Chapter 62

29 0 0
                                    

Samantha's Pov.

Nandito ako sa kwarto ko at nakaupo sa kama, habang hawak hawak at pinagmasdan ang kwentas na bigay  ni Zandro noon, habang pinagmamasdan ko yon, inaaalala ko ang nakaraan namin, nakaraan na masaya pa kami, pero nakaraan na masaya pero binalot ng kasinungalingan, diko na naman napigilan ang mga luhang kumawala sa aking mata.
Maya maya narinig kong may nagdoorbell sa gate namin. Pinunasan ko ang aking mga luha at lumabas sa aking kwarto at bumaba, pagbukas ko ng pinto, nahagilap ko si Zandro sa labas ng gate.

"Sam" sambit nya

Tumalikod ako, at pumasok saka sinara ang pinto

"Sam!" Sigaw nya

Pero di ako natinag at umakyat sa taas, at pumasok ulit sa kwarto, umupo ako sa kama, maya maya, nagtaka ako nang nakarinig ako ng katok sa pintuan namin.
Lumabas ulit ako ng kwarto ko at bumaba.
Pagkabukas ko ng pinto

"Z-Zandro?" Ako

"Sam pagbigyan mo na ako" Sya

"pano ka nakapasok?" Ako

"Inakyat ko yong gate" Sya

"Zandro naman! pede ba tigilan mo na ako? nakikiusap na ako" Ako

"Sam pakinggan mo muna ako! gusto kong magpaliwanag!" Sya

"sabi ng ayaw ko ng makinig sa mga paliwanag mo eh! sawa nako don!! kaya pede ba?" Ako

"Sam-" Sya

"Ano ba talaga gusto mo ha? ito ba?" Sabi ko at hinubad ang t-shirt ko

Nagulat naman sya sa ginawa ko

"ito ba gusto mo? katawan ko lang naman habol mo diba? kaya mo ko pinaniwala na mahal mo parin ako dahil gusto mo ulit makuha to diba? ngayon pagbibigyan kita, basta pgakatapos titigilan mo na ako" Ako

Hindi sya nakaimik

"ano na? ito na oh! gawin mo na kung anong gusto mong gawin!!" Ako

Lumapit sya sakin, hinawakan nya ang mukha ko, at hinimas himas yon

"Sinasabi ko na nga katawan ko lang ang habol mo" mahina kong sabi

dumaosdos ang kanyang kamay sa balikat ko at sa kamay ko at kinuha ang t-shirt na hawak ko.
At nagulat ako ng isuot nya sakin yon ulit, pagkatapos nyang maisuot yon sakin hinawakan nya ulit ang mukha ko gamit ang dalawa nyang kamay

"aaminin ko hinabol habol ko rin ang katawan mo, pero mas kylangan ko ang pagmamahal mo Sam, pagmamahal mo sakin yon ang kylangan ko, gusto kong maibalik yon, gusto kong maramdaman yon ulit, ikaw mismo ang hinahabol habol ko, ang buong ikaw" Sabi nya

"t-tigilan mo na ako Zandro" takwil ko sa kamay nya

"umalis ka na Zandro!" Ako

"di ako aalis dito hanggat di mo ko papakinggan" Sya

"umalis ka na! wag mong hintayin na ipapapulis pa kita!" Ako

"kahit ipapapulis mo ko di parin ako titigil Sam" Sya

"Zandro ano ba! wag mo na akong pahirapan! umalis ka na!" Sabi ko at hinila na sya papunta sa gate

Binuksan ko ang gate at pinalabas sya

"Sam wait lang naman oh! pakinggan mo muna ako kahit sandali! Sam patawarin mo na ako!" Sya

"tumigil ka na! kahit kylan di na kita mapapatawad! alam mo ba kung gaano ako nasaktan nong iniwan mo ko don sa kagubatan ha Zandro? hinintay kita don dahil nangako ka na babalikan mo ko! pero ilang minuto nakong naghihintay don pero di kita nahagilap kahit anino mo!! para akong tanga na naghihintay sa wala!!  alam mo yong feeling na pinipilit mong bumangon at maglakad kahit dimo kaya? ginawa ko yon para hanapin ka, dahil labis akong nag aalala sayo!! pero yon pala, nakaligtas ka na!! iniwan mo ko don! kung hindi ako pinuntahan nila Carlo diko alam kung buhay pa ako ngayon!!" Umiiyak kong sabi

"i-im sorry Sam, diko talaga sinadyang iwan ka don, di kita gustong iwan don! lalo pa't nalaman kong mahal mo parin ako, at naging ok na tayo" Sya

"Alam mo Zandro akala ko talaga ok na tayo non eh! ang saya saya ko na sana non! sinasabi ko sa sarili ko na yon na ang pinakamandang regalo sa birthday ko! Dahil akala ko ipaglalaban mo ko at mas pipiliin mo ko kay Lucy! akala ko tuloy tuloy na yong saya na yon! pero sa isang iglap nawala lang din pala!! siguro nga tanggapin nalang natin na hanggang dito na lang tayo, at di na natin maibabalik ang saya na ating nasimulan" umiiyak kong sabi

"Sam diko matanggap, diko kayang tanggapin, dahil hanggang ngayon nangangarap parin ako na makasama ka ulit, dahil hanggang ngayon ikaw parin ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, dahil pinapangako ko sa sarili ko na wala nakong ibang iibigin pa kundi ikaw lang, mahal na mahal kita Samantha, kaya please" naiiyak nyang sabi at hinawakan ang kamay ko

"tama na!" Takwil ko sa kamay nya

"tigilan mo nako sa mga kasinungalingan mo Zandro!! hindi na ako magpapauto sayo!! kita mo to?" sabi ko at tinaas ang kwentas na bigay nya sakin noon

"a-ang kwentas, na sayo pa pala yan" Sya

"naaalala mo pa kung anong simbolo nito diba?" Ako

"oo, yan ang simbolo ng pagmamahal ko sayo Sam" Sya

"oh sayo na yan! isaksak mo sa baga mo yang bulok mong pagmamahal!!" Sigaw ko at hinagis ang kwentas sa dibdib nya at tumalikod na

"Sam!!" Sya

Agad ko ng sinara ang gate at pumasok na sa loob.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon