Chapter 15

39 4 0
                                    

Shantal/Samantha's Pov.

Sa wakas at nakarating narin ako sa Pinas, nagtanong tanong ako kung san ko matatagpuan ang address na binigay sakin ni Zandro, buti na lang may nakapagturo sakin, nasa harap nako ng gate ng malaking mansyon, nagdoorbell na ako don, maya maya bumukas ang gate, at nakita ko si mom, or should i say tita kong mamamatay tao. Nakita ko ang pagkagulat nya ng makita ako.

"S-Shantal anak? bakit ka umuwi dito?" Sya

"bakit? diba ba ako pedeng umuwi sa sarili naming mansyon?" Ako

"a-anak anong sinasabi mo? s-syempre naman oo pero-" Sya

"pero ano? natatakot ka?" Ako

"a-anong pinagsasabi mo anak?" Sya

"tama ng pagpapanggap tita! diba kayo nasasawang magkunwari? at diba kayo nasasawang magplastikan sakin?" Ako

"a-anak-" Sya

"hindi mo ko anak!! dahil wala akong magulang na mamamatay tao!! ang galing nyong magpanggap!! ang galing nyong magpaikot ng tao!! sinabi na sakin ni Zandro ang lahat! lahat ng mga kahayupan na ginawa nyo sa pamilya ko!!" Ako

"a-anak sinong Zandro? w-wala akong kilalang Zandro" Sya

"hindi mo maaalala ang taong inutusan nyong magpanggap bilang asawa ko at ilayo ako dito?" Ako

"S-Si Sean ba?" Sya

"sino pa nga ba?" Ako

"a-anak hindi totoo-" sya

"anong hindi totoo?" Ako

"anak ano bang pinagsasabi ng lalaking yon sayo? bakit nya kami sinisiraan sayo?
Shantal anak ka namin! hindi ko alam kung anong pinagsasasabi ng lalaking yon para utuin ka!!
pero anak maniwala ka sakin! ako ang mommy mo ako ang nagluwal sayo! nasasaktan ako ngayon dahil sa binibintang mo sakin!! anak wala ka bang tiwala samin?" Umiiyak nyang sabi

"a-ano pong ibig nyong sabihin? na nagsisinungaling si Zandro sakin? hindi totoo lahat ng sinasabi nya sakin?" Ako

"oo anak! diko alam kung bakit nya ginawa yon! anak nagtiwala kami sa kanya! dahil akala namin mahal ka nya! pero bakit ganito anak? bakit nya tayo gustong magkagulo?" Umiiyak nyang sabi

Naguguluhan na ako kung ano ang totoo, diko na alam kung sino ang paniniwalaan ko, nasasaktan din akong makita si mom na umiiyak ngayon sa harapan ko.

"h-hon? anak?" Dad

Agad na lumapit si Dad samin

"a-anong nangyari? b-bakit ka umuwi? n-nasan si Sean?" Dad

"hon, inuuto ni Sean ang anak natin! sinisiraan nya tayo sa anak natin para magkagulo tayo!" Umiiyak na sabi ni mom

"A-Ano? anong pinagsasabi nya sayo anak?" Dad

Hindi ako nakasagot at nakayuko lamang, diko na talaga alam, naguguluhan nako

"pinapalabas ng lalaking yon na hindi natin anak si Shantal, at pinapatay natin ang totoong magulang niya, hon ang sama ng lalaking yon! pinagkatiwalaan pa naman natin sya!" Mom

"hayop yong lalaking yon!" Dad

Nakayuko parin ako at di umiimik, nilapitan ako ni mom at dad at niyakap nila ako

"anak wag kang maniwala sa mga sinasabi ng lalaking yon, anak ka namin, mahal na mahal ka namin anak" Dad

Tumingin ako sa kanila, tinakwil ko sila at lumayo

"magbigay kayo ng patunay para maniwala ako sa inyo, dahil sa totoo lang diko na alam kung sinong paniniwalaan ko" Ako

"anak kami ang pamilya mo kaya dapat samin ka maniniwala! teka lang kukunin ko ang picture mo nong bata ka pa, at birth certificate mo" sabi ni dad at pumasok sa loob.

"anak pasok ka muna dito, tulungan na kita sa bagahe mo" sabi ni mom at kukunin na sana ang bagahe ko

"Hindi! hindi ako papasok kasama kayo hanggat diko nalalaman ang totoo" Ako

"anak" Mom sabay lapit sakin

"wag ka muna lumapit!" Ako

"anak ito na" dad dala dala ang larawan at birth certificate

Pinakita nya yon sakin, pansin ko sa litrato ng bata na kamuha ko nga, at pareho kaming may nunal sa dibdib nabasa ko rin sa certificate ang pangalang Shantal Rodrigez

"t-totoo ba talaga to?" Ako

"oo anak, kami talaga ang pamilya mo" dad

"i-im sorry mom, dad" sabi ko at yumakap sa kanila

Niyakap rin nila ako ng mahigpit, pagkatapos kinuwento ko sa kanila ang sinabi ni Zandro

"ang sama talaga ng lalaking yon! Siguro ginagawa nya yon upang magkasira tayo at makulong kami nang sa ganon ikaw na ang magmana ng companya natin at makikinabang sya don! hayop sya! mukha syang pera! pinagkatiwalaan pa naman namin sya!" galit na sabi ni dad

"i-im sorry dahil naniwala ako sa kanya dad" umiiyak kong sabi

"ok lang yon anak, ang importante andito ka na samin, hinding hindi na sya makakalapit sayo kahit kylan!" Dad

"anak mabuti na lamang at hindi ka nya sinaktan! di namin kakayanin ng dad mo kung may nangyaring masama sayo don! pinadala ka pa namin don kasama sya upang iligtas ka sa mga kaaway namin, pero yon pala pinagpaubaya ka namin sa isang masamang tao na higit pa sa kaaway!" Mom

"hindi kaya kasabwat si Sean sa mga kaaway natin?" Dad

"posible nga yon hon" Mom

"p-pero mom, s-sino nga ba talaga ang Samantha na laging nasa panaginip ko?" Ako

"si S-Samantha? a-anak sya ang pinsan mong matagal ng patay, pinatay din sya sa di nakikilalang mga tao" mom

"g-ganon po ba" Ako

"o-oo anak, pamangkin ko sya, matagal na syang patay, kaya anak, wag na wag ka ng makipagkita sa Sean na yon, baka kasabwat sya ng kaaway natin at baka anong gawin sayo" dad

"o-ok po, mom, diko akalain na magagawa nya sakin yon! naniwala ako sa sinabi nyang mahal nya ako, pero puro kasinungalingan lang pala lahat!" umiiyak kong sabi

Hinila ako ni mom at niyakap

"tama na anak" sabi ni mom at hinagod ang aking likod.

Napasubsob ako ky mom at humagulhol ako sa pag iyak.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon