00-37

779 27 0
                                    

"Halaaaaaaaaa! Ba't ngayon ka lang?" saad nung kapatid kong bigla nalang sumugod sa'kin, kamuntik ko pang tumumba dahil sa biglaang yakap nya.

"Tila ka timang, ano ba yun?"

"Akala ko ba hanggang 3 pm ka lang?"

"May dinaanan ako ano ba, daig mo pa si mama." saad ko saka siya kinalas, nag lakad na rin ako paakyat pero humarang na naman sya.

"May surprise ako sayo ate." kinikilig nya'ng saad kaya napakunot nuo nalang ako, nung nasa huling step na kami ng hagdan pinahinto nya ako para lagyan ng takip sa mata.

"Anong katarantaduhan to Tiffany?" saad ko pero hindi ko naman din tinanggal yung takip.

"Hindi to kalokohan, surprise nga eeh. Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Talagang nagtatanong ka pa ha?" saad ko pero bigla nya akong sinundot sa tagiliran, sinubukan ko sya'ng hampasin pero hindi ko sya tinamaan dahil hindi ko naman sya nakikita.

"Seryoso ako." saad nya habang tumatawa saka naman nya ako hinila.

"Pagka ako talaga Tiffany bumangga sinasabi ko sayo."

"Aalalayan kita dunworry." saad nya, narinig ko rin namang nag bukas sya ng pinto, narinig ko pang may tila binubulungan sya pero 'di ko yun gaanong marinig

"Surpriseeeeee! " saad nya pero hindi naman nya ako tinanggalan ng takip, kaya ako nalang mismo yung nagtanggal. Medyo malabo pa lahat kaya nirub ko muna yung mata ko saka ko sya hinanap.

"Anong surprise?" kunot nuong tanong ko sa kapatid ko habang patuloy na nira-rub yung mata ko. Sinimangutan lang nya ako saka ibinaling yung ulo ko sa may bandang kama ko, mga ilang segundo muna yun bago ko narealize lahat, pakiramdam ko nawala lahat ng nasa paligid ko, ang tindi nung katahimikan na narinig ko.

"K-Kate-!?" saad ko ng hindi makapaniwala, maya maya pa nag tititili na 'ko saka tumakbo palapit sa kanya. "Hala oh my God!!!" sambit ko habang tumitili sa tuwa, hinawakan kong kaagad yung mukha nya saka sya tinadtad ng halik.

"Hala kailan ka pa dumating??? Halaaaaaaaaa!" puro tili nalang yung nagagawa ko, hindi kase tlaga ako makapaniwala, parang umaapaw yung puso ko sa sobrang saya.

"Hala love, ang kyutie ng kulay ng buhok mo." saad ko habang hawak yung buhok nya, ash gray na kase sya ngayon, bagay na bagay sa kanya.

"Ang ganda mo." saad ko saka napalip bite, hinila naman nya akong bigla kaya yakap nya na ako kahit pa na naka upo lang sya.

"You're also beautiful, especially on your uniform." saad nya saka mas lalong humigpit yung yakap nya. Napalingon naman akong kaagad dahil naalala ko yung kapatid kong nag hatid sa'kin, pero wala naman na sya duon at sarado na rin yung pinto.

"Bakit hindi ka nag sabing uuwe ka?" tanong ko habang naka nguso.

"What's the essence of surprise then?" saad nya saka nagkataong nagkasabay kaming napa pout. Hindi na 'ko nagdalawang isip na halikan sya'ng kaagad, gumanti rin naman sya'ng kaagad. Huminto sya'ng bigla nung maramdaman nya sa pisngi nya yung luha ko.

"Why are you crying?"

"I-I'm just happy, I missed you so much." saad ko sa pagitan ng mga hikbi ko, pinunasan nya'ng kaagad yun saka ako hinalikang ulit.

"I won't never leave your side again." saad nya na sya'ng nag pahinto sa'kin, mga ilang minuto ko rin sya'ng tinitigan, pilit na binabasa yung mga mata nya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kasabay ng maingay kong dibdib, tila may mga nagtatakbuhang daga sa dibdib ko.

"I'll be staying here for good."

-----------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon