Chapter 64

37 0 0
                                    

Zandro's Pov.

Nagmamaneho ako pauwi samin habang hindi parin ako tumigil sa kakaiyak, diko matanggap na hanggang dito nalang talaga kami ni Samantha, ayaw ko syang tuluyang mawala sakin.
Maya maya nakarating na ako sa amin, pumasok ako sa bahay namin at sinalubong ako ni mama at ella

"oh anak, anong nangyari sayo?" mama

di ako umimik at umupo sa sofa, umupo sila sa tabi ko

"di parin ba kayo nagkakaayos?" Mama

"galit parin po ba si ate Samantha sa iyo kuya?" Ella

"o-oo eh, mukhang wala ng pag asang mapatawad pa nya ako, wala ng pag asang magiging kami ulit, sawa na sya sakin, tuluyan ng nawala ang tiwala nya sakin" ako

Di ko mapigilan ang pag ulhos ng aking mga luha, hinagod ni mama ang aking likod.

"anak, wag mo na syang pilitin, siguro hindi lang talaga kayo ang para sa isat isa" mama

"m-ma, hindi ko matanggap, mahal na mahal ko sya, sya lang ang babaeng nagpatibok ng puso ko, kaya sya lang ang babaeng gusto kong maging asawa, at makasama ko habang buhay" umiiyak kong sabi

"pero wala na tayong magagawa kung sya mismo ang umayaw, hayaan mo makakalimutan mo rin sya anak, pede ka pang magsimula ulit" Mama

"diko alam ma kung kaya ko syang kalimutan" Ako

"kaya mo yan, matapang ka diba?" mama

"noon, nong kasama ko pa sya, dahil sya ang lakas ko, pero ngayong wala na sya, diko alam kung magiging matapang parin ako" Umiiyak ko paring sabi

"subukan mo anak, walang bagay na hindi mo makakaya kung gugustuhin mong kayanin, anak nandito kami, tutulungan ka naming maging matapang ulit upang lampasan ang lahat ng madilim mong nakaraan, nandito lang kami lagi, kahit anong mangyari" mama

"s-salamat ma" mahina kong sabi

Niyakap ako ni mama, sinandal ko ang ulo ko sa kanya, at hinagod nya ang likod ko, maya maya kumalas sya sa pagkayakap sakin.

"nga pala anak, tumawag ang tita Mila mo, pupunta na daw sila sa turkey kasama ang pamilya nya upang don na manirahan, at ang sabi nya kung papayag daw tayo, papapuntahin nya tayo sa tinitirhan nila sa America upang don na tayo titira, satin daw nya ibibilin ang hasyenda nila don, sayang naman daw kung walang mag aalaga" Mama

"p-pupunta tayo sa America ma? don na tayo titira?" Ako

"o-oo, kung gugustuhin natin, ikaw ba? gusto mo ba? anak mabuti narin yon para di ka na kylangan humanap ng trabaho, tayo na ang mag aalaga sa hasyenda nila, at saka anak, ok na rin yon para makalayo ka na dito, makalimutan mo na lahat ng masamang alaala mo dito, pede kang magsimula don ng bagong buhay" mama

"Sabagay, tama ka ma, s-sege ma, papayag ako, don na lang tayo titira sa America, pagod na ako dito" ako

"iiwan mo po si ate Samantha kuya?" Ella

"kahit mananatili ako dito, wala din naman akong mapapala eh, ayaw na nya sakin, galit sya sakin, ayaw na nya akong makita, kaya mas mabuti ng lumayo na lang ako, para di na nya ako makita, siguro naman maging masaya na sya non" Ako

"kawawa naman po kayo kuya, pero sege po kuya, gusto ko rin don sa America" Ella

"bukas na ang alis natin anak" mama

"b-bukas po? a-ang bilis naman po ma" Ako

"ang sabi kasi ng tita mo sa susunod na araw na sila pupunta sa turkey kaya dapat bukas nandon na tayo" mama

"g-ganon po ba, sege" Ako

"oh sege, magluluto na muna ako para makakain na tayo" mama

"sege ma" ako.

Tumayo na si mama at pumunta sa kusina, habang ako dito nakaupo at nag iisip kong kaya ko ba talagang lumayo kay Samantha.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon