YVONNE
Nanlaki ang mata ko ng makita kong may nakatutok na baril kay Stacey. Nakita kong nag-aalinlangan si Brooke na kukuha ng baril sa bag niya.
Ngayon ko lang din napansin na may dala siyang duffel bag pero hindi yun ang importante ngayon, kahit napaganda ng design ng bag niya isang Gucci designer bag ang hawak niya.
Alam niya kaya na isang mamahaling bag ang dala niya?
Baka hindi, dahil pagkatapos namin marinig ang putok ng baril at sigaw ng humawak kay Stacey, sinapak niya ang mukha ng lalaki sa bag na dala.
Nawalan ng malay ang lalaki sa ginawa niya kaya dali-dali nitong binuhat sa upuan at tinalian.
"A-anong laman ng bag mo at nawalan ng malay ang tao!" biglang sigaw ni Stacey
Kumibit-balikat lang siya. Pagtatanong pa sana kami ng may biglang pumasok.
"Death" bati nito kay Brooke
Lumingon naman siya "Boss A, it's been awhile how long has it been 2, 3 years?"
Tumawa ang lalaki at hindi ko alam pero napaka-pamilyar nito.
Tinignan niya si Heaven "Diba may chemical kang ano jan? Can you get some information from that dude?"
Tumango si Heaven at kumuha ng bote at isang syringe.
Binaling ko ang atensyon kay Brooke na lumapit sa misteryosong lalaki. Ng makalapit na nga ito, bahagya siyang sumilip sa mukha nito, ng matapos nu'n umiling-iling nalang siya.
"Kaya pamilyar kang hinayupak ka" komento nito at muling natawa si Boss A kuno
May narinig akung ungol kaya napalingon ako sa lalaking nakagapos, gising na pala.
Lumapit si Brooke dito "Where can we find Finagle?"
Hindi ito sumagot kaya napatingin si Brooke sa kay Heaven na katabi lang niya. Agad naman nakuha ni Heaven ang ibig sabihin ni Brooke kaya may tinurok ito sa lalaki.
"Sayang, hindi ko nadala ang honesty serum" saad ni Heaven
Biglang sumigaw ang lalaki kaya kumunot ang noo ko. Naintindihan naman yun ni Heaven kaya sumagot siya "I injected a chemical that if injected to someone, causes extreme pain"
"Para lang siyang binuhusan ng likido" dugtong pa niya kaya napatango lang kami ni Stacey
"Where. Is. Finagle." may diin na bawat saad ni Brooke na kahit ako natakot sa paraan ng pagsalita niya
Hindi parin sumagot ang lalaki kaya parang nagalit si Brooke at may kinuha sa Gucci bag niya.
Napanganga nalang kaming tatlo sa nakita habang si Boss A naman ay umiling nalang na parang sanay na siya.
"Kaya pala nawalan ng malay ang tao" hindi makapaniwalang komento ni Stacey
"I have no words right now" parang bulong na saad ni Heaven
"Paano niya nadala yan?" tanong ko naman ang kawawa ng Gucci bag at nilagyan niya ng isang chainsaw!
Tama kayo sa nabasa, isang chainsaw. C.H.A.I.N.S.A.W!!! Paano niya nadala yan?! At ang duffel bag! Gucci pa naman yun, hindi yun bagay para sa mga ganoong bagay!
Nakita kong napalunok ang lalaki, I don't blame him. Hindi magandang kumbinasyon si Brooke at isang chainsaw, hinding-hindi talaga.
"Finagle nerede?!" sigaw ni Brooke pero hindi parin sumagot ang lalaki "Sana son bir şans veriyorum"
Honestly, hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Brooke pero di bale na, parang natakot niya naman ang lalaki.
"Bilmiyorum!" sagot ng lalaki
Nakita ko nalang napangisi si Brooke "Oh şeytana, söyle merhaba benim için?"
Hiniwa niya ang paa ng lalaki kaya napasigaw nalang ito sa sakit. Hindi ko makayanan makita yun kaya patakbong lumabas ako sa silid. Parang parehas kaming iniisip ni Stacey dahil nakita ko siya sa tabi ko na tila masusuka na.
Kahit nay kalayuan na kami sa silid, rinig na rinig ko parin ang mga daing at sigaw ng lalaki. What a poor soul, nagkamali siyang si Brooke ang kakalabanin.
I made a mental note: huwag as in 'wag kakalabanin at papagalitin so Brooke kung hindi mamatay ka sa dis oras.
Ilang sandali palang, ay biglang tumahimik. Nagkatinginan kami ni Stacey, tapos na ba?
Unang lumabas si Boss A na naliligo sa dugo. Hindi naman yun ipinagkatataka dahil sa ginawa ni Brooke. Sunod lumabas si Heaven na kagaya rin ng estado sa naunang lumabas. Panghuling lumabas naman si Brooke habang hawak-hawak ang pugot na ulo ng lalaki, agad naman akong umiwas ng tingin.
"Bakit mo yan dinala?!" sigaw ko
"Yan din ang tanong ko kanina, sabi niya raw magagamit pa raw natin yun" umiling-iling na sagot ni Heaven sa'kin
Dahil naiinitan na siguro ang lalaki, tinanggal niya ang maskara ang nalaglag ang panga ko ng makita ang mukha niya "T-Tyler"
BINABASA MO ANG
Girls with Guns
AksiFour different girls, four different past, four different pain, and four different crimes. "What could go wrong?" Criminals recruited by the government to take down an even more dangerous mastermind. On the way, they will learn different things like...