00-60

1.8K 28 6
                                    

"Love, I think- you two needs to talk." saad ni Kate habang nakasandal sa balikat ko yung ulo nya, yumakap sya ng mahigpit saka ako tinignan.

"Nino?" kunot nuong saad ko sa kanya habang nakangiti, ngumuso lang sya sa'kin kaya dinampian kong kaagad yun ng halik.

"Uh. Sabrina? I think you should talk to her." saad nya saka humiga sa hita ko, nag kunot nuo lang akong ulit sa kanya.

"Para saan naman?"

"Uhm. To thank her? She's always been there for you... Don't you want to talk to her? It's been a long time since the last time you two have talk." saad nya saka marahang pinisil yung labi ko saka yun pinag laruan.

"I love you." saad ko saka siya hinalikan sa nuo, nginitian lang nya ako saka hinapit ulit para halikan.

"I love you more, Tanny." saad nya saka tumayo, hinila lang din nya akong patayo saka inalalayan papuntang balkonahe, bago nya ako iwan hinalikan nya muna ako sa nuo.

"I'll help tita, take your time okay?" saad nya'ng ulit.

"Hindi ka mag seselos?" saad ko sa kanya ng naka angat pa yung kilay, nag kunot nuo lang sya bago ako irapan.

"Why would I?" saad nya na ikinakibit ng balikat ko, natawa nalang ako nung irapan nya akong ulit saka nag umpisang mag lakad palayo. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang mag lakad palapit kay Sab, mukha kasing ang lalim ng iniisip nya baka maka istorbo ako.

*Ehem* pagbasag ko sa katahimikan, lumingon din naman sya'ng kaagad sa'kin saka ako nginitian.

"Hey- kamusta?" saad nya kaya napakunot nuo ako.

"Ako? Ayos lang naman, ikaw ang kamusta? Mukang ang lalim ng iniisip mo aah." saad ko na sinabayan ko ng bahagyang tawa. Ang awkward eeh.

"Ayos lang naman ako tangeks. Ikaw ba? Wala kang nararamdaman? Walang masaki-"

"Masyado ka namang nag alala, strong kaya ako no, para namang hindi mo ako kilala." saad ko sabay ng pag upo ko.

"Kilala kita, kilalang kilala kita bilang magaling magtago." serysosong saad nya habang nakatingin sa malayo, nagulat ako sa naging sagot nya kaya nga 'di ko naiwasang titigan sya.

"Coincidence ata na nadisgrasya kami noh? kase diba? At least, maaga nating nalaman yang sakit mo, naagapan natin kaagad. Iniisip ko tuloy, na blessings in disguise yung pagka disgrasya namin." saad nya na sinabayan nya ng tawa, hindi naman ako nat uhwa kase serious matter pa rin yun, lalo na't madaming nadamay.
Nanatili nalang akong tahimik kaya napatingin sya sa'kin.

"Biro lang eeh, napapansin ko lately masyado ka ng nagiging seryoso aah. Ayan ba epekto sayo ni Kate?" saad nya na sinundan pa ng pagtakla kaya natawa ako ng bahagya saka sya inirapan, narinig kong bumuntong hininga sya bago umayos ng tayo, inilagay lang nya yung mga kamay nya sa bulsa ng pantalon nya.

"Alam mo ba, kinukwento ka sa'kin madalas ni Althea. Kinukwento nya kung paanong nagka gusto sya sa'yo, pero sobrang proud nya na crush lang yung nararamdaman nya. Ang galing nga ee... kase nalagyan nya kaagad yun ng label, kaya alam nya yung limitation nya... alam nya yung magiging galaw nya. Siguro- kung maaga ko ring narealize yung lahat, kung nalagyan ko rin kaagad ng label yun, baka ako yung nasa tabi mo ngayon, ako siguro yung mahal mo."

"S-Sab..."

"Pero tanggap ko naman na, wag kang mag alala, at least, alam kong nasa tamang tao ka." saad nya saka ginulo yung buhok ko, ngumiti lang sya pero kita ko sa mga mata nya na hindi yun yung gusto nya'ng gawin. Bumuntong hininga sya saka muling tinago yung kamay nya at sumandal.

"Ganun siguro talaga yun, hindi sa lahat ng pag kakataon, mamahalin tayo ng taong mahal natin. Hindi rin natin pwedeng pilitin sila na mahalin tayo, kase paniguradong hindi sila magiging masaya sa tabi natin. Kase ang totoong nag mamahal, nagiging masaya kung saan masaya yung taong mahal nila. Tania, sapat na sa'kin na makita kang masaya sa tuwing kasama mo si Kate, mamahalin nalang siguro kita mula sa malayo, hanggang sa yung puso ko na yung mismong sumuko at maghanap ng iba." mahabang lintana nya, kitang kita ko kung gaano kasaya yung luha nya nung makalabas yun, sobrang lakas ng agos.

"T-Thank you Sab... I'm really sorry." saad ko kasunod ng paghagulgol ko, tumayo akong kaagad para yakapin sya ng mahigpit, naramdamn ko namang yinakap din nya akong pabalik. Dinig na dinig ko yung bawat hagulgol nya, ang sakit pakinggan, ramdam mo sa bawat hikbi at luha nya yung sakit.

"I love you Tania."

-----------------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon