Chapter 10

39 2 0
                                    

Shantal's Pov.

Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto, nadatnan ko si Sean na nakahiga na sa kama ng nakatagilid, at nakatalikod sakin, lumapit nako don at humiga sa tabi nya, hinawakan ko ang kanyang balikat at pinaharap sakin, humarap sya sakin, at mas lalo akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang batok. Dahan dahan kong nilapit ang aking mukha upang sya'y halikan, hanggang sa naglapat ang aming mga labi, tinugon nya bawat halik ko, habang tumatagal naging mapusok ang aming halikan, hinimas himas nya ang bewang, patungo sa pwet ko, habang ako ay hinimas himas ang kanyang leeg. Dumaosdos ang aking kamay patungo sa laylayan ng damit nya, huhubarin ko na sana ang damit nya nang hawakan nya ang kamay ko upang pigilan ako, at kumalas sya sa halik  ko.

"m-mahal, matulog na tayo" Sabi nya

"m-mahal bakit?" Ako

"m-medyo pagod kasi ako" Sya

"pagod ka ba talaga o nagsawa ka na sakin?" Ako

"a-ano bang sinasabi mo? pagod lang ako mahal, kaya matulog na tayo ok?" Sabi nya at hinawakan ang aking mukha

"mahal sege na naman oh, kahit saglit lang" Ako at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa mukha ko

"mahal saka na lang, matulog na lang tayo" Sya

"bakit ba??" napasigaw kong sabi at tinakwil ang kamay nyang nakahawak sa mukha ko

Bumangon na ako at umupo sa kama

"m-mahal" sabi nya at bumangon narin at umupo sa kama

"bakit di mo kayang gawin sakin ang bagay na yon?" Ako

"s-sorry mahal, pero ginagalang kita bilang babae" Sya

"ginagalang? mahal mag asawa tayo diba? pero bakit parang takot na takot kang gawin sakin yon? siguro naman nagawa na natin yon dati! matagal na tayong mag asawa kaya imposibleng wala pang nangyayari satin! saka mahal asawa mo ko! kaya wala kang dapat ikatakot! dapat lang na gawin natin yon kung gugustuhin natin! pero bakit parang ayaw na ayaw mo?" Ako

"h-hindi naman sa ayaw ko talagang gawin yon sayo, gusto kong gawin yon sayo pero dipa sa ngayon, kasi mahal" Sya

"kasi ano? anong dahilan mo? pagod ka ha? yon lang ba mahal? ilang beses ko ng humingi sayo non pero yan lagi ang dahilan mo! ano lagi ka na lang pagod? ang babaw ng rason mo mahal, hindi kita maintindihan!! yong totoo, mag asawa ba talaga tayo??" Ako

Hindi sya agad nakasagot at nakatitig lamang sakin.

"Ano? sagutin mo ko!" Ako

"o-oo mahal mag asawa tayo! di pa ba sapat na pinagpaubaya ka sakin ng mom at dad mo para maniwala kang mag asawa talaga tayo?" Sya

"n-naniniwala naman ako don! ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit takot na takot kang gawin sakin yon! mahal gusto kong magkaanak tayo!! ngayon pano tayo magkakaank kung lagi kang ganyan! ayaw mo kong galawin! lagi ka na lang may dahilan! nagsasawa ka na ba sakin mahal?" Ako

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha sa pag ulhos.

"m-mahal hindi! hindi ako nagsasawa sayo, at kahit kaylan hinding hindi ako magsasawa sayo! mahal kita ok?" Sabi nya at hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang aking mga luha

"pero bakit nga?" Ako

"m-mahal p-pagod nga lang ako, a-ang sakit ng katawan ko kaya matulog na muna tayo sa ngayon" Sya

"pagod ba talaga ang katawan mo? o pagod ka na sakin?" Ako

"mahal naman, hindi ako mapapagod sayo, mahal na mahal kita, yan ang tatandaan mo, p-promise ibibigay ko sayo ang hinihingi mo, pero sa ngayon pede bang matulog na muna tayo?" Sya

Hinawakan nya ang balikat ko at hinagod ang aking likod

"humiga na tayo para makapagpahinga" Sya

Dahan dahan nya akong pinahiga sa kama, saka kinumutan, humiga narin sya at niyakap ako.

"mahal wag ka ng mag isip ng kung ano ano, mahal kita yan lagi mong iisipin" sabi nya sabay haplos sa buhok ko at hinagkan ang aking noo

Tumalikod ako sa kanya, dumikit sya sakin at niyakap ako mula sa likod

"wag ka na sanang magalit sakin mahal" Sya

Hindi ko na sya inimikan, mas lalo lang syang dumikit at hinigpitan ang pagyakap sakin, tahimik lang ako at dahan dahang pinikit ang aking mga mata hanggang sa nakatulog.

(KINAUMAGAHAN)

"mom!! dad!!" rinig kong sigaw ng isang babae na umiiyak

"Sam anak!!" sabi ng isang babae na umiiyak rin

"Sam anak, tumakas ka na, iwan mo nalang kami anak, iligtas mo na sarili mo!" rinig kong sabi ng isang lalaki

"No! h-hindi ko kayo iiwan mom! dad!" Babae

"anak tumakas ka na! pagkakataon mo na to!" Dad

"ano Samantha? i gave you a chance! tumakbo ka na! Takbo!!" Lalaki

"No!! diko sila iiwan!!" Babae

"aahh...ang sweet mo naman palang anak" Lalaki

"wag ka na lang tumakbo Sam, babarilin ka lang din nila" sabi ng binatang lalaki

"hahahaha sabagay matalino kang bata ka eh no?" Lalaki

"wag nyo ng idamay ang anak namin!" Lalaki

"hahaha sa tingin mo pakakawalan talaga namin ang anak nyo? anong tingin nyo samin tanga? hahhaha im sorry pero sabay kayong mamamatay kasama ang anak nyo! sinong gusto nyong mauna?" Lalaki

"please wag tito nagmamakaawa ako!!" iyak ng isang babae

"nagmamakaawa ka? bakit? maaawa ba kami? hahhahahaha" halakhak ng isang lalaki

"ano pang hinihintay natin hon? patayin na natin sila!" babae

"ok, ito na" lalaki

"Wag!!" Babae rin

"dad!! tito please!" Ako

*BANG* (putok ng baril)

"Dad!!!" Sigaw ng babae

"Dad!!" Sigaw ko at agad na napabangon habang hingal na hingal

"mahal?" Sean

Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Sean na kakapasok lang at may dalang pagkain, nilapag nya ang pagkain at umupo sa tabi ko

"anong nangyari sayo? ok ka lang ba mahal?" Sya

"n-nanaginip na naman ako ng masama, bakit madalas ko yong napapaginipan?" Ako

"Ang alin mahal?" Sya

"yong isang pamilya na gustong patayin" Ako

"s-sinong pamilya?" Sya

"diko alam, diko sila kilala, hindi ko makita ang mukha nila tanging boses lamang ang naririnig ko" Ako

May naalala akong isang pangalan

"S-Samantha?" Ako

"s-samantha?" gulat nyang sabi

"Oo yon nga! Samantha, yon yong pangalan ng isang babaeng boses na naririnig ko, m-my kilala ka bang nagngangalang Samantha mahal?" Ako

Di sya agad nakasakot at nakatulalang nakatingin sakin.

"w-wla mahal, w-wala akong kilala,
a-alam mo mahal kumain ka na lang ok? habang mainit pa yong sabaw" Sya

Kinuha nya ang pagkain at nilapit sakin

"kumain ka na mahal" sabi nya at sinubuan ako

Dahan dahan kong binuka ang aking bibig at kinain yon.

"s-salamat mahal, p-pasensya ka na pala kagabi at nasigawan kita" Ako

"ok lang yon, wala na sakin yon, sege kain ka pa" Sya sabay subo ulit sakin

Ngumiti lang sya sakin at patuloy akong sinusubuan.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon