Chapter 23

30 1 0
                                    

Shantal/Samantha's Pov.

Pumasok nako sa loob ng bahay, nauwi man lang ako ng walang napapala sa aking paghahanap, saan ko kaya sya matatagpuan?
Naghalungkat ako sa mga kabinet kung may makikita pa ba akong isang bagay na makakasagot sa tanong ko, may nakita akong isang maliit na drawer, nakakandado yon kaya diko mabukasan, my nakita akong susi na nakasabit malapit don kaya kinuha ko yon, madami ang susi kaya diko alam kung san ang tamang susi para sa drawer na yon, sinubukan ko ang mga susi na yon, pero nakailang subok nako hindi ko parin nahanap ang tamang susi, huminga ako ng maluwag, hinawakan ko ang isang susi

"sana ito na" Ako

Sinubukan ko yon at napangiti ako ng bumukas nga yon, may nakita akong mga tela don, hinalungkat ko yon at nakita ko ang USB, kinuha ko ito upang tignan, at nang ma play ko na yon

"Happy birthday to you! happy birthday to you! happy birthday! happy Birthday! happy birthday to you! Happy 21stbirthday anak!" Bati ni mommy Susette

"anak ni mom to?" Ako

Nakita ko ang tarpuline na nasa likuran nila, at my nakalagay don na HAPPY 20thBIRTHDAY SHANTAL

"Shantal? A-Ako to? h-hindi ko to kamukha! hindi ako to! ibang iba ang itsura nya, kahit 24 nako ngayon pero sigurado akong ganito parin itsura ko nong 20 pako, ang laki naman ng pinagbago ko kung sakaling ako talaga to" sabi ko mag isa

Maya maya pa may pumasok sa video

"ayan na pala ang tito mo" Matanda

"happy birthday Shantal" bati ng lalaking nakita ko sa video na kumakanta kasama ang batang nagngangalang Sam

"thank u po tito" Shantal

"happy birthday Coz!!" Bati ng isang babae na nagpagulat sakin

"a-ako to, s-sigurado akong ako to!" Bulalas ko

"Salamat Coz" shantal

"oh Samantha asan mommy mo?" matanda

"nasa bahay po lola" babaeng kamukha ko

"S-Samantha? sya si Samantha? s-so ako nga si Samantha?" Bulalas ko

"now, blow your cake anak!" Mom

Pinatay ko na ang video, sa tingin ko nasagot na ang isang katanungan sa isip ko.

"A-Ako si Samantha, ang Samantha na sinasabi nilang matagal ng patay, totoo ang sinabi ni Sean, ako nga si Samantha, at tito at tita ko lang sina mom at dad, Kung totoo nga ang sabi ni Sean na ako talaga si Samantha, posibleng totoo rin na pinatay nila tito at tita ang totoo kong mga magulang, pero bakit? bakit nila gagawin yon?" ako

Agad akong lumakad at patakbong aakyat sana sa taas, nang bigla akong natilapid

"AAHH!!" daing ko ng mabagok ang ulo ko sa hagdan

Bigla akong nakaramdam ng hilo at sakit ng ulo, at lumantad sakin lahat ng mga pangyayari.

FLASHBACK

"anak halika na! malelate na kami ng daddy mo!" Mom

"andyan na po mommy!" Sigaw ko

Agad nakong lumabas at pumasok sa kotse

"tagal naman ng Princesa namin" dad

"Pfftt s-sorry na po dad" ngiti kong sabi

"oh sege, tara na Zandro" dad

Pinaandar na ni Zandro ang driver namin ang kotse at umalis. Maya maya, nang makalayo na kami sa bahay, nang makarating kami sa isang kalsada na taninging kagubatan na lamang ang makikita mo sa magkabilang gilid nito biglang may sasakyan kami na nakasalubong at biglang lumiko at hinarangan kami

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon