin “They are also known for their saying, which is—”

“Intikam bizim olacak” pagdugtong ni Brooke “Vengeance shall be ours”

Nakatingin kaming apat na sakanya. Bahid  ng gulat at pagtataka ang ekspresyon namin, maliban kay Agent H na tila hindi na nagtaka.

At muling bumalik ang tanong na matagal ko ng hinahanapan ng tanong, Ano ba ang nakaraan ng dalawang ito?

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon