Chapter 14

35 3 0
                                    

Shantal/Samantha's Pov.

Nagising ako ng dis oras ng gabi dahil sa naririnig kong kakaiba na parang nanginginig,
napatingin ako kay Zandro na natutulog sa sahig,
nakita ko syang nanginginig sa ginaw habang yapos yapos ang kanyang sarili,
hahayaan ko lang sana sya, kaya bumalik na lamang ako sa pagtulog, pero di ako mapakali,
naaawa ako sa kanya, bumangon ako  at kinuha ko ang kumot na nakabalot saking katawan at nilapitan sya saka kinumutan,
umupo ako sa tabi nya at hinahaplos ang kanyang buhok,
kahit galit ako sa kanya hindi ko parin sya matiis,
di ko kayang dayain ang puso ko na ngayoy nagmamahal parin sa kanya kahit alam kong niloko nya ako.
Hindi parin nawawala ang panginginig ng kanyang katawan, hinawakan ko ang kumot at binalot sa kanya yon ng mabuti para mawala ang ginaw na kanyang nararamdaman,
pagkatapos ay tatayo na sana ako nang hawakan nya ang braso ko.

"k-kylangan kita, k-kylangan ko a-ang yakap mo, m-mahal" mahina nyang sabi

Hindi ako agad nakagalaw, dahan dahan nya akong hinila kaya napahiga ako sa tabi nya, tumagilid sya paharap sakin, dumikit sya sakin at sumiksik saking leeg, habang niyapos ang kanyang sarili at binalot ng kumot, dahan dahan akong humarap sa kanya, kusang gumalaw ang aking mga kamay at niyakap sya, nakahawak ang isa kong kamay sa likod nya samantalang yong isa ay nakahawak sa ulo nya.

"s-salamat" mahina nyang sambit

Mas lalo syang sumiksik saking leeg, niyakap ko naman sya ng mahigpit hanggang sa hindi na sya masyadong nanginginig, pumatak na naman ang aking mga trydor na luha, pinunasan ko ang aking mga luha, at hinahaplos ko ang kanyang buhok, saka pumikit ulit.

(FAST FORWARD)

Nagising ako ng maaga, yakap yakap ko parin si Zandro na mahimbing na natutulog, dahan dahan akong kumalas sa pagyakap sa kanya at bumangon, lumabas nako ng kwarto at dumiritso sa banyo at naligo, ilang minuto ang nakalipas natapos na ako sa pagligo at pagbihis, kaya kinuha ko na ang bagahe ko, lumakad na ako palabas ng pintuan ng kwarto, lalabas na sana ako pero bigla akong natigilan at napatingin ky Zandro na ngayoy mahimbing pa na natutulog, lalapitan ko na sana sya pero my  pumipigil sakin na lapitan sya, kaya nakatayo lang ako at minamasdan sya, bigla na namang bumuhos ang aking mga luha.

"kakayanin ko ba talagang iwan sya? kakayanin ko bang harapin ang bawat pagdating ng umaga na hindi sya ang aking unang makikita? kaya ko ba talagang labanan bawat lungkot sa tuwing maaalala ko sya?
sa tingin ko hindi, diko kayang hindi ko sya nakakasama at nakikita,
iniisip ko palang napakabigat na ng puso ko,
pero di ako dapat nagpapadala sa emosyon ko, kylangan kong maging matapang para ipaghiganti ang aking mga magulang,
hindi ko hahayaan na talunin ako ng aking emosyon,
kaya ko tong lahat,
kaya ko kahit wala sya, diko na sya kylangan, diko kylangan ng taong manloloko kagaya nya,
kaya hindi ko ako dapat nagpapaapekto sa nararamdaman ko sa kanya" sa isip ko

Pinunasan ko ang aking mga luha, at dahan dahan ng tumalikod sa kanya at lumabas ng kwarto,
lumabas narin ako ng bahay at nag abang ng sasakyan, ilang saglit lang my taxing huminto saking harapan, kaya sumakay nako.

"sa airport po tayo manong" Ako

"Ok po ma'am" Driver

Pinatakbo na nya ang sasakyan, tumitingin ako sa labas at minamasdan ang bahay na aming tinitirhan,
bumuhos ang aking mga luha habang nakatitig ako sa bahay na unti unti ng napapalayo sa paningin ko hanggang sa tuluyan na itong hindi ko makita, napatakip na lamang ako sa aking bibig at pinipigilan ang paglabas ng tunog ng aking boses na umiiyak, pumikit na lamang ako at pinakawalan ang aking mga luha.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon