Chapter 8: I Heard It

21 1 0
                                    

STACEY

Wala siya, hindi siya dumating. Napakatanga ko at umasa na dumating siya pero anong nangyari? Nauwi akong luhaan.

Agad kong pinahiran ang luhang dumadaloy sa pisngi ko. Cipher the legendary hacker, cried over something like this.

Napabugtong-hininga na ako. Wala naman akong magawa, hindi ko siya pwedeng kidnapin, talian at dalhin dito. Ano ba ang pinagsasabi ko?! Isa akong hacker, hindi kidnapper.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay napabuntong-hininga nalang ulit ako.

Tinignan ko ang mga kasama ko, si Yvonne tsaka ang nanay niya, si Heaven at ang bunso niyang kapatid at si Brooke naman at ang kanyang tatay.

Speaking of which, hindi ko alam kung bakit sila nagtatalo. Oo, hindi masaya at ligaya ang pinapakita ng mga mata ni Brooke kung hindi galit at pagka-alala ito.

Sa mga kaibigan ko— kung matatawag ko ba sila ng ganyan, siya ang pinakamalapit sa'kin kaya napagdesisyunan kong makinig. Wala namang mawala diba?

“Bakit nga ba kayo narito?!” pasigaw na bulong ni Brooke sa kanyang ama

Biglang nanlambot ang ekspresyon nito “Anak, dinalaw lang kita. Hindi naman nila alam at wala akong planong ipaalam sa kanila, miss lang kita”

Ipaalam ang alin? Yan ba ang pinagtalunan ng mag-ama? At kung yan nga bakit alalang-alala si Brooke?

Isang malaking bugtong-hininga ang pinakawalan niya “Dad, masyadong delikado ang ginawa mo. Nahuli na ako hindi pwedeng mahuli ka rin, paano na ang negosyo?”

Kriminal rin ba ang tatay ni Brooke? Kung tama nga ang hinala ko, ano ang ginawa niya? At ano ang negosyo na pinagsasabi niya?

Umiling ang ama nito “Pero—”

“Brandon Santos Jr.” may diin na  pagkabanggit ng kasama sa ama nito na tila binabantaan niya ito

Binabantaan ni Brooke ang kanyang sariling ama? Woah, ibang klase talaga ang babaeng ito.

“Kasi naman ana—” naputol ulit ang sasabihin nito dahil sa kanyang anak

“Leave” utos nito na puno ng otoridad “Leave before they'll find out that your the Grim Reaper”

Agad akong lumayo sa mag-ama. Bale mag-ama ang Angel of Death at si Grim Reaper? Ang negosyo ba na binanggit niya ay yung pagpatay?

Nalaglag ang panga ko sa mga narinig ko. Naparaming impormasyon, mas dumami ang tanong ko tungkol sa totoong buhay ni Brooke.

Noong una ay interesado na ako sakanya dahil nalaman kong siya ang Angel of Death tapos ngayon— I'm speechless. Napaka-misteryoso ng buhay ng isang Brooklyn Nicole Concepcion Akana Santos at napakahaba din ng pangalan niya samantalang ang iksi ng pangalan ng tatay niya.

Sasabihin ko ba sa mga agents tungkol dito? And speaking of agents, bakit galit na galit si Agent Hendrickson dito sa kasama?

Sumasakit na ang ulo ko dahil sa dami-dami ng tanong sa ulo ko. Hindi ako sanay, hindi ako sanay na hindi alam ang kung ano-ano. I am Cipher and I must know everything, even if it kills me.

•~→†←~•

Umalis na ang mga kapamilya ng mga kasama ko. Yung kapatid ni Heaven halos hindi na bumitaw sakanya at yung nanay ni Yvonne kinantahan pa siya bago umalis, tapos yung tatay ni Brooke niyakap pa siya nito, nakakainggit.

Pagkatapos noon, hinatid kami sa isang napakalawak at malaking kwarto. May apat din na kama at isang walk in closet pa— halos mabingi ako sa tili ni Yvonne. May punching bag pa sa isang sulok na ika ngiti ni Brooke. Nandito lahat ng kailangan namin, maliban sa kusina. Masyado daw delikadong bigyan ng kusina kami, sabi ni Agent Hendrickson pero sa tingin ko si Brooke lang ang pinahiwatig nito dahil sakaniya ito nakatingin, isang matalim na tingin na tila papatayin ka.

Dahil dalawa lang ang CR at agad namang pumasok si Yvonne tapos si Heaven nalang ang pinauna namin, kami nalang dalawa ni Brooke dito.

Nakabingging katahimikan ang pumalibot samin. Sasabihin ko ba na may narinig ako? Huwag nalang, sa maiksing panahon na magkakilala kami, tamang-tama lang yun para malaman kong hindi na ako masisilayan ng araw kung sasabihin ko yun sakanya.

Tumayo si Brooke sa pagkaupo sa sofa at bumulong “I know you heard us”

Napako ako sa kinatatayuan ko at nanlamig ang katawan ko. Tinakasan nga ako ng kaluluwa ko sa takot eh!

Ang simple simple ng sinabi niya pero nakakakilabot talaga. Namalayan ko nalang na nandoon siya sa punching bag na tila pinapatay na niya yun.

Napalunok nalang ako. Hindi kaya ini-imagine niyang ako yang sinusuntok niya?

Nagpapasalamat ako kay Agent Hendrickson na hindi niya nilagyan ng kusina kung hindi baka umuulan ngayon ng kutsilyo.

Ng makalabas si Heaven, agad akong tumakbo papunta ng paliguan. Hindi ko yata kakayanin kung tatagal pa ako roon.

“Girls, get up and ready. Diner at 9 sharp” saad ni Agent Alexander sa speaker na nakalagay sa kwarto namin

Narinig kong may nabasag sa labas at may sumigaw “WHO THE FUCK SAYS WE'LL BE WORKING FOR YOU HENDRICKSON?!”

•~→†←~•

Nandito kami sa isang cafeteria ng pasilidad. Nasa isang pasilidad pala kami para lang sa mga agents, kaya masama ang tingin nilang lahat samin ng malaman kung ano talaga kami.

Parang wala lang yun sa tatlo dahil parang hindi manlang sila naapektuhan doon.

Pero ako? Nanginginig ako sa takot! Ng pinakilala kami ni Agent H (H nalang kasi ang taas ng Hendrickson) ay papatayin na nila sana kami kung hindi sila pinagbawalan.

“G-guys?” nauutal kong tanong

“Yes, Stace?” si Heaven yung sumagot at umirap lang si Yvonne, bad mood yata “Pagpasensyahan mo lang yan si Yvonne, bad mood kasi hindi pinayagan sumuot ng crop top”

Natawa lang kami habang masama ang tingin ni Yvonne samin. Tahimik lang si Brooke na parang nandidiri na sa mga agents na pumalibot samin “Bakit ba dito tayo pinapakain? I'm badly allergic to agents”

Sa komento niyang yan lumakas ang tawa naming tatlo, nakisali na rin si Yvonne na parang nawala ang isip sa crop top dahil sa komento ni Brooke.

Dahil sa tawa namin mas maraming mata ang nakatingin samin, pero hindi parehas kanina ay hindi na ako naapektuhan dahil sa mga babaeng kasama ko ngayon.

I felt wanted. Sa matagal na panahon, ngayon ko ulit naramdaman ito. Ramdam ko na magiging pangalawang pamilya ko ang mga babaeng ito, isang pamilyang tanggap ako ng buong-buo.

Napangiti ako. Isang ngiting hindi peke o pilit, isang masayang ngiti— salamat sa mga babaeng kasama ko.

“Angel of Death, Cipher, Lady Minx and Queenie, report to my office now” anunsyo ni Agent H

Bigla akong kinabahan. Para akong nasa highschool ulit na pinatawag ng principal dahil sa isang violation at tinignan kami lahat ng mga schoolmates— agents.

Nakita kong umigting ang panga ni Brooke at ang pamilyar na apoy sa mata niya tuwing nagagalit siya o sa ibang salita kung marinig niya ang pangalan o kahit anong bagay na konektado kay Agent H.

For the nth time, what is up with this two? Para silang mag-ex na galing sa isang maduming break-up, nakakarindi!

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon