00-05

1.8K 52 2
                                    

“Taniaaaaaaa!!!” Tatlong bilang lang siguro 'yung nagawa ko, naramdaman ko nang kaagad 'yung yakap niya mula sa likod ko. Kamuntikan ko pang ma-out of balance kahit pa na inaasahan ko naman 'yung pagdamba niya.

“Kalas na, nayakap mo na ako,” saad ko saka pa bahagya sya'ng kinalas pero imbis na kumalas, ipinatong nya lang 'yung baba nya sa balikat ko. Agad niya rin namang iwinagayway sa mukha ko 'yung dyaryo na dala niya.

“Hulaan mo kung sino ang makaka-date ko mamaya sa SM? Clue, may libro sya sa'kin,” mahinang bulong niya sa tainga ko. Lumayo naman din kaagad ako sa kaniya dahil nag-angatang bigla 'yung balahibo ko. Kinuha ko nalang sa kaniya 'yung dyaryo saka duon itinuon 'yung atensyon ko. Kumakabog 'yung dibdib ko dahil sa pinaghalong excitement at kaba kahit pa na hindi ko pa alam 'yung balita.

“Anong page???”

“Page 8 babe,” saad niya na sinundan niya pa ng pagkagat ng labi kaya napairap nalang ako.

“Tigilan mo nga kaka babe riyan,” masungit kong saad saka pa siya inirapan pero tinawaan lang niya ako kaya ibinalik ko lang sa diyaryo ang tingin ko. “Halaaaaaaaaa-buti nalang ang ayos ng itsura ko rito, tanggala naman.” Hindi ko na naiwasang tumili ng mahina, nagsusumigaw 'yung kaloob looban ko sa galak. Nakakatuwa lang kasi na may na achieve na namam ako kahit paano.

“Ang ganda mo nga jan, eeh. May poise pa rin kahit na dinudugo na, HAHAHAHA!!!” pagmamalaki niya kaya napangiti nalang ako saka ko binasa 'yung laman nung dyaryo.

Napakagaling nung journalist na nagsulat.

“Paano ba 'yan? Edi may libro ako sa'yo?” panunukso ko sa kaniya na abot tainga ang ngiti. Umirap lang siya sa akin kaya bahagya akong natawa dahil tila labag talaga sa loob niya.

“Oo na. Marunong naman akong tumupad ng pangako, huwag kang mag-alala. Mamayang uwian, aantayin kita sa gate.”

“Yay! Thankiiiiieee,” kinikilig kong saad na akala mo ay wala talaga akong pambili. Aminin natin, iba pa rin kasi talaga 'yung epekto ng mga bagay na bigay lang o hindi kaya ay libre.

“Thank you ka diyan, kiss ko?”

“Ang kapal naman ng mukha mo? Bibilihan mo ako ng libro dahil ginawa ko 'yung pabor mo, hindi nga libre ang tawag dun kung tutuusin eh,” kunot nuong saad ko sa kaniya habang nakanguso pa saka siya inirapan.

“Napakadamot mo naman, parang kiss lang, eeh?” Nagsalubong nalang tuloy bigla 'yung kilay ko saka pa napamake-face dahil sa sinabi niya.

“Anong lang? Bakit naman kita hahalikan, aber? Pumasok ka na nga, papasok na rin ako. Akin na 'tong dyaryo, ha? Ipapakita ko kay Mama,” saad ko saka siya ipinagtulakan. Napangiti nalang ako dahil nagpapatulak din naman siya.

“Owkiiii. Kapag nalate ka ng limang minuto mamaya, hindi na kita idi-date.”

“Kapal naman ng mukha mo.”

“Sige na, seeyah!” Gaya ng inaasahan, hinalikan na naman niya ako sa pisngi bago siya tumakbo palayo. Ramdam na ramdam ko 'yung pag-init ng pisngi ko dahil sa pinaghalong inis at hiya.

“Sabrinaaaaa!!!”

“I love you tooooo!” Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa kahihiyan, madami na naman kasing nakakita sa ginawa nya-kaklase ko pa ang ilan don.

**********************

“Saan galing 'to?” kunot nuong saad ko habang tinititigan 'yung hawak ko. Inabutan kasi niya ako ng bulaklak pagkarating ko, tinignan pa niya muna ako saka siya umiwas ng tingin.

“Ayun 'yung bata,” saad niya ng hindi nakatingin sa akin. Tinignan ko rin naman kaagad 'yung tinuturo nya'ng batang lalaki sa hindi kalayuan sa'min. Hindi ako sigurado kung ano 'yung ginagawa niya pero tila nagbibilang siya ng pera.

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon