Chapter 46

30 0 0
                                    

Samantha's Pov.

Nagliligpit ako ngayon ng mga gamit ko dahil lunch break na namin ngayon.

"Sam" Mia

"oh Mia" Ako

"kain na tayo" Mia

"ok ito na" Ako

Pagkatapos kong magligpit lumabas na ako, pumunta na kami nila Mia at Carlo sa isang restaurant.
Pagdating namin sa isang restaurant, pumunta na kami sa isang table, maya maya bigla akong nakabangga ng babae

"Ouch!!" Babae

"S-Sorr-" ako

Natigilan ako dahil si Lucy yong nabangga ko, napatingin sya sakin ng masama

"Pede ba tumingin ka naman sa dinadaanan mo?" Lucy

"s-sorry" ako

"ang tanga tanga mo naman!" Lucy

"Hoy babae! baka ikaw yong tanga! bakit ikaw? nakatingin ka ba sa dinadaanan mo ha?" Mia

"M-Mia wag na" Ako

"Hindi eh! ang kapal lang eh, nag sorry ka na nga diba?" Mia

"hoy ikaw, wag kang mapapel! Samin lang tong dalawa ok?" Lucy

"Eh kung sampalin kaya kita dyan?" Mia

"Mia, wag na, umupo ka na lang don, sege na" Ako

"naku pagsasabihan mo yang epal mong kaibigan ha, saka sa susunod din, mag iingat ka para dika makabunggo ng tao!" Taray nyang sabi

"At sa susunod rin, mag ingat ka din para di kita mabunggo ok?" Ako

"aba, kasalanan ko ba na tanga ka kaya nabunggo mo ko?" Lucy

"at kasalanan ko rin ba na bulag ka at di mo makitang bubunggo nako sayo? hindi naman siguro diba?" Ako

"ang tapang mo rin eh no? eh kung imodmod ko kaya sa sahig yang pagmumukha mo?" Lucy

"Subukan mo lang" Ako

"talagang susubukan ko!" Sya at susugod na sana sakin

"Lucy!!" Sigaw ni Zandro at agad na lumapit samin

"Z-Zandro" Lucy

"anong kaguluhan to?" Zandro

"Ito kasing babaeng to, tatanga tanga!" Lucy

"hindi ako tanga!" Ako

"Tama na yan, halika na Lucy" Sabi ni Zandro at hinila na si Lucy

Tinignan naman ako ng masama ni Lucy at tuluyan ng umalis.

"naku naman Sam! yon ba pinalit ni Zandro Sayo? My ghad! wala yong binatbat sayo girl!" Mia

"pabayaan nyo sila, order na tayo" Ako

Umurder na kami ng pagkain at saka kumain na, habang kumakain kami, diko maiwasan na mapatingin sa table nila Zandro, nakatitig lang ako sa kanila na masayang kumakain

"Sam" sambit ni Carlo

"h-hmm" ako at gulat na tumingin sa kanila

"matutunaw na yon sa katitig mo Sam! akala ko ba pabayaan natin sila?" Mia

"s-sabi ko nga" sabi ko at bumaling na sa pagkain

Nagpatuloy na ako sa pagkain.

ZANDRO'S POV

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ni Lucy, habang kumakain kami panay ang tingin ko sa table nila Sam.

"Zandro" Lucy

Pero diko magawang bawiin ang tingin ko kay Sam

"Zandro ano ba!" Lucy

"A-Ah, sorry, ano yon?" Ako at tumingin ky Lucy

"ano ba yan, ako ang kasama mo pero sa iba ka nakatingin! Zandro" Sya

Hinawakan nya ang kamay ko

"ako na lang kaya ang mahalin mo" Sabi nya na ikinagulat ko

"L-Lucy" Ako

"Zandro, kung mamahalin mo lang ako, pangako ko sayo hinding hindi kita lolokohin katulad ng ginagawa ng babaeng yon!" Seryuso nyang sabi

"L-Lucy, alam mo namang hanggang magkaibigan lang tayo diba?" Ako

"Pero Zandro, pede naman tayong maging higit pa don kung gugustuhin natin! Zandro hayaan mokong mahalin ka, baka sakaling matutunan mo rin akong mahalin" Sabi nya at pinisil pisil ang aking kamay

"L-Lucy-" Ako

"Zandro please! wag ka ng umasa sa kanya, diba engage na sila ng Carlo na yon? kaya wala ka ng pag asa don, ibaling mo nalang ang pagtingin mo sakin, Zandro tutulungan kitang kalimutan sya" Sya

"Sabagay tama sya, wala na nga akong pag asa kay Sam sapagkat pumayag na syang magpakasal kay Carlo, ito na siguro yong panahon para tanggapin ko na hindi talaga kami para sa isat isa, siguro din, darating ang araw na matutunan ko ring mahalin si Lucy" sa isip ko

"O-Ok" Ako

"ok? as in oo? tayo na?" Lucy

Tumango ako sa kanya

"oh my ghad! thank you! finally!" Masaya nyang sabi

Pinisil pisil nya ang kamay ko

"I love you Zandro" Sya

Ngumiti lang ako sa kanya

"Sege magpatuloy na tayo sa pagkain" sabi ko at kumain na rin ulit

Nakita kong natapos na sila Sam sa pagkain, at agad na umalis.
Ilang minuto lang natapos narin kami sa pagkain at bumalik na kami sa opisina na pinagtatrabahuan ko.

SAMANTHA'S POV.

Nandito na kami sa opisina, pupunta na sana ako sa office ko nang bigla kong nahagilap sa labas sina Zandro at Lucy, kita ko lang naman sila dahil glass yong pinto, nag uusap lang sila, at parang nagpapaalam, maya maya nagulat ako ng humalik si Lucy sa labi ni Zandro, at dahan dahang tinaas ni Zandro ang kamay nya at humawak sa bewang ni Lucy, biglang sumikip ang aking dibdib, diko na namalayan, pumatak na pala ang aking mga luha, agad kong binawi ang tingin sa kanila at naglakad ng mabilis papunta sa office.

"Sam" sambit ni Mia

Pero di ako nakinig at dumiritso lang hanggang makapasok sa office.
Nang makapasok na ako sa opisina  ko, agad akong umupo at nagpatuloy sa pag iyak.

"bakit ganon? ang sakit sakit parin (sobs) diko na alam, diko na kaya! napapagod nako sa nararamdaman ko! (Sobs)" umiiyak kong sabi

Ilang minuto rin akong umiiyak nang biglang

*tok tok*

Agad akong nagpunas ng aking luha

"pasok" Ako

Nagulay ako ng pumasok si Zandro

"a-ano kylangan mo?" Ako

"i-ito na pala yong documents na kylangan mo, nakalimutan kong i submit sayo kanina" Sya

"ilagay mo dyan" walang gana kong sabi

Nilagay nya sa mesa ang documents

"u-umiiyak ka ba?" Tanong nya

"h-hindi, bakit naman ako iiyak?" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya

"wag ka ng magsinungaling,
s-sinaktan ka ba nya? ano ba nangyari?" Sya

"walang nangyari" ako

"Sam-" Sya

"wala nga eh!! diba sabi ko sayo ma'am itawag mo sakin? at kung may nangyari man ano naman sayo? pede ba? wag kang umasta na parang ok tayo!! dahil hindi tayo ok at hinding hindi tayo magiging ok!! Naiintindihan mo ba yon Zandro? now get out of my office!!" Napalakas kong sabi

"ma'am-" Sya

"I said get out!!!" Sigaw ko

Kaya tumalikod na sya at umalis.
Pagkaalis nya, napatakip ako sa aking bibig at umulhos ang aking mga luha at napahagulhol ako sa pag iyak.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon