00-06

1.5K 49 8
                                    

"Good morning, Tania." Ganun nalang 'yung naging talon ko dahil sa gulat. Hindi ko kasi napansin na nandun pala 'yung kapatid ko sa kusina nung pumasok ako.

"Kailan ka pa nakauwi?"

"Kaninang madaling araw lang, sayang nga, ee. Gusto ko pa sanang magtagal duon kaya lang, naiisip kasi kita palagi. Alam mo na? Baka kasi masyado ng malungkot 'yung buhay mo rito."

"Ang dami mong sinasabi," iritang saad ko kaya inirapan ko na lang sya saka ako nagtimpla ng gatas.

"Tiffany, anak? Sabi ng tita-oh, gising ka na pala. Himala at bumaba ka?" tanong ni Mama habang nakatingin sa akin kaya tuloy sinimangutan ko na lang din sya.

Palagi nalang nila akong pinagtutulungan.

"Saan ka galing, Ma?" tanong ko habang nagsasalin ng gatas sa baso ko.

"Kina Tita mo, nag-almusal na kayo?"

"Mag-aalmusal palang ako," saad ko saka umayos ng upo. Hindi naman na sumagot si Mama dahil nag-aasikaso na siya ng mga dala dala niya.

"Bakit mo 'ko tinititigan? Para kang timang," kunot-nuo kong tanongsa kapatid ko na nakatalumba pa habang nakatitig sa'kin.

"Wala lang."

"Ano nga?"

"Ate, samahan mo ako sa SM. Dali na."

"Tigilan mo 'ko Tiffany." Inirapan ko na lang sya saka ko itinuon ang tingin ko sa kinakain ko. Ganyan kasi 'yan kung maglambing, akala mo napakabuting kapatid.

"Dali na, Ate."

"Ngayon Aate-Atehin mo 'ko samantalang Tania nga lang ang tawag mo sa'kin kanina."

"Ate, please." Tinitigan kong ulit sya ng mga ilang segundo saka ko siya inirapan nung mag-beautiful eyes pa siya sa akin.

"Hindi bagay sa'yo."

"Sasamahan mo na ako?"

"Hindi."

"Ate, namaaaaaan?" pagtatampo niya saka pa nagpapapadyak ng paa niya. Inubos ko nang kaagad 'yung gatas ko saka ako tumayo para ilagay 'yun sa lababo. Sinimulan ko na ring kaagad na maglakad pero tinawag na naman niya ako na akala mo e' pinag damutan ko na siya.

"Hindi nga pwede, sa ibang araw nalang. May schedule ako kay Sabrina ngayon, tu-tutor-an ko sya sa Statistic," pag-amin ko nung lingunin ko siya. Dinig na dinig ko 'yung napakalalim niyang buntong hininga kaya napamake face ako sa harap nya. Inirapan lang din niya ako bago niya ako talikuran para ituloy 'yung pagkain niya.

"Minsan lang ako mag request sayo eeh," bulong niya na akala mo ay nangongonsensiya.

"Tigilan mo 'ko diyan, Tiffany." Patagilid niya akong tinignan saka pa ngumso kaya tuloy nagmake face ulit ako bilang pang-asar sa kaniya.

"Ang panget mo naman dun sa dyaryo niyo," saad nya ng may halong diin kaya napatingin akong bigla sa kaniya.

"Saan mo nakita???"

"Sa kwarto mo, akala ko ba ayaw mo? Eh samantalang kitang kita dun sa picture na binuhos mo 'yung best mo."

"Naawa ako kay Sabrina, ee. Syempre may kapalit 'yun kaya binuhos ko talaga, ayoko rin namang mapahiya," saad ko saka siya tinalikuran. Nagdire-diretso na 'ko ng lakad para makaiwas sa kanya, mang-aasar na naman kasi 'yan sya kung pipirmi lang ako duon.

Napatingin akong kaagad sa orasan pagkapasok ko ng kwarto ko, "maaga pa pala". After lunch pa kasi ang balak kong pagpunta kina Sabrina, ayun din kasi ang napagkasunduan namin. Hinanap kong kaagad 'yung dyaryo na tinutukoy ni Tiffany saka 'yun itinago sa drawer ng mga mahahalagang papeles ko. Napahiga nalang ako ng malalim saka muling tinitigan 'yung kisame.

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon