Chapter 22

34 1 0
                                    

Shantal/Samantha's Pov.

Kumakain kami ng umagahan ngayon, tahimik lang akong kumakain, hindi parin mawala wala sa isipan ko ang pinag uusapan nila mom at dad kagabi.
Maya maya natapos narin kami sa pagkain.

"anak yong gamot mo, inumin mo na" mom

"opo mom, iinumin ko po yan mamaya" Ako

"sege" mom

Lumabas na kami ng bahay, pumasok na sila sa kotse at agad na umalis, kaya agad kong sinarado ang gate at pumasok sa loob, hindi ko ininom yong gamot ko at dumiritso ako sa kwarto at nagbihis, kylangan kong hanapin si Sean.

Nagbihis na ako at sinuot ang jacket na white at nagsout ng shade, pagkatapos kong magbihis lumabas na ako upang hanapin si Sean, naglalakad na ako at nagtatanong tanong sa mga tao don kung kilala ba ni si Sean, may pinapakita akong litrato ni Sean, kahit wala nakong contact sa kanya, my isa paring larawan nya na hindi ko binura saking phone.

My nakita akong mga may edad na nag uusap kaya nagtanong nko

"ahm mga ate, matanong lang sana kilala nyo po ba to?" Ako sabay pakita sa larawan

"hindi iha eh" ate

"g-ganon po ba, sege salamat nalang po" Ako

Lumiko ako sa isang iskinita, habang naglalakad ako, pansin kong parang may sumusunod at nagmamatyag sakin, lumingon ako sa likod ko, pero wala namang tao don, kaya lumakad ulit ako, pansin ko na naman na parang may tao talagang sumusunod sakin, huminto ako saglit, at lumingon sa likod, pero wala rin akong nakitang tao don, huminga ako ng maluwag at nagpatuloy sa paglalakad, at diko nalang pinansin kung may sumusunod man sakin. Maya maya may nakita akong tatlong lalaki na nag iinuman sa gilid ng daanan. pagdating ko sa kanila.

"oowwh pare tignan nyo kung sino ang dumating" lalaki

"wow!" Lalaki

"a-ahm, mga kuya, matanong lang sana, kilala nyo po ba tong lalaking to?" Tanong ko

"hindi iha eh, pero pede ka naming tulungan para mahanap mo yang lalaking yan" lalaki at tumayo

"t-talaga po?" Ako

"oo, lika, sumama ka samin" sabi ng isang lalaki at hinawakan ang braso ko

"a-ah kuya, w-wag na lang po, sege kaya ko na pong hanapin to mag isa" sabi ko at pilit binabawi ang braso kong hawak hawak nya

"hindi, tutulungan ka namin, mas madali nating mahanap pag marami ang naghahanap diba?" Lalaki

"oo nga" lalaki din

"a-ahm kuya d-dina po" Ako

"halika na" Lalaki

"k-kuya ano ba!" Sigaw ko at nagpupumiglas

Pero di parin nya binibitawan ang braso ko

"ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa tong aayaw, tara na" lalaki at hinatak ako

"k-kuya ano ba! bita-" Ako

"Bitawan nyo sya!!" Sigaw ng isang lalaki sa likuran namin

Napalingon ako sa lalaki at nagulat ako ng makitang sino yon, sya yong lalaking nakahood na black na lagi kong nakikita sa gilid ng mansyon namin. Hindi ko makita ang mukha nya at tanging bibig nya lamang ang nakikita ko

"Sino ka naman?" Lalaki

"di na mahalaga yon, bitawan nyo sya kung ayaw nyong masaktan" lalaking nakahood

"aba matapang to ha, tignan natin" lalaki

Binitawan ako ng lalaki, kaya sumugod ang tatlong lalaki at nagrambulan sila, pinagsasapak nya ang mga lalaki, maya maya pa, hinawakan sya ng dalawang lalaki, sasapakin na sana sya ng isang lalaki, ngunit lumukso sya at tinadyakan nya ang lalaki gamit ang dalawa nyang paa kaya napaupo yon sa lupa, siniko nya ang dalawang lalai na nakahawak sa kanya kaya sya nakawala, pinag sasapak nya ang isang lalaki hanggang sa natumba ito at nawalan ng malay, sumugod naman yong isa at sinapak nya rin ito kaya natumba sa lupa, pumatong sya sa isang lalaki at pinagsasapak nya ang mukha, habang inaataki nya ang isang lalaki, bumangon ang lalaking tinadyakan nya kanina na nasa likuran nya, nagulat ako ng bumunot ito ng kutsilyo, at dahan dahan lumapit sa kanya, nataranta ako, at diko alam kung anong gagawin, nakakita ako ng dos por dos na kahoy, agad ko yong kinuha at lumapit sa lalaki, sasaksakin na nya sana ang lalaking nakahude sa likuran nito

"AAHH!!" Sigaw ko at sinapak ang lalaki sa likod nya gamit ang dos por dos na dala ko.

Napatingin sakin ang lalaking nakahood, ngunit diko parin mahagilap ang mukha nya at tanging baba nya lang ang nakikita ko, bumulagta sa lupa ang lalaking my hawak na kutsilyo. Dahan dahang tumayo ang lalaking nakahude

"s-salamat Sam- Ms." Lalaking nakahood

Binitawan ko ang hawak kong kahoy, nagulat ako ng hawakan nya nag kamay ko at hinila ako saka tumakbo.
Lumapit kami sa isang kotse na kulay white at pinapasok nya ko don, at pumasok na rin sya

"t-teka lang san mo ko dadalhin?" Ako

"iuuwi na kita sa inyo" Sabi nya at parang pilit iniiba yong boses nya

"p-pero dipa ako uuwi, my kylangan pakong hanapin" Ako

"sino bang hinahanap mo?" Sya

"ang taong makakasagot sa lahat ng katanungan na gumugulo sa isip ko, ito sya, baka sakaling kilala mo" sabi ko at pinakita sa kanya ang pic. ni Sean

Hindi sya agad nakasagot

"kilala mo ba sya?" Ako

"h-hindi, diko sya kilala" Sya

"ok, teka lang diba ikaw yong lalaking lagi kong nakikitang nagmamanman sa mansyon namin? sino ka ba? bakit parang lagi mo kong minamanmanan?" Ako

"di mo na kylangang malaman, iuuwi na kita" sabi nya at pinaandar ang kotse

"wait! di pa ako uuwi, hahanapin ko pa tong lalaki" Ako

"di mo na sya kylangang hanapin sa kung saan saan dahil nasa paligid mo lang sya na laging nakabantay sayo" Sya

"a-anong ibig mong sabihin? s-so kilala mo sya?" Ako

"h-hindi, tara na" Sabi nya at pinatakbo na ang sasakyan

Diko sya maintindihan, pero parang familyar yong amoy nya, parang naamoy ko na to dati.

ZANDRO'S POV.

Tahimik lang ako habang nagmamaneho, pansin kong panay ang tingin sakin ni Sam, alam kong naguguluhan sya sa sinabi ko kanina, gusto konh sabihin sa kanya na ako to, ang lalaking hinahanap nya, pero naisip kong wag na lang dahil alam kong galit pa sya sakin, alam kong hinahanap nya ako upang alamin ang totoo, pero naisip ko na mas mabuting di na muna nya malaman, dahil nakikita ko naman na hindi sya sinasaktan ng tito at tita nya sapagkat wala pa syang naaalala, pero patuloy ko parin syang babantayan.
Maya maya nakarating na kami sa mansyon nya. Pagdating namin don di pa sya bumababa

"Di ka ba bababa?" Ako

"m-matanong lang, bakit lagi mo kong minamanmanan? my kylangan ka ba sakin?" Sya

"kylangan kitang bantayan" Ako

"b-bakit?" Sya

"basta, bumaba ka na" Ako

"pero pede ba kitang makilala?" Sya

"hindi, bumaba ka na" ako

"magpakilala ka muna" sya

"sabi ng baba!" Ako

"o-ok, pero kung sino kaman, salamat sa pagtanggol mo sakin kanina" Sya

"bumaba ka na" ako

Binuksan na nya ang pinto at lumabas, pinaandar ko na ang kotse at umalis na habang sya ay minamasdan akong paalis.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon