Chapter 26

31 1 0
                                    

Samantha's Pov.

nandito na ako sa lugar kung san kami magkikita ulit nina Mia at Carlo, ilang saglit lang dumating narin sila

"Sam!" Mia

"buti andito na kayo" Ako

"kanina ka pa ba?" Carlo

"medyo" Ako

"oh ito na ang DSLR Cam" Carlo

"salamat Carlo, tila'y nabigyan ako ng pag asang makaganti sa kanila, sana magtagumpay tayo nito" ako

"sana nga Sam, wag kang mag alala, kung di man yan gagana, marami pang paraan na pedeng gawin" Mia

"oh sege na, balik na kayo don, uuwi narin ako" Ako

"oh sege Sam" Mia

Tatalikod na sana ako nang

"Sam" sabi ni Carlo at hinawakan ang kamay ko

"b-bakit Carlo?" Ako

"mag iingat ka, wag na wag kang magpapahuli" Carlo

"mag iingat ako Carlo, salamat sa inyo" Ako

"sege" Carlo

Binawi ko na ang kamay kong hawak nya at umalis na
Ilang minuto lang nakarating na ako sa mansyon. Pumunta ako sa kwarto nina tita at tito, ngunit nakakandado ito at hindi ko alam kung san ang susi, maaari ay dala dala nila yon. Nag isip ako ng paraan, naghanap ako ng gunting upang pagbuksan yon, kaya bymalik ako sa sala, at naghalungkat don kung may gunting ba, pero may nakita akong hair pin.

"saktong sakto to" sabi ko habang hawak hawak ang hair pin

Kaya umakyat na ako at bumalik sa kwarto nila tita, sinubukan ko yon, at ilang saglit lang nabuksan ko rin yon.

"s-salamat" sabi ko at pumasok na

Tumitingin ako don sa paligid kung san ko pedeng ilagay ang DSLR CAM na hindi nila makikita, pumatong ako sa kama at sinuksok ang DSLR CAM sa gilid ng Flat Screen tv na nakadikit sa bubong, sinuksok ko yon ng maayos para di nila mapansin. Pagkatapos ay lumabas na ako at sinarado ulit ang pintuan.

(FAST FORWARD)

Malapit ng mag alas 6, kaya malapit na umuwi sina tito at tita, kaya nagpasya nakong magluto, naaalala ko, na may allergy si tito sa hipon, kaya nagluto ako ng ginamay at nilagyan ko ng hipon, konti lang naman, para di sya matuluyan, my plano pakong gawin sa kanila, saka para rin di nila masyadong mahalata. Maya maya natapos nakong magluto, isang saglit lang.

*pepeeep* (busina ng sasakyan ni tito)

Agad akong lumabas at binuksan ang gate, pumasok sila at pinarada ang kotse sa garahe.

"hi mom! dad!" Ako

"hi anak" tita

"akin na po yong dala nyong pagkain, ihahanda ko na po yan para makakain na tayo" Ako

"sege anak" Dad

Pumunta na ako sa kusina at naghanda, ilang saglit lang bumaba na sila.

"kain na tayo! nagluto po ako ng ginamay!" Ako

"nagluto ka na naman anak?" Dad

"o-opo, bakit po dad ayaw nyo po bang kumain sa luto ko?" Tampo kong sabi

"H-Hindi naman sa ganon anak, syempre gusto ko sa luto mo, pero baka kasi, p-palpak naman, alam mo na, nakakasakit sa tyan yong niluto mo noong nakaraang araw" tito

"d-dont worry dad, tinikman ko na po yan at masarap po sya, promise!" Ako

"talaga?" Dad

"yes po" Ako

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon