BROOKE
Humiga ako sa kama ng biglang May pumasok sa kulungan ko. Isang lalaking may dalang pagkain.
Lumapit ako sakanya at kinuha ang tray at inilapag sa kama, bago lumabas ang lalaki ay tinawag ko ito “Ramos?”
Nilingon niya ako habang nakakunot ang noo “Paano mo nalaman ang pangalan ko?”
Tinuro ko ang bandang kaliwa ng suot n'ya kung saan nakalagay ang pangalan niya. Nagtataka lang ako, bakit may suot siyang ganyan, gusto niya bang magpakilala sa mga preso?
Biglang ngumisi ang lalaki, isang ngising may balak “Alam mo ang pangalan ko, dapat alam ko rin ang sayo”
Manyak. Yan ang masasabi ko sa lalaking ito. Ayaw na ayaw ko sa mga lalaking ganito kaya lang baka makakalaya ako dito kaya sinabayan ko siya ng laro.
“Do you have a pen?” tanong ko at ngumiti ng mapang-akit
“Bakit naman?” tanong niya
Tumawa ako ng mahinhin “Well my name is Brooklyn Nicole Concepcion Akana Santos but you can call me baby”
Gusto kong sumuka sa pinagsasabi ko ngayon. Hindi man ako ang pinakamagaling mang-akit pero hindi ibig sabihin hindi ko alam kung paano.
Hindi pa man siya nakapagsalita ay lumapit ako sakanya at inilapit ang mga mukha namin. Tensionado si Ramos ngayon. Akala niya halikan ko siya ng bigla kong inilapit ang bibig sa tenga niya at bumulong “You can also call me the Angel of Death, and baby I'm here to pick you up”
Agad kong kinuha ang baril sa likuran niya at pinaputok sakanya. Tinamaan ko ang ulo niya ng dalawang bala at humalakhak.
Lalabas na sana ako ng bumalik ako at pinaputukan ng tatlong beses ang alaga niya “Sinong may sabing hindi mo ikamamatay ang landi?”
Lumabas ako sa silid na nagsilbing kulungan ko. Tatakbo na sana ako palayo ng marinig ko ang isang sigaw di kalayuan.
Ng silipin ko yun nakita ko ang isang babae, kasing edad ko siguro siya. Narinig kong tumakas din siya pero nahuli ng dalawa.
Ngumisi ako, baka makatulong ang babaeng ito para makalabas ako sa gusaling ito. Kinuha ko ang baril na nakuha ko kay Ramos at pinatay ang dalawang bantay.
“I'm Brooke and your welcome” saad ko “Come with me, let's bust out of this shit”
•~→†←~•
Kasalukuyan kaming tumakbo dahil may humahabol sa'ming mga tauhan ng kung sino man yun. Nasa lampas trenta ang mga ito, kayang-kaya ko sana sila pero sa masamang palad naubusan ako ng bala.
Hindi naman sa umaasa ako sa baril ko, ang akin lang ay lampas trenta ang mga lalaking may matinding ensayo ang haharapin ko at hindi ko pa gustong mamatay o mahuli man lang.
Hindi ko alam pero nakasabay ang babaeng nagngangalang Stacey kuno sa pagtakbo ko. Mukha kasi siyang yung mga babaeng tipong nasa opisina at nagmamahala, pero don't judge a book by it's cover ika nga.
Bigla silang nagpaulan ng bala. Kanina ko pa yun inaasahan pero ngayon lang sila nakaisip nu'n, pero atleast naisip pa nila. Ibig sabihin may utak pa sila.
“Surrender!” sigaw ng isa sa mga ito
Tinaasan ko lang siya ng gitnang daliri “My middle finger salutes you!”
Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa makita na namin ang daan palabas. Totoo nga pala ang sabi ng babaeng kasama ko na nakuha niya ang mapa sa gusaling ito.
BINABASA MO ANG
Girls with Guns
ActionFour different girls, four different past, four different pain, and four different crimes. "What could go wrong?" Criminals recruited by the government to take down an even more dangerous mastermind. On the way, they will learn different things like...