Chapter 69

39 1 0
                                    

Lucy's Pov.

Nagmamaneho ako ngayon pauwi samin, sa gitna ng byahe, nakikinig lang ako ng music habang nagmamaneho, maya maya bigla na lang tumigil ang kotse ko.

"anyari?" Sabi ko mag isa

Pinaandar ko ito ulit pero wala parin

"anong problema ng kotseng ito?" Ako

Bumaba ako at tinignan ang likod

"shit! nasiraan pa ako! ano ba yan! wala pa namang katao tao dito! saka madilim na! hayst, pag minamalas ka nga naman!" Ako

Kaya wala nakong magawa kundi mag commute, nag abang ako ng masasakyan, pero ilang minuto na akong nag aabang dito wala paring dumadaan, maya maya may dumaan na taxi kaya pinara ko, pero hindi ito tumigil

"Hoy kuya pasakay! Kuya!!" Sigaw ko

Pero di natinag at nagpatuloy sa pagtakbo

"Bwesit na driver to ayaw pasakay! akala mo naman ang gara ng taxi nya! mabangga ka sana!" Sabi ko mag isa

Nag abang na naman ako ng ilang minuto

"jusko lord! gabi na, natatakot na ako!" Ako

Tumingala ako sa kalangitan at tumingin sa mga bituin

"Lord Jesus, kung may anghel pa po ako, sana po ipadala nyo po sya sakin ngayon! kylangan ko po sya ngayon please! patawarin mo po ako sa mga nagawa kong kasalanan! sege na po pagbigyan nyo na po ako! ipadala nyo na po yong anghel ko! kung sino man po yon, ipadala nyo na po sya sakin, now na Lord! Please!" Sabi ko ng nakapikit habang nakatingin sa langit

Maya maya napadilat ako ng may marinig akong tunog ng sasakyan, pagdilat ko nabuhayan ako ng loob dahil may paparating na kotse.

"Lord Jesus ito na ba yong anghel ko? naku! salamat po ha, p-pero mukha namang hindi ito namamasada eh, maganda yong kotse, pero sana magpapasakay to sakin, Lord kung ito man ang pinadala mong anghel ko, dapat hihinto sya at papasakayin nya ako" Ako

Nang malapit na ang kotse agad ko itong pinara

"para po!! pasakay please!" Sigaw ko

At huminto nga ito sa tapat ko

"Yes! ito na nga yong pinadala ni Lord sakin" ako

Bumukas ang bintana ng kotse

"Kuya pede po bang pasakay kas-
C-Carlo?" Gulat kong sabi nang makita kung sino yong driver

"oh bakit gulat na gulat ka?" Sya

"Lord sya ba ang pinadala mo sakin na anghel ko? Ampanget!!" bulong sa sarili

"may sinasabi ka?" sya

"ha? w-wala!" Ako

"oh ano sasakay ka ba? Ano ba nangyari sa kotse mo?" Sya

"Nasiraan ako eh" ako

"tapos?" Sya

"kaya nga makikisakay sana ako, kung pede" Ako

Tumingin lang sya sakin, at inirapan pa ako.

"sabi ko nga di pede eh, sege wag na lang" sabi ko

Tumalikod na ako

"Sabi ko na nga ba di sya ang pinadala ni Lord eh!" Sabi sa sarili

"Hoy babae!" Sabi nya

Lumingon ako sa kanya

"Ano? umalis ka na! kala mo naman ikaw lang ang masasakyan dito" ako

"sumakay ka na!" Sya

Natigilan ako

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon