Chapter 24: Hurting

13 1 0
                                    

YVONNE

Kalahating masaya habang kalahating naiinis ako sa assigned task na gagawin namin.

Masaya ako na si Tyler ang kasama ko habang inis na inis ako na kung bakit si Vivory pa talaga ang bubuntutin namin!?

Kahit, walang pasok at holiday maaga akong magising dahil pinagkasunduan namin ni Tyler na susundan si Vivory sa pasyal nila sa mall.

Ng matapos magbihis, agad akong lumabas sa kwarto at tumambad sa'kin ang wala sa mood na si Brooke at Stacey na may kausap sa telepono.

Nilibot ko naman ang tingin sa buong dormitoryo at napagtantonan na hindi pa gising si Heaven.

“Bihis ma bihis huh” komento ni Stacey na kakatapos lang makipag-usap sa telepono “Saan ang lakad?”

“Pupunta kami ni Tyler sa mall” maikling paliwanag ko

Tinaasan naman ako ni Brooke ng kilay “At sa gitna pa kayo ng misyon magde-date?”

Biglang nanlaki ang mata ko at uminit naman ang pisngi ko sa sinabi ni Brooke “H-hindi kami magde-date ano! S-sundan namin sina Vivory sa mall ngayon”

Hindi ko na hininaan ang boses ko dahil may inilagay si Stacey sa dormitoryo namin para masiguro ang privacy at dagdag proteksyon din nu'ng nakaraan kaya hindi na yan problema.

Umiling-iling nalang si Stacey “Kunwari naniwala kami”

“Eh problema niyo na yan!” sigaw ko at padabog umalis doon

Kasalukuyan kaming nagpipila para makakuha ng ticket dahil susundan namin si Vivory sa sinehan.

Hindi naman maipinta ang mukha ng kasama ko dahil sa ayaw na ayaw nito sa pilikulang pinili ng suspect.

“Tyler, umayos ka nga” saway ko sakanya pero mas humaba naman ang nguso niya

“Eh bakit ba kailangan na'tin manood ng pelikulang yan!” reklamo niya na parang batang ayaw matulog

“Do I need to repeat myself again, Tyler?” tanong ko habang seryoso ang tono ng boses ko

Umiling siya at umayos ng tayo “No ma'am”

“Bakit ba nagpresenta kang sumali sa dito kung ayaw mo naman ng trabaho” takang tanong ko sakanya

“Sinong may sabing nagpresenta ako? No way!” pagtatangi niya “Napilitan lang akong gawin ito dahil sa lintik na Hendrickson na yun”

Natawa naman ako sa ekspresyon niya na halata ngang pinilit, bakit hindi ko yun napansin kanina?

“Ako nalang dito, bumili ka ng popcorn at soda please?”

Agad naman siyang tumango at pumunta sa pamilihan ng mga pagkain dito sa sine.

Pagkatapos bumili ng pagkain at kumuha ng ticket, agad kaming pumasok sa sinehan para makapili ng magandang pwesto para bantayan ang kilos ni Vivory.

Ng makahanap kami ng upuan, agad umupo ang binatang kasama at nilamon ang pagkain. Kulang siguro ang pagkaing binili namin.

Pagkatapos lumabas sa sine, nandito naman kami sa isang mamahaling restaurant.

Tinutukso ko parin si Tyler dahil umiyak siya dahil sa napanood na pelikula, kaya pala ayaw niyang manood.

Agaw pansin kaming dalawa dahil sa suot naming hindi nababagay sa loob kaya hinila ko palabas si Tyler at pumasok sa katapat na coffee shop, at dahil sinuswerte kami kitang-kita si Vivory ngayon mula sa inupuan namin.

“Nakuha mo ba ang inutos ko sayo?” tanong niya sa'kin

Binigay ko naman ang isang chip sakanya na idinesenyo ni Stacey. Isang chip na nakakabasa ng messages at nakaka-record ng mga tawag at iba pang impormasyon kung maididikit lang ito sa cellphone ni Vivory.

Pwede lang man sigurong banggain siya para maidikit yun kaya hindi na yun problema.

•~→†←~•

Gabi na at napasyahan naming umuwi nalang. Walang kahinahinalang bagay ang napansin namin kay Vivory kaya walang kaming nagawang progress sa assignment na ito.

Nandito kami sa garden, yung kaparehong garden kung saan nakita ko siyang nakabantay sa dormitoryo namin.

“Bakit ka nga pala nakabantay samin, nu'ng araw na yun?” bigla kong tanong

Napatingin naman siya sa'kin, halatang gulat sa tanong ko “No apparent reason”

Hindi ako kumbinsido sa sagot niya pero hinayaan ko nalang ang tao. Baka importante ang dahilan at hindi niya pwedeng sabihin, who knows?

Gaya nu'ng araw na yun, nakatingin ako sa langit na ubod ng ganda kagaya ng dati. Maraming bituin ang kumikislap sa langit at napalaki ng buwan, it's a full moon after all.

Nakita ko naman sa peripheral vision na ganon din ang ginawa ng katabi ko. Nakatingin habang namamangha sa napakagandang kalangitan.

What can be more lovely than sitting beside the man you like while looking at the beautiful night sky?

I secretly chuckled at that thought but shook it away afterwards.

Biglang may dumating na pamilyar na sasakyan at ng lumabas sina Agent Alexander at Heaven dito, nalaman ko naman kaagad kung bakit pamilyar ang sasakyan na iyon.

Nakita ko kinarga ni Elliot ang aking kaibigan, ang mata niya ay puno ng pag-aalala at pagmamahal na nakatingin dito at kahit hindi kami masyadong malapit sa kinaroroonan namin nakita ko parin yun.

Ngumiti ako sa nakita, pero agad iyong nawala dahil nakita ko siyang nakatitig sa kanila, puno ng galit at selos ang mata.

Parang tinutusok ng maraming karayom ang dibdib ko dahil dito, “May gusto ka sakanya?”

Halos hindi naman yun nagmukhang tanong, mas naging statement yun dahil sa mata palang ay masasabing tama ang hinala ko.

Pero mas masakit pa pala ng kung sakanya mismo galing ang napakasakit na katotohanan.

Tumango siya habang pinupunasan ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi. Pero kahit pinunasan man niya yun, mas dumami ng dumami ang tumulong luha dahil tanga ako kinuha ko ang panyo ko at ako mismo ang nagpunas sa mukha niya.

Ngumiti ako ng pilit “Masakit ano?” tanong ko pa

Tumango na naman siya “Masakit na masakit talaga”

Palihim kong pinahiran ang luha ko at mukhang hindi naman niya iyon napansin.

It is painful to see someone you love crying because he is loving someone that cannot live him back and it is more painful that you have to watch it and say you are ok.

Dahil wala na akong magawa, niyakap ko siya ng mahigpit. Yumakap naman siya pabalik at humagulgol ng walang tinig sa likod ko.

How I wish I can cry as well, how I wish I can let all the pain out but right now I just can't. I need to be a little bit more stronger to comfort the man I love.

Ngayon ko lang napagtantonan na mahal ko pala siya, nalaman ko nalang yun sa isang napakasakit na paraan. How I wish I could erase this pain, can I just forget this stupid feeling?

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon