Chapter 40

28 0 0
                                    

Zandro's Pov.

Nakasakay nako sa kotse ko at hinihintay ang paglabas ni Samantha, maya maya dumating si Mia

"Zandro" Sya

"Oh Mia, si Sam? palabas na ba sya?" Ako

"a-ahm andon pa sa office nya eh, madami pang ginagawa, pinapasabi nya sa iyo na kung gusto mo ng umuwi mauna ka na lang daw, pero kung hihintayin mo sya pede ka daw don sa office nya mag antay" Sya

"ganon ba, oh sege, pupuntahan ko sya don" Ako

"Sege" Sya

Lumabas na ako ng kotse at pumasok ulit sa opisina upang puntahan si Samantha.

SAMANTHA'S POV.

Nandito kami ngayon ni Carlo sa opisina ko upang gawin ang plano namin, inuutusan ko si Mia na papupuntahin si Zandro dito, kami nalang ang tao dito dahil umuwi na lahat ng empleyado ko. Maya maya narinig ko na ang mga yapag ni Zandro palapit sa office ko.

"andyan na sya" Ako

Agad ko ng hinubad ang damit ko pang itaas at tanging bra na lamang ang natira. Nakaupo si Carlo habang nakaharap sakin, umupo na ako sa lap ni Carlo paharap sa kanya, humawak si Carlo sa bewang ko, maya maya narinig ko ng papasok na si Zandro, kaya humawak ako sa mukha ni Carlo, at nilapit ko ang mukha ko at gumalaw na parang hinahalikan ko sya, at syang pagbukas ng pinto.

"S-Sam?" gulat na sabi ni Zandro

Kaya agad akong napatingin sa kanya at lumayo kay Carlo

"Z-Zandro" ako

"a-anong ibig sabihin nito? i-ito ba ang trabahong ginagawa mo kaya natagalan ka ha? at ikaw, hayop ka!" Sabi nya at sinugod si Carlo

"Z-Zandro wait!" Ako

Bigla nyang sinuntok si Carlo kaya napaupo ito sa sahig, babanatan pa nya sana si Carlo pero agad ko syang tinulak

"Zandro ano ba? Wag mo syang sasaktan!!" Sigaw ko

Lumapit ako ky Carlo at tinulungan syang patayuin

"ok ka lang?" Tanong ko kay Carlo

"sya pa talaga ang ipagtatanggol mo Sam?" Zandro

"bakit Zandro? sinong gusto mong ipagtatanggol ko? Ikaw?" Ako

"bakit hindi? ako ang boyfriend mo!!" Sigaw nya

"Si Carlo ang totoong Boyfriend ko Zandro!!" Sigaw ko na ikinagulat nya

"a-anong pinagsasabi mo?" Sya

"Boyfriend ko si Carlo matagal na, pinaglalaruan lang kita Zandro, pinaikot lang kita dahil gusto kong gumanti sayo!! Kung akala mo napapatawad na kita nagkakamali ka!! hindi ganon kadali ang patawarin ka!!" Ako

Natigilan sya sa sinabi ko, nakita ko ang pag ulhos ng kanyang

"b-bakit mo nagawa sakin to?" umiiyak nyang sabi

"at bakit hindi? ginawa mo din to sakin noon Zandro! niloko mo ko!! ngayon alam mo na kung anong pakiramdam na niloloko at pinapaikot!! Ano? masakit ba Zandro?? kung gaano man kasakit ang nararamdaman mo ngayon, higit pa dyan ang sakit! na nararamdaman ko noon!!!" Sigaw ko habang pinipigilan ang pagluha

"d-diko akalain na magagawa mo to sakin Sam, sana masaya ka na dahil nagantihan mo na ako, at sana maging masaya ka na kasama sya" umiiyak nyang sabi at agad na umalis.

Napaupo ako sa upuan at pinakawalan ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Lumapit si Carlo sakin, at hinagod ang aking likod

"bakit ganon? (Sobs) imbes na matuwa ako sa paghihiganti sa kanya pero bakit nasasaktan ako? (Sobs) ang sakit sakit na makita syang nasasaktan ng dahil sakin!! (Sobs)" umiiyak kong sabi

"sinabi naman namin sayo diba? masasaktan karin sa ginagawa mo, dahil anong tanggi mo, alam naming mahal na mahal mo parin sya" Carlo

Sumandal ako sa tyan ni Carlo na nakatayo sa gilid ko, at humagulhol ako sa pag iyak.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon