Chapter 45

29 0 0
                                    

Samantha's Pov.

Nandito ako sa opisina, kararating ko lang dito, diko nakikita si Carlo at si Mia dito diko alam kung asan.

*tok tok*

"Pasok" Ako

"Sam" Mia

"oh Mia, san kayo galing? diko kayo nakita kanina" Ako

"My ginawa lang, Sam halika my ipapakita ako sayo" mia

"Ano?" Ako

"Basta, halika na" Mia

Tumayo na ako at lumabas.
Pagkalabas ko, nagtaka ako na nakatayo sa gilid ang lahat ng empleyado.

"bakit nakatayo lang kayo dyan?" Ako

"utos lang po" empleyado

"Utos? wala akong utos na ganyan, sino ba nag utos sa inyo?" ako

"Wag na satsat Sam, dumaan ka na don, andon ang ipapakita ko sayo" Mia

"ano ba talaga to Mia" Ako

"basta, sege na" Mia

Kaya dumaan nako sa gitna ng kinatatayuan ng mga empleyado ko, habang naglalakad ako don nakatingin ako kay Zandro na nakatayo sa gilid, nakatingin rin sya sakin, maya maya pagdating ko sa gitna, bigla kong nakasalubong si Carlo na naglalakad papunta sakin, kaya napatigil ako sa paglalakad. Nang makarating si Carlo sa harap ko

"C-Carlo" Ako

"Sam, ako ang nag utos sa kanila" carlo

"para ano? para saan to?" Ako

"Para sayo, para satin" Carlo

"ha? anong ibig mong sabihin?" Ako

"Sam, ayaw ko ng patagalin to" Sya

May dinukot sya sa bulsa nya, at nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ko.

"C-Carlo anong ginagawa mo?" Ako

Nilahad nya sakin ang sing sing

"Samantha, Will you marry me?" Carlo

"C-Carlo" Ako

"sege na ma'am!" Mga empleyado

Napatingin ako kay Zandro, nakatitig lang din sya sakin, maya maya bigla syang umalis

"uy Zandro san ka pupunta? di pa tapos ang show oh!" Isang empleyado

"a-ah, CR lang ako" Sabi nya at umalis na

"Ano na Sam?" Tanong ulit ni Carlo

Napatingin ako ky Carlo, at sa mga empleyado ko

"a-ahm, pede bang iwan nyo muna kami?" Sabi ko sa mga empleyado ko

"sege po ma'am, tara na, mukhang nahihiya si ma'am eh" secretary

"Sege tara na" isang empleyado

Nakaalis na ang mga empleyado at kami na lamang ni Carlo ang nandito

"Carlo tumayo ka na dyan" sabi ko at tinulungan syang tumayo

"Di mo pa sinasagot ang tanong ko" Sya

"Carlo please tumayo ka na" Ako

Kaya tumayo na sya

"Carlo im sorry, pero diko talaga kaya eh, alam mo sinubukan ko naman talaga eh, sinubukan ko yong sinabi mo noon na mahalin ka, pero Carlo sorry, hanggang kaibigan lang talaga" Ako

"g-ganon ba? oh sege, k-kung sya parin talaga wala naman akong magagawa don diba? pero pede bang tanggapin mo na lang tong sing sing? sayang din kasi kung itatapon lang diba?" Sya

"s-sege" Ako

Sinuot nya ang sing sing sa daliri ko don sa ring finger

"bagay sayo" Sya

"t-thank you Carlo" Ako

"Alam mo, akala ko yon na talaga eh, akala ko may pag asa na, pero wala parin pala, pero naiintindihan ko naman, kita ko naman kung gano mo sya kamahal" Sya

Kita ko yong lungkot sa mga mata nya, kita kong namumuong luha sa kanyang mga mata pero pinipigilan nya ito sa pagpatak.

"Carlo im sorry, mas mabuti ng itigil na lang natin tong relasyon natin, dahil mas lalo lang kitang nasasaktan eh" Ako

"siguro nga, mas mabuting tanggapin ko na lang na hanggang kaibigan na lang tayo" Sya

"im sorry talaga Carlo, at salamat sa pag iintindi" sabi ko at yumakap sa kanya

Niyakap nya rin ako, at sya namang pagdating ni Zandro, nagkatinginan kaming dalawa

"ahm sege na" sabi ko at kumalas sa pagkayakap sa kanya

"Sege na balik na tayo sa trabaho, sabihan mo na rin yong ibang empleyado" Ako

"Sege" Carlo

Tumalikod na ako at lumakad, ngunit lumingon ako ulit kay Zandro, at nagkakatitigan ulit kami, binawi ko na ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad at pumasok na sa office ko.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon