00-10

1.2K 44 0
                                    

~TANIA~

"Anong oras umuwi si Sab, Ma?" tanong ko kay Mama na nag-aasikaso ng pagkain. Pagmulat ko kasi kanina, wala na sya sa tabi ko. Akala ko nga nauna lang sya'ng gumising kaya bumaba kaagad ako pero ang sabi ng kapatid ko, wala na rin sya dito.

"Umuwi na ba? Akala ko nasa kwarto mo pa?"

"Wala na sya run paggising ko, eh," sabi ko saka kumuha ng tubig at saka naupo.

"Nag-away na naman ba kayo?" usisa niya matapos niya akong tapunan ng tingin kaya napakunot nuo nalang ako saka ko hiniga 'yung ulo ko sa lamesa.

"Ako po kaagad? Natulog po kaming nag-uusap, malay ko kung bakit hindi nagpaalam 'yun," saad ko saka tinitigan 'yung basong hawak mo. Bigla ko namang naalala 'yung nangyari kagabi kaya bigla din tuloy akong napatakip ng mukha.

"Nilalagnat ka pa ba, Tania?" Hinaplos namang kaagad ni Mama 'yung nuo ko kaya napalayo ako ng bahagya.

"Ayos na po ako, Ma. Huwag po kayong mag-alala."

"Eh namumula ka kasi." Napaiwas na naman tuloy ako ng tingin dahil tinapunan ako ni Mama ng tingin na may pagdududa. Kung bakit din kasi ang aga aga e' ganun ang pumapasok sa isip ko.

"Aakyat na po muna ako, Ma. Ayokong mag-umagahan, maggagatas lang po ako." Hindi naman na sumagot si Mama kaya umakyat na rin ako. Nagtatakbo ako papasok sa kwarto saka nagpagulong gulong sa higaan na tila bulating naasinan. Tumingin na naman ako sa kisame nung mapagod ako. Isa isang nagplay dun 'yung mga pangyayariyari kagabi kaya tila tuloy ako tanga na biglang napangingiti. Bumalik lang ako sa wisyo ko nung bigla kong marinig 'yung selpon ko. Kinuha ko naman ding kaagad 'yun saka tinignan 'yung tumatawag.

Kate...

Nabaling 'yung tingin ko sa kisame para mag-isip dahil nakaramdam ako bigla ng konsensya. Wala namang kami ni Sab, kaya hindi naman siguro kasalanan kung kakausapin ko si Kate, hindi ba? Pero...

(You're busy?)

"Nah' I'm sorry."

(How's your feeling?)

"Im fine, how about you?"

(I missed you,) biglang saad nya kaya napatitig na lang ako sa kanya. Maya maya lang e' umiwas din naman sya kaya napakagat nalang ako ng labi.

"Y-You're drunk?"

(Huh? I'm seriously talking, I miss you,) pag uulit nya kaya napalunok akong bigla. Umayos nalang ako ng higa saka tumagilid. Tila normal lang sa kaniya kung sabihin 'yun samantalang tila may namahay ng mga daga sa dibdib ko.

"Why?"

(What why? Is missing someone should have a reason why?)

"Of course, because missing someone means they mean something to you."

(Exactly. Why keep on asking if you already know the answer then,) agad niyang sagot na siyang nagpatulala sa akin. Nagbibiro lang naman ako, hindi ko inaasahan na sasang-ayunan nya 'yun. Inirapan ko na lang sya para maibaling 'yung kaba ko pero hindi naman nag bago 'yung reaksyon nya, narinig ko na lang na nag buntong hininga sya. (Tania? I have something for you,) saad nya kaya ibinalik kong ulit 'yung tingin ko sa kanya. Umalis din naman sya sa harap ng camera, minuto lang 'yung lumipas nung bumalik din sya saka may ipinakita saking papel pero hindi ko alam kung ano yon-hindi kasi sya pamilyar sa akin.

"What's that?"

(Uh. You didn't know this? It's a ticket.)

"Ticket?"

(Yes. Next month, we will be having a vacation there in the Philippines,) kalmadong saad nya habang nakatingin sa'kin. Tinitigan ko lang sya ng mga ilang segundo dahil sa pagkalito, hindi kasi ako makapaniwala kaya napakunot nuo ako. (I want to meet you, Tania,) muli nyang saad pero hindi pa rin ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko kasi sigurado kung nagbibiro lang ba sya. Bakit naman kasi nya ako pupuntahan? Kahit pa na nagtataka ako, may kung anong parte sa dibdib ko na natutuwa dahil magkikita na rin kami sa wakas. (Aren't you happy?)

"Ha? I'm happy-it's just... Uh. I can't believe-"

(Will you meet me, Tania when I finally got there?)

"H-Ha? Of course. Why not?" Bigla namang lumawak 'yung ngiti nya saka nya kinagat 'yung labi nya. Pakiramdam ko tuloy uminit 'yung buong mukha ko kaya hindi ko tuloy maiwasang ngumiti pabalik.

(I can't wait to see you,) kagat labi niyang saad na may kasamang ngiti sa mata. Napakagat labi nalang din tuloy ako saka marahang tumango.

********

"Si Sab po nanjan?" Kasambahay lang kasi nila 'yung nagbukas sa'kin ng gate nina Sab. Hindi pa rin siguro umuuwi 'yung mga magulang nya.

"Yes po, Ma'am. Pasok po kayo," anyaya niya kaya naman pumasok din ako saka ko sya nginitian dahil ang ilap nya sa'kin masyado.

"Ma'am? Kapag po nakapasok na kayo, baka po pwedeng pababain nyo po muna si Ma'am Sab para kumain. Hindi pa po kasi sya kumakain ng almusal at tanghalian, hapon na po."

"Hindi pa po?"

"Opo. Nuong umuwi po sya kaninang madaling araw e' hindi na po sya ulit lumabas."

"Bakit daw po???" Madaling araw pala sya umalis samin...

"Hindi ko po alam, Ma'am," saad nya na tila pa nag-aalinlangan kaya tumango nalang ako saka umakyat papunta ng kwarto ni Sab. May problema ba sya?

*Knock*knock*

"Mamaya na, Ate. Bababa nalang po ako," narinig kong sabi nya mula sa loob. Sinubukan kong ipihit 'yung doorknob nya pero naka-lock 'yun mula sa loob. Mukang ayaw nga talaga nya'ng magpapasok.

"Sab? Si Tania to," pagpapa-alam ko. Medyo matagal pa ang lumipas bago bumukas 'yung pinto nya pero hindi 'yun nag bukas talaga. Nakasilip lang sya ng bahagya sa pintuan kaya napakunot nuo ako.

"Anong ginagawa mo dito?" saad nya kaya napakunot nuo lalo ako. Tinitigan ko lang sya ng diretso sa mata dahil baka kasi nagbibiro lang sya, pero isang emosyon lang ang nakikita ko.

"Anong problema? Hindi ka raw lumabas buong maghapon?" pag-iiba ko ng usapan saka sinubukang itulak 'yung pinto nya pero hindi nya 'yun binuksan-hinarangan lang nya. "Sab? Anong problema?"

"Umuwki ka na, Tania."

"Sab." Tinulak ko ng bahagya 'yung pintuan nya pero hindi nya talaga ako hinahayaang mabuksan 'yun. "Umuwi ka ring hindi nagpaalam kanina nung umalis ka. Tinawagan din kita, bakit hindi ka-"

"Tania, umuwi ka na," muling saad nya. Nainis ako sa kanya maging sa tono nya kaya naitulak ko sya mismo ng bahagya para mabuksan 'yung pintuan nya. Nakapasok naman ako, nagtitigan lang kami pero gaya ng nakagawian, sya ang unang umiwas saka padabog na tumalikod sa'kin. Umupo lang sya sa higaan nya saka nya mariing hinawi 'yung buhok nya-mannerism nya na 'yun kapag sobra na sya'ng nafufrustrate.

"Sab, anong problema?" Linapitan ko sya pero bago pa ako makalapit e' pinagbabato na nya ako ng unan. "Sab-!" Sinubukan ko namang salagin pero may mga tumatama pa rin. Hindi sya tumigil kaya kinailangan kong hawakan 'yung dalawa nya'ng kamay.

"Bakit mo ginawa yon-!?" may galit nya'ng tanong kaya napakunot 'yung nuo ko sa pagkalito.

"Ginawa ang-?" Sampal lang 'yung sagot na natanggap ko mula sa kanya kaya napatulala ako. Hindi ko kasi inaasahan 'yun.

"P-Para saan 'yun?..." Napahawak nalang ako sa pisngi ko dahil ramdam ko 'yung init na dala nun dahil sa sobrang lakas. Kinagat pa nya 'yung labi nya saka tumayo at tinanggal 'yung kamay ko sa pisngi ko para haplusin 'yun.

"Alam mo namang bawal 'yun, hindi ba? Magkaibigan lang tayo..." mangiyak ngiyak nya'ng saad. Tila tuloy itinapon 'yung lakas ko saka pinalitan ng lungkot. Ngayon ko lang kasi napagtanto kung ano 'yung tinutukoy nya.

"At tama na ginalaw mo 'yung sarili mo habang iniisip mo na ako yo-" Isang malakas na sampal na naman 'yung natamo ko kaya napakunot ulit ako ng nuo. Mas malakas kasi 'yun kumpara sa nauna kanina. Tinignan ko lang sya ng ilang minuto saka ko sya tinalikuran para lumabas. Narinig ko pang tinawag nya ako pero nagdire-diretso na lang ako hanggang sa makalabas ng bahay nila.

Ngayon mo lang ako sinaktan physically, Sab.

--------


Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon