Chapter 58

26 0 0
                                    

Samantha's Pov.

Halos isang oras na ang nakalipas hindi parin bumabalik si Zandro, nag aalala na ako sa kanya. Dahan dahan akong bumangon, hilong hilo pa ako pero sinubukan kong tumayo para hanapin si Zandro.
Dahan dahan akong naglakad at kumakapit sa mga bagay na pedeng makapitan para hindi ako matumba, hanggang nakalabas ako ng bahay, lumakad ako at kumakapit sa mga dahon at mga sanga ng puno

"m-mahal! Zandro!" Sigaw ko

Patuloy parin ako sa paglalakad

"mahal! asan ka?" Ako

Pero wala paring sumasagot sakin

"mahal! Zandro asan ka na!" Ako

Pero ang tahimik ng paligid at diko parin nahagilap si Zandro.
Patuloy parin ako sa paghahanap sa kanya, hanggang sa napagod ako, nanginginig ang aking mga tuhod, at nahihilo ako

"m-mahal! b-bumalik ka na dito!" Sigaw ko parin

Sa kamalas malasan biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"m-mahal, nasan ka na ba?" Ako

Unti unti ng nawawala ang aking lakas, kaya umupo na lamang ako sa damuhan sa ilalim ng malaking punong  kahoy at don sumandal.

"mahal!" Sigaw ko parin

Di ko na napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Sumandal lang ako sa puno at niyapos ang aking sarili habang umiiyak.

"ZANDRO!!" malakas kong sigaw

Napahagulhol na lamang ako sa pag iyak, pinatupong ko ang aking mga tuhod at niyayakap ito.

"Sabi mo babalikan mo ko diba? bakit ngayon wala ka pa? ok ka lang ba?
m-mahal bumalik ka na please! diko na kaya" Umiiyak kong sabi

Pero ilang minuto akong nakaupo sa ilalim ng puno wala paring Zandro na bumabalik, sinubukan kong tumayo pero ang bigat ng katawan ko at diko kayang itayo, kaya wala nakong nagawa kundi umupo nalang dito at sumandal ulit sa puno.

"MAHAL!!! ZANDRO NASAN KA!!" malakas kong sigaw

Walang tigil sa pag buhos ng aking mga luha

"m-mahal, asan ka na ba? akala ko ba saglit ka lang?" umiiyak kong sabi

Labis na akong nag aalala sa kanya, saan kaya sya nagsuot at hanggang ngayon di parin bumabalik.

"MAHAL!! ZANDRO!!" malakas ko paring sigaw

"SAM!!" tinig ni Carlo

Kaya agad akong napalinga linga sa kagubatan

"C-Carlo?" Ako

"SAM!" tinig ni Mia

"M-Mia? C-Carlo? nandito sila?" Ako

"Sam!!" Mia

"MIA!! CARLO ANDITO AKO!!!" malakas kong sigaw

"SAM!!" sigaw nila habang papalapit sa kinaroroonan ko

"Tulungan nyo ko Mia!! Carlo!!" Sigaw ko

"Sam! Sa- Samantha?" Sabi ni Mia ng makita ako

"M-Mia" Ako

"Sam" Carlo

Agad nila akong nilapitan, at tinulungang tumayo, nilagay nila ang kamay ko sa balikat nilang dalawa at inalalayan sa paglakad.

"t-teka, si Z-Zandro, hanapin natin sya, baka napano na sya, kanina ko pa sya hindi nakikita" Ako

"S-Sam kanina pa nakabalik si Zandro don" Carlo

"A-ANO? N-Nakabalik na sya don?" diko makapaniwalang sabi

"oo Sam" Mia

"h-hindi, hindi totoo yan, di nya magagawang iwan ako dito, nangako sya sakin na babalikan nya ako! kaya hintayin natin sya dito!!" Ako

"Sam nakabalik na nga sya, maghihintay lang tayo sa wala! kinuha na sya ni Lucy dito kanina" Mia

"kaya Sam umalis na tayo dito, habang kumakalma na ang ulan, baka maabutan tayo ng malaking tubig" Carlo

"sabi nya babalikan nya ako, bakit nya ako iniwan? s-sinungaling sya" umiiyak kong sabi

"tama na, tara na" Carlo

Kaya umalis na kami don sa kagubatan at sumakay sa bangka, at agad ng nagsagwan ang dalawang lalaki at umalis na don.

Habang ako ay patuloy sa pag iyak at sumasandal sa dibdib ni Mia

"Diko akalain na kaya nya akong iwan don mag isa, akala ko ok na kami, akala ko ako parin ang mahal nya, pero pinaikot nya ulit ako! niloko nya ako! ang sama sama nya!!" umiiyak kong sabi

"tahan na, wala na tayong magagawa don, kinuha na ng GF eh" Mia

"kahit na! tanggapin ko naman kung mananatili parin sya sa babaeng yon eh! ang hindi ko matanggap yong iniwan nya ako don!! alam nyang may sakit ako! tapos pinabayaan nya lang ako don? gumaganti ba sya sakin? ganito na ba ako kasam kaya ginagantihan nya ako ng ganito? hahayaan nya lang akong mapahamak don sa kagubatan?" Umiiyak ko paring sabi

"pabayaan mo na sya, wala syang kwentang tao!" Carlo

"Oo nga Sam, hayaan mo na sya sa babaeng yon" Mia

Humagulhol lang ako sa pag iyak, at yumakap kay Mia

"Pinapaikot nya ako ulit para makuha ulit ang pagkababae ko! ang tanga tanga ko at bumigay ako ulit! ang tanga tanga ko!" Sa isip ko

Sumiksik ako kay Mia at nagpatuloy sa pag iyak.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon