Chapter 19

33 3 0
                                    

Shantal/Samantha's Pov.

Malapit ng umuwi sina mom at dad, kaya nagpasya akong magluto para panghapunan namin. Kaya nagluto ako ng adobo, naghiwa nako ng mga lamas at hinugasan yon, hinugasan ko narin yong karne at pagkatapos ay tinimplahan at nilagyan ng suka at tuyo.

Maya maya naluto narin yong adobo ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas, narinig ko na ang busina ng sasakyan ni dad, kaya lumabas na ako at pibagbuksan sila ng gate, pinasok nial ang kotse at pinark sa garahe, isasarado ko na sana ang gate nang makita ko na naman ang lalaking nakahood na black, na nakatayo malapit sa may puno, nakaharap sya sakin ngunit dko makita ang mukha nya sapagkat nakayuko sya.

"anak, isarado mo na yong gate, sino tinitingnan mo dyan?" Sabi ni mom na nagpagulat sakin

"a-ahm, wala po mom" Ako

Dahan dahan ko ng sinarado ang gate habang tinitigan ang lalaking nakajacket na nakatayo parin malapit sa may puno, nasarado ko na nga ang gate at ni lock yon

"sino kaya yon? anong kylangan nya dito?" Sa isip ko

"anak tara na sa loob" mom

"lets go mom" Ako

Pumasok na kami sa loob.

"mom, dad, pinagluto ko po kayo ng adobo" Ako

"talaga anak? wow! ang sweet naman! pero bumili na kami ng makakain natin, di naman kasi namin alam na magluluto ka pala" Mom

"Ganon po ba, edi masaya po, madami po tayong pagkain, akin na po yang pagkain na binili nyo mom, ihahanda ko na po yan sa mesa para makakain na tayo" Ako

"mabuti pa anak, kasi gutom na gutom na ang daddy mo eh" dad sabay himas sa tyan

"Pfftt, sege po daddy, bibilisan ko po" Ako

"oh sege bihis lang kami ha" mom

"ok po mom" Ako

Naghanda nako ng pagkain sa mesa, maya maya natapos nako sa paghahanda.

"mom! dad! kain na po tayo!" Ako

"ok anak, andyan na!" Mom

Maya maya bumaba na sila at lumapit sa kusina. Umupo na sila sa harap ng mesa.

"wow! ang bango ng adobo mo anak ha" dad

"diko po alam kung masasarapan po kayo sa luto ko" Ako

"syempre naman masasarapan kami anak eh luto mo yan eh" dad

"oo nga naman anak" mom

Ngumiti lang ako sa kanila, nagsimula na kaming kumain.

"hmmm masarap talaga ha" Dad

"hmm oo nga anak, sinong nagturo sayo nito?" Mom

Natahimik ako bigla

"anak?" Mom

"p-po?" Ako

"ok ka lang? natihimik ka bigla" mom

"y-yeah, ok lang po ako mom" Ako

"so sino nga nagturo sayo nito anak? hindi ka naman nagluluto noon" mom

"s-si Sean po mom" mahina kong sabi

Nagsitinginan sila sakin

"sabagay, may maganda parin palang ginawa ang lalaking yon, naturuan ka nyang magluto, eh noon wala ka namang kaalam alam don dahil yaya lamang ang nagluluto sa inyo ng pam-" dad at hindi natuloy ang sasabihin at tumitig sakin na gulat

"b-bakit po dad?" Ako

"a-ah wala anak, sege magpatuloy  na tayo sa pagkain" dad

"buti pa, ang sarap nga ng adobo mo anak" mom

"Pfftt, salamat po" Ako

Ngumiti ulit ako sa kanila at nagpatuloy sa pagkain.

Ilang minuto ang nakalipas natapos na kami sa pagkain.

"oh anak inumin mo na gamot mo" mom at binigay sakin ang gamot

Kinuha ko yon at ininom

"sege matulog ka na, gabi na" mom

"sege po mom, good night po sa inyo" ako

"good night anak" mom

Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko, saka don humiga, niyayakap ko ang isang unan, naaalala ko na naman si Sean, na noo'y katabi at kayakap ko sa pagtulog, pero ngayon wala na sya sa tabi ko, at pilit ko narin syang kinakalimutan.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon