Chapter 26: Ouch

13 0 0
                                    

YVONNE

Nandito ako ngayon sa silid ko. Hindi ako pumasok kasi hindi ko lang kaya. OA lang kung OA pero wala na akong pakelam. Masakit eh, masakit na masakit.

Bumugtong-hininga ako for the nth time habang nakatitig sa pinto.

Dahil nagugutom na din ako, napasyahan ko ng pumunta sa kusina. Laking pasalamat ko na may natira pang pagkain sa niluto ni Brooke kanina.

Habang kumakain ng kung ano-ano, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi.

He likes her but she likes his twin brother. Pareho kaming nasaktan pero eto ako ngayon nagkulong sa dorm na parang baliw.

Habang kumakain ng pang-apat na serving, biglang may kumatok ang pinto. Hindi ko naman pinansin dahil kung isa yun sa kanila eh may susi naman silang dala.

Ilang minuto ang nakaraan ay hindi parin tumitigil sa pagkatok ang tao kaya napasyahan kong buksan nalang ito.

Bubuksan ko na sana pero may parte ng katawan ko na ayaw makisundo. Parang may maling mangyari kapag buksan ko yun.

“Nah, what's the worst the could happen?” bulong ko sa sarili at binuksan ang pinto laking gulat ko nung nakita ang mukha niya

“Why are you here, Tyler?”

ERIC

“Why are you here, Tyler?” tanong niya na ikinagulat ko

No, hindi ang tanong niya ang ikinagulat ko kung hindi ang ayos niya. Queenie, the fashionista looks like shit.

Ang gulo gulo ng mahaba niyang buhok, halatang hindi pa na susuklayan o nabigyan pansin man lang. May mga malaking eyebags siya at walang katingting na make-up. Hindi pa siya makapagbihis at nakapantulog pa lamang.

“I ummm” hindi ko alam kung bakit pero hindi ako nakapagsalita ng maayos

Shit nalang. Hindi ako sanay na ganito ang ayos ni Yvonne, hinding-hindi talaga. Naalala ko naman siya nu'ng una kaming nagkita.

She was on her night gown and has no make-up on but she looked breathtakingly beautiful as ever.

Una ko siyang nakita nu'ng umakyat ako sa puno upang sumilip sa dormitoryo ng mga pinakuha ng aking kambal. I was eaten up by curiosity na kung bakit nila gusto dakpin ang apat na babaeng kriminal na yun na humingi sila ng tulong ng mga kagaya ko.

Umiling lang ako at bumalik sa kasalukuyan.

“Just come inside” pag-aya nito at dahil hindi parin ako nakakapagsalita ay tumango lang ako

Ng makaupo ako sa sofa nila, binigyan naman ako ni Yvonne ng kape at sa kung anong dahilan alam niya ang paborito kong kape.

“H-how did—” pinutol niya ang sasabihin

“You always drink that type of coffee everytime possible” sagot nito

Nahalata niya yun?

After turning the air-condition off, isinantabi niya ang kurtina at binuksan ang bintana.

I blinked twice. Coincidence lang ba o alam niya talaga na ayaw ko mag air-con tsaka gusto ko na buksan ang bintana?

“Paano mo na—” hindi niya naman ako pinatapos at sumagot nalang

“You told me” simple niyang sagot

Naalala kong ayaw niya na walang air-con pero ba't niya pinatay pa? Naalala ko ring gusto niya na nakasirado ang mga bintana at hindi gaanong aabot ang sikat ng araw sa loob ng bahay.

“How did you... I mean— errr you know?” magulo kong tanong

Hindi ko kasi alam ang tamang tanong pero gusto ko talagang malaman.

She laughed dryly “Are you just plain stupid Alexander or are you playing stupid?”

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko talaga maintindihan.

Tumawa naman siya with the same bitterness “Ilang anesthesia ba ang nalunok mo?” sabay iling

“What are you saying, Yvonne?” tanong ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang pinagsasabi niya

“I fucking like you!” sigaw niya “Oh who am I kidding? I fucking love you you fucking bastard!”

That caught me off guard. Hindi ako makapagsalita o makapag-react man lang. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko ang kakaibang bagay.

Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin, her eyes were watery— she's on the edge of crying. Nasasaktan ko siya, nasasaktan ko si Yvonne dahil sa manhid ako.

Sasagot na sana ako sakanya tumunog ang ringtone niya na palatandaan na may tumatawag sakanya.

“Hello?” sagot niya dito “WHAT!?”

Kumunot ang noo ko dahil sa nagtataka ako kung bakit ganoon ang reaksyon niya.

“Thank you, goodbye” ng binaba na niya ang tawag tinignan niya ako “Brooke's at the hospital and Theo is nowhere to be found”

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon