Chapter 18: Her Twisted Plan

14 1 0
                                    

STACEY

Nandito na kami ngayon sa underground meeting room namin. Hindi pa kami makakapagsimula dahil wala pa dito si Yvonne at Nicole.

Weird nga eh, ng pumasok kami nahihirapan kaming pumunta dito dahil nagkakagulo sa gymnasium kanina.

Biglang bumukas ang elevator at lumabas ang dalawa.

Parang pinapagalitan ni Yvonne si Nicole, bakit kaya?

“What took you so long?” tanong ni Agent A

Wala nga pala si Agent H dahil may inasikasong mga bagay na hindi pinapangalanan niya.

Umupo si Nicole na parang walang narinig kaya mas lalong kumunot ang noo namin.

“Eh, paanong hindi matagalan kung may kasama kang psychopath!” inis na singhal ni Yvonne

Lahat kami tumingin kay Nicole, isang inosenteng ngiti ang tinugon niya.

“What did you do?” pilit na maging mahinahon ni Heaven

Ngumiti muli siya, isang makabuluhang ngiti “I may or may not have displayed the dead guy's head in the gymnasium”

Napatampal nalang kaming lahat sa sinabi niya

“Hindi na ako magtataka kung magki-killing spree ito sa susunod na araw” Yvonne commented

Biglang bumukas ang elevator at iniluwal nito si Agent H at si Boss A, na kakambal pala ni Agent A.

Nakita ko namang namula ang tainga ni Yvonne, bakit kaya?

Pumunta sa harap si Hendrickson habang masamang tinitignan si Nicole.

“Mr. Eric Alexander will be joining our mission from now on” malamig na saad nito habang nakatutok parin kay Nicole na parang kung mawala ang tingin niya rito ay may mamamatay na naman

“I am sorry I was late, I was fixing other people's mistakes” saad niya muli kagaya ng kanina, matalim parin ang tingin sa babae

Tumawa naman ng walang-buhay si Nicole “You'll thank me later”

Biglang nagliyab ang mata ni Agent H “Thank you for what?! Almost compromising our mission!?”

“Yan ang dahilan kung bakit hindi niyo pa nahuli ang Finagler na yan” umiling-iling na komento nito

Tumaas naman ang kilay ni Agent H, tila naguguluhan katulad namin lahat dito. Si Nicole lang siguro nakaintindi sa sinasabi niya.

“Hindi niya ba talaga nakuha?” tanong niya muli, umiling lang kami lahat

Bumugtong-hininga siya “Stacey, check the gang's group chat”

Sa sinabi niya, agad kong kinuha ang laptop ko at pumunta sa group chat ng gang na sa dark web maa-access.

-
: i houldeunaeanicaddvld  ea warrhats is iis ats f y

: wa o?hthw!

: I agt otohdf veo iernmtr 'y nrt mmi maevkeynann tlo b  wseog a rasyt no hagmteneh o

: btt ayh tv eboet eo hgh reoivu vnilsedoeor lsunte nmhnrdeite ns,mot. ef  tm iIhbisteet  yr,ni ? osh

: tnuethg   e kwwypnih uotaaswhtrs?  ei hg eIiafs mnu,a,gc g ?kyrbioeu
-

“They are talking alien language” komento ni Yvonne

“I don't understand shit” pagsasang-ayon naman ni Heaven

“They are using codes, I may crack it but it'll take time. I don't know the code” saad ko

“Scytale, 5” biglang saad ni Nicole

Napatingin naman ako sakanya. How on Earth does she know these things!? Marami siyang alam tungkol sa gang na ito, nagtataka na ako. What are you hiding, Brooke?

Agad ko kinuha ang laptop and with a couple of digits and encodes, I cracked the code.

Napatingin naman ako kay Nicole, kung planado niya ito hindi ko maiwasang mamangha sa babaeng kasama ko ngayon.

She's somewhat a psychopath, but damn she looks so innocent and not to mention she's smart. Sino ba talaga ang isang Brooke Nicole Concepcion Akana Santos?

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon