Chapter 10: What The-

18 1 0
                                    

BROOKE

Lumabas ako doon, hindi ko na napigilan ang luha ko. Agad kong tumakbo papunta ng silid namin. Pumunta naman ako sa punching bag ko at binuhos ang lahat ng aking emosyon doon.

Hindi ako nakontento at nagwala ako. Nabasag ko ang ilang mga vase at salamin, parang dinaanan ng bagyo ang aming silid.

Pagkatapos kong ginawa noon, hinihingal ako. Dumudugo ang dalawang kamay ko at may bahid ding dugo sa sahig at ilang kagamitan.

Ang huli kong natandaan ang mga sigaw at tawag nila sa'kin tsaka nagdilim ang paningin ko.

•~→†←~•

Nagising ako habang ginagamot ang kamay ko ni Heaven. Malapit na rin matapos maglinis sina Stacey at Yvonne. Si Stacey naglinis habang si Yvonne nagtuturo kung saan.

Tatayo na sana ako ng bumagsak ang katawan ko sa sahig. Napakasakit ng ulo ko, parang tinutusok ng ilang patalim. At oo, naranasan ko na yon.

Tinulungan ako ni Heaven tumayo at pinaupo sa higaan “T-thanks”

Tumango lang siya “No problem”

Habang pinapatuloy niyang lagyan ng gamot ang aking sugat napaungol nalang ako sa sakit. Nanghihina din ako na parang hindi lang galing sa tulog.

“You lost a lot of blood” komento nito habang sinusuri ang sugat ko “Do you have records on anger issues?”

Napatango nalang ako “Pero huling nangyari yun ay limang taong nakalipas”

Parang nanumbalik ang lahat ng sakit na nararamdaman ko limang taon nakalipas. Hindi parin nawawala ang sakit, parang natulog lang ito at ngayon muling nagising.

Inabutan ako ni Heaven ng panyo kaya napakunot ang noo ko parang naintindihan niya yun kaya tinuro niya ang pisngi ko.

Pinahiran ko yun at nalamang umiiyak pala ako. Tinignan ko siya at sinuri ang ekspresyon niya.

Tumawa ito ng mahinhin “Don't worry, your secret is safe with us”

Ngumiti lang ako ng mapait at tumango. Natapos na sa paglilinis ang dalawa at umupo na sa tabi namin ni Heaven.

May binigay na papel si Stacey sa'kin kaya kumunot naman ang noo ko “Ano ito?”

“Yan ang mga kondisyon at mga pabuya kuno kung tatanggapin na'tin ang misyon” sagot ni Stacey

“Tapos na niyong basahin?” tanong ko uli

Umiling lang sila “We want you to read it first”

Tumango ako. Binasa ko lahat ng yun pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.

“What the—” napa-awang ang bibig ko sa nabasa “That mother fucking bastard”

Bakas naman ng katanungan ang mukha ng iba kaya binasa ko ito ng malakas “To insure the cooperation and make sure the recruits will not escape during the missions, a tracker is injected on the very first day in the facility...”

Napanganga naman ang tatlo sa nalaman. Hindi parin naproseso ang nalaman namin.

“Kaya pala hindi sila natakot papuntahin ang mga pamilya natin at pagala-gala lang tayo dito” bulong ni Yvonne na sapat para marinig naming tatlo

“I have a fucking tracker on my neck” saad ni Heaven habang hawak-hawak ang isang bahagi ng leeg niya

Hinimas-himasan lang ni Stacey ang isang bahagi ng leeg niya “I know I should be mad but damn am I impressed”

Tinaasan ko naman siya ng kilay, this girl is weird. Well, lahat naman kami dito may problema sa pag-iisip. I'm a psychotic freak, Stacey is stupidly courageous— even though it'll kill her someday, Heaven is a doctor but takes other human's organs for the black market, and Yvonne? Well she's obsessed with how she looks, she might die if she'd had a bad hair day.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Hendrickson sa opisina niya “Ilang oras ako nahimatay?”

“Hours?” Yvonne scoffed “You've been out for a day sleeping beauty”

“Ibig sabihin—” inunahan na ako ni Stacey

“Yes, the mission starts tomorrow and lucky us well be going to a university” note the sarcasm in Yvonne's voice

Nagulat ako sa sinabi niya “What? Paano naman tayo makapasok?”

“Well, hindi naman yun problema” saad ni Heaven “Well I already graduated college—”

“Wait what?” gulat na tanong ni Yvonne

“Girl, how do you think I became a licensed surgeon/doctor?” may halong pagmamalaki na saad niya

“So let's continue” saad ulit ni Heaven “As I said, I already graduated college also Yvonme, Stacey already graduated highschool so there is no problem with that and so did you”

“That's the problem” sabi ko na halos bulong na

“Why?” sabay nilang tanong

“I— I haven't graduated highschool” pag-aamin ko, alam kong namumula na ako ngayon

“H-huh?” hindi makapaniwalang tanong ni Stacey

“I bailed out the last year of highschool” saad ko

“That's ok, the government will just do something and then viola!” Yvonne shurgged

Hey don't get me wrong, masipag akong mag-aral nag-accelerate pa nga ako ng ilang years eh may nangyari lang talaga nga naging dahilan doon.

•~→†←~•

Nagising ako kinabukasan na wala na sila Heaven. Ang bumungad sa'kin ay isang baklang ubod ng kapal ng make-up.

“Hello Ms. Santos I was assigned to prepare you for your cover” sagot niya sa pangbabaeng boses pero halatang pilit

Bago ko paman sumagot ay hinila niya ako at inabutan ng susuotin ko daw.

Napanganga ako ng makita ko ang susuotin ko raw. Isang white sleeveless crop top nasisiguro kong makikita ang pusod ko kung susuotin ko yun, pinarisan yon ng pleated skirt na puti rin at few inches above the knee pa!

“What is taking you so long, darling?” sigaw ng bakla na may accent sa'kin

“D-do ito have to really wear this?” nauutal kong tanong sakanya

Pupunta ako sa paaralan for Pete's sake hindi sa fashion show!

“Yes, darling” saad nito “Now get your ass out here!”

I'm fucking wearing revealing clothes! Hindi ako lalabas ng ganito! Never, no!

“What's taking the hold up darling?” tanong niya

“Wait a minute!” sinubukan kong taguin ang pagkairita sa boses ko. Tatanggalin ko na sana ng pumasok siya sa loob ng laki naman ang mata ko

“You look perfect!” saad niya saka kinaladkad niya ako palabas

“Now, time for make-up!”

Para akong nabagsakan ng langit at lupa sa narinig. Holy bloody sickening cow I'm doomed, doomed I tell you doomed.

“A-aray! Hoy bakla! Can you slow down?” naiirita kong saad

Umiling-iling ito at nagtanong “When is the last time you brushed your hair?”

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon