Chapter 13

34 3 0
                                    

Shantal/Samantha's Pov.

Gumagabi na hindi ko parin iniimikan si Sean/Zandro, nakaupo ako ngayon sa sala habang nakatulala, hindi parin ako makaget over sa sinabi ni Sean/Zandro sakin kanina.

"S-Sam, kumain ka na" Sya

Hindi ako umimik

"S-Sam" Sya

"tigilan mo ko sa pangungulit mo! kung gusto mong kumain, kumain ka mag isa!!" Ako

"Sam hindi pedeng hindi ka kakain, baka mapano ka pa" Sya

"Stop acting like you care about me!! sawa nako sa pagpapanggap mo!! ano natakot ka na mawala ako? Natakot ka dahil baka hindi ka na nila babayaran dahil wala ng taong papaikutin at papaniwalain sa lahat ng mga kasinungalingan mo? i-im sorry Zandro, pero di mo na ako makikinabangan kahit kylan! dahil hindi ko na hahayaan na habang buhay akong magpapauto sa inyo! kaya ngayon, kung may awa ka pa sakin tulungan mo kong makabalik sa Pinas, sabihin mo sakin kung san sa Pinas sila nakatira" Ako

"pupuntahan mo sila? S-Sam hindi pede! di nila pedeng malaman na alam mo na ang lahat! papatayin ka nila!" Sya

"Wala akong pakialam!! Mas mabuti ng mamatay na lamang kaysa mabuhay sa kamay ng mga sinungaling na kagaya nyo!!" Ako

"S-Sam mapapahamak ka!" sya

"At anong gusto mong gawin ko? manahimik at pababayaan nalang silang utuin ako? hahayaan ko nalang silang makinabang sa companya na hindi naman sa kanila? hahayaan ko silang maging masaya habang ako nakatunganga at nakakulong sa kasinungalingan? ganon ba gusto mong gawin ko ha?" Ako

"hindi sa ganon, gagantihan natin sila, maghahanap tayo ng sapat na ebedensya para mapakulong sila, tutulungan kita" Sya

"hindi!! gaganti ako mag isa! bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko! kaya ko silang gantihan mag isa, hindi kita kylangan!! ang hinihingi ko lang sayo, tulungan mo kong makabalik don, tulungan mo kong matunton ang ang tinitirhan nila" Ako

"pero Sam" Sya

"kung ayaw mokong tulungan, edi wag! di kita pipilitin Zandro, bakit ko nga ba inisip na tutulungan mo kong makabalik don? eh kunsabo ka naman nila para ilayo ako don diba?" Sabi ko saka tumayo

Lalakad na sana ako

"Sam sandali" Sya

Natigilan ako at lumingon sa kanya

"tutulungan kita upang makabalik ka don, ikukuha kita ng ticket ngayon para makaalis ka na bukas papunta don" Sya

"mabuti, sabihin mo sakin kung san ko sila matatgpuan" Ako

"Sa mansyon nyo dati" Sya

"saan yon?" Ako

Sinabi nya sakin ang address ng mansyon namin dati

"totoong address ba yan? baka pinagtatakpan mo lang sila" ako

"hindi,  totoo yon" Sya

"siguraduhin mo lang na nagsasabi ka na ng totoo Zandro, dahil kung hindi, ikaw ang una kong gagantihan" Ako

"nagsasabi ako ng totoo, pero my pakiusap sana ako sayo Sam" Sya

"Ano?" Ako

"pede ba kitang samahan don? sisiguraduhin ko lang na hindi ka nila masasaktan" Sya

"Hindi!! kaya ko ang sarili ko, diko kylangan ng taong makakasama, lalong lalo na sa taong manloloko na kagaya mo Zandro" sabi ko

"kung ganon di kita pipilitin, Sam sana mapatawad mo ko, alam kong di na natin maibabalik ang dating tayo, ang dati nating masaya at-" Sya

"ang dating binalot ng kasinungalingan, hindi talaga natin maibabalik yong dating tayo dahil sa totoo lang Zandro, wala naman talagang tayo diba? yong dating samahan natin isa lamang pagkukunwari at kasinungalingan, kasinungalingan na dapat ay itatapon at hinding hindi na pedeng balikan, dahil isa na yong basura, napakaruming basura katulad ng baluktot mong pagkatao!" Galit kong sabi at umakyat na sa taas.

Pumasok ako sa kwarto namin at don humiga na, gusto ko sanang kumain pero ayaw ko syang makasalo, diko kaya na kaharap sya kahit ilang minuto man lang, dahil sa tuwing nakikita ko sya, parang sinasaksak ang puso ko dahil maiisip ko kung pano nya ko pinaikot noon, hinawakan ko ang kwentas na bigay nya na suot suot ko, muli na namang umagos ang aking mga luha na tilay hindi napapagod kakapatak. Maya maya pumasok sya, agad akong nagpunas ng luha at binitawan ang kwentas na suot ko at nagkukunwaring tulog na. Lumapit sya sakin at umupo sa kama, nakatalikod ako sa kanya, hinawakan nya ang balikat ko.

"i-im sorry Sam, sana naman mapatawad mo ko, kahit hindi pa man ngayon, sana bukas, o sa susunod pang mga araw, kahit niloloko kita noon, sana wag kakalimutan na mahal na mahal kita, kahit kylan di na mababago yon, dahil pinapangako ko sa sarili ko na wala nakong ibang mamahalin kundi ikaw lang, kahit alam kong malabong maibalik pa natin ang masasaya nating kahapon, ang panglalambing mo sakin noon na hinding hindi ko makakalimutan, ang ngiti sayong mukha na hindi mabubura saking isipan, mahal na mahal kita Samantha" sabi nya at hinagkan ang aking noo

Pumatak ulit ang aking mga luha at hindi ko magawang pigilan,

Kinuha nya ang isang unan at humiga don sa sahig.

Diko na alam kung ano ang papairalin ko sa panahong to, ang galit ko ba o ang pagmamahal ko sa kanya.
Sumikip ang aking dibdib na halos dina ako makahinga sa bigat ng aking nararamdaman, humarap ako sa kanya at tinignan syang nakahiga sa sahig.

"bakit kylangan pang mangyari satin to? bakit kylangan sa dinami dami ng tao na pede akong lokohin bakit kasali ka pa? matatanggap ko sana kung sila lang eh, pero bakit ikaw? diko kayang tanggapin na niloloko ako ng isang taong minahal ko ng sobra, kung alam ko lang na niloloko mo lang pala ako sana hindi nalang ako nahulog sayo, sana hindi na lang kita minahal ng wagas, para di nako nasasaktan ng ganito" sa isip ko

walang tigil sa pag agos ng aking mga luha habang pinagmamasdan ko sya na natutulog na.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon