Chapter 57

29 0 0
                                    

Samantha's Pov.

Nagising ako kinaumagahan, ramdam ko ang sakit ng ulo ko at ang buo kong katawan, nanginginig rin ako sa ginaw. Ramdam kong may humahaplos sa buhok ko, dumilat ako at nakita ko si Zandro na hanggang ngayo'y nakayakap sakin.

"mahal nilalagnat ka, ang taas ng lagnat ko" Sya

Nanginginig lang ako sa ginaw, bumangon si Zandro, at sinuot ang brief at boxer nya, kinuha nya ang aking mga damit kong nakalat sa sahig.

"isuot ko na to sayo" sabi nya at sinuot sakin ang panty at bra ko

Pagkatapos ay sinuot nya ang kanyang t-shirt, kinuha nya rin ang robe ko. Dahan dahan nya akong binangon at sinuot sakin ang robe ko, at dahan dahan nya akong pinahiga ulit.

"mahal dito ka muna ha" Sya

"w-wag mo k-kong iwan m-mahal" nanginginig kong sabi

"hahanap lang ako ng gamot, saka makakain natin, babalikan kita dito mahal, hintayin mo ko dito ha?" Sya

"b-babalik ka ha" Ako

"oo naman, babalikan kita dito, pangako yan, saglit lang ako" Sabi nya at hinagkan ako sa noo saka umalis

Niyayakap ko lang ang sarili habang nanginginig parin ang buo kong katawan.

ZANDRO'S POV.

Humanap nako ng gamot at makakain namin ni Sam, maya maya may nakita akong dahong gamot, kinuha ko yon, baka sakaling makawala ito sa lagnat ni Sam. Pagakatapos ay naghanap ako ng makakain, habang naglalakad ako may nakita akong puno ng niyog, tumingin ako sa taas, may maraming bunga yon. Kaya nilagay ko muna ang gamot sa bato at umakyat sa puno ng niyog, masyadong mataas ang puno ng niyog kaya nahirapan akong akyatin ito, nagpatuloy ako sa pag akyat hanggang sa nakarating ako sa tuktok nito, pumatong ako sa isang palwa non at inabot ang puno saka ito inikot ikot upang makuha, habang patuloy kong inikot ikot ang bunga bigla nalang

*boggssshh!!*

"AAHHH!!" daing ko

Biglang nabali ang palwang pinapatungan ko kaya nahulog ako sa lupa, masyadong mataas yon kaya labis ang sakit ng aking katawan nang mahulog ako sa lupa.

"aaahh!" Ako

Dumilim ang paningin ko non, sinubukan kong tumayo pero diko nagawa, mas lalong dumilim ang aking paningin hanggang sa nawalan ako ng malay.

LUCY'S POV.

"tara kuya, ako na ang sasama sa paghahanap" Ako

"sasama kami" sabi ni Mia at Carlo

"wag na! ako na lang, tara na kuya" Ako

Agad na kaming umalis sakay sa bangka.

"kuya don po tayo" turo ko sa kabilang karagatan

"Sigurado ba kayo iha na don natin sila matatagpuan?" Kuya

"sa tingin ko nandon sila" Ako

"sege" kuya

"Sa palagay ko nakikita na ni Zandro si Samantha, kylangan kong dalian baka ano ng ginawa ng mga yon" sa isip ko

"dalian nyo kuya! baka ano nang nangyari sa kanila!" Ako

Kaya binilisan ng dalawang lalaki ang pagsasagwan hanggang sa nakarating kami don, agad na kaming pumunta sa kagubatan.

"Zandro!!" Sigaw ko

Nagsuot suot kami don at hinahanap ang sila

"Zandro!!" Sigaw ko ulit

Nagpatuloy lang kami sa paghahanap, habang naglalakad ako nagulat ako nang makita si Zandro na nakahiga sa lupa na walang malay.

Life Full Of Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon