Chapter 55

30 0 0
                                    

Mia's Pov.

Hindi parin kami umuwi dahil di pa namin nahanap sina Sam at Zandro. Namamasilong muna kami sa cottage namin, nanghingi na kami ng tulong sa mga coast guard upang hanapin sila sa kabilang karagatan, maya maya bumalik ang mga coast guard.

"kuya ano na?" Ako

"ma'am wala kaming nakita, ipagpabukas na muna natin ang paghahanap dahil masama ang panahon, masyadong malaki ang karagatan" coast guard

"Jusko! asan na kaya ang dalawang yon? sana naman nagkasama na sila ngayon, sana nakita si Sam ni Zandro" ako

"naku! sana hindi sila nagkita no! baka ano pang gagawin ng babaeng yon kay Zandro no!" Lucy

"Talagang selos pa ang pinapairal mo sa oras nato no? alam mo ikaw nahihibang ka na talaga eh!" Ako

"aba, kasalanan din naman to ng Samantha na yon eh! kung hindi sya pumupunta kung saan saan edi sana walang nangyari ng ganito! damay pa tuloy si Zandro! bwesit!!" Lucy

"sigurado naman ako na kung saan pumunta si Sam may dahilan yon! kaya wag mong masisi sisi yong kaibigan ko!" Ako

"eh sinong pedeng sisihin ha? diba sya lang? alam mo, tatanga tanga naman talaga ng kaibigan mo eh! laging hindi nag iisip!!" Lucy

"hindi tanga ang kaibigan ko!! kung may tanga dito ikaw yon!! alam mo yon ha? kapal din ng mukha mo eh no? alam mo sa totoo lang, wala namang may gusto na sumama ka dito, ikaw masyado kang mapapel eh! masyado kang feeling close! sasama sama ka sa outing nato kahit di ka naman kasali sa invitation!!" Ako

"bakit? akala mo gusto kong sumama sa outing nato ha? si Zandro ang nagpasama sakin dito!" Lucy

"ah talaga? ang paalam ni Zandro kay Sam, ikaw ang gustong sumama, dahil siguro takot kang makapagsolo yong dalawa! hibang ka eh! masyado kang praning! sasama sama ka dito tapos manggugulo ka lang, di ka na nahiya!! sabagay wala ka naman talagang hiya!!" Ako

"Hayop ka!!" Sabi nya at susugod na sana sakin

"Tama na!!!" Sigaw ni Carlo

"besh tama na" Clarise at hinawakan si Lucy

"ano ba kayo ha? sa tingin nyo may maitutulong yang pag aaway nyo para mahanap natin sila ha? para kayong mga batang nag aagawan ng candy!" Carlo

"Bwesit kasi!!" Lucy

"mukha mo!" Ako

"Kumukulo ang dugo ko sa babaeng to eh, sarap ipalunod sa dagat yong tipong dina makakabalik!" Sa isip ko

Tumahimik na lamang ako

"dito na muna tayo magpalipas ng gabi, hahanapin natin sila bukas ng umaga" Carlo

"sege" Ako

Umuwi na yong iba naming kasama, kami na lamang naiwan dito, humiga na lamang ako sa cottage, dahil dinadalaw na ako ng antok.

LUCY'S POV.

wala nakong magawa kundi matulog dito sa cottage, Diko maiwasang di mag alala kay Zandro, baka nakita nya yon ang Samantha na yon, baka magkasama na  silang dalawa.

"alam mo besh, nakukunsensya ako sa ginawa natin eh, pano kung di na nga makita si Sam?" Clarise

"sya pa talaga ang inaalala mo! dapat lang naman yon sa kanya, bwesit talaga sya! pati si Zandro di na rin mahanap dahil sa kanya!" Ako

"iba din tong BF mo eh, halatang may gusto pa sa Sam na yon" Sya

"Tumigil ka! ako na ang mahal ni Zandro, kaya sana  di nya nakita ang babaeng yon! sana kinain na yon ng malaking ahas sa kagubatan! sana talaga hindi na sya makakabalik pa! dahil pag nnagyari yon, lagot tayo!!" Ako

"ikaw naman kasi eh! pano kung nagkita nga sila ni Zandro? pano kung makakaalik pa sya? Edi lagot tayo?" Sya

"Wag kang nega ok? mabuti pa, magdasal ka na lang na hindi na makakabalik ang babaeng yon!! para wala na tayong problema, at wala nakong kaagaw kay Zandro" ako

"Kaso napoproblema ako, pano nga kung makakabalik pa sya? ano gagawin natin?" Sya

"diba sabi ko magdasal ka para hindi na sya makabalik? dami mong satsat dyan!" Ako

"kaso napoproblema na naman ako" Sya

"ano na naman ha?" Ako

"eh di ako marunong magdasal eh!" Ako

"bwesit karin! wala kang maitutulong!" Ako

"ikaw ba marunong ka ba magdasal ha?" Sya

"oo naman no!" Ako

"edi ikaw na magdasal alam mo naman pala eh! ako pa inuutusan mo! matulog na nga lang!" Sabi nya at humiga na

"hoy gaga!"hampas ko sa kanya

"aray ko! ano ba?" Sya

"wag ka dyan! ako dyan eh! umusog ka don!" Ako

"hayst! ito na!" Sya

Umusog na sya sa kabila kaya humiga narin ako.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon