00-53

721 20 0
                                    

"Pera nalang ma dali na." matawa tawang saad ko kay mama, inirapan lang nya ako saka tinuloy yung paglilista nya, pansamantala ko pa sya'ng sinundot kaya tinignan nya ako ng masama. "Dali na mama ako naman may birthday eh." pangungumbinsi ko sa kanya pero inisnaban lang nya ako.

"Pusta ko 100, 'di ka ni mama papayagan." bulong sa'kin ng kapatid ko na kumakain ng mansanas, napairap nalang ako sa kanya dahil palagi naman sya'ng tama.

"Mama~"

"Tigilan mo 'ko Tania, sinabi nga'ng hindi pwede ayy. Disperas ng pasko yang birthday mo, anong inaasahan mo." saad nya sa'kin saka ako ulit inirapan, napairap nalang din ako saka nagpakawala ng malalim na hininga. Gaya kase ng nakasanayan, uuwe ulit kami ng Rizal, duon kami mag cecelebrate ng kaarawan ko pati na ng pasko. Sanay naman na rin ako, ang akin lang- pwede naman kasing hindi na mag handa ng 24, kahit yung pasko nalang para hindi na doble ang gastos pero palagi naman silang hindi pumapayag, mag kaiba daw kase ng dinidiwang. -_-

"Si Kate ba? Nag usap na kayo? Ano ang plano nya? 18 na ngayon ah. Hindi ba sya babyahe?" saad ni mama habang nag lilista, napaiwas nalang ako ng tingin lalo pa't ramdam kong nag aabang din ng sagot si Tiffany.

"Eh- hindi pa po namin napag uusapan eeh, hindi naman kase nya inoopen yung topic na yun."

"Edi ikaw kase ang magtanong sa kanya ay? Pasko yun syempre dapat kasama nya ang magulang nya." hindi nalang ako sumagot kay mama, alam ko namang dapat kasama nya ang magulang nya, pero umaasa pa rin ako na sana dito nalang sila mag pasko para naman kasama ko pa rin sya lalo na't birthday ko yun.

"Nanjan na ata sila." saad ni Tiffany saka pa nagmadaling tumakbo papuntang pintuan.

"Papa-!" dinig kong saad nya mula sa pintuan kaya nag lakad na rin ako papunta dun para mag mano, bahagya pa kong napasilip sa likod nya.

"Si Kate po?" saad ko nung hindi ko mapansing kasunod nya yun.

"Nandyan na rin, kakausapin lang daw nya yung driver nila." saad ni Papa saka iniabot kay Mama yung dala dala nya, nag paiwan naman ako para antayin sya, tanaw ko sya mula dito sa pintuan. Naupo akong pansamantala habang nakatingin sa kanila, tila kase matagal pa bago sya pumasok. Napangiti nalang ako nung makita kong gumawi yung tingin nya sa'kin saka kumaway, kumaway nalang din ako sa kanya saka ngumiti kahit pa na hindi ako sigurado kung nakikita nya ba yung ngiti ko.

"Ate kakain na." saad ni Tiffany mula sa likod ko, napatango nalang ako saka muling nilingon si Kate.

"Kamo, susunod nalang ako, aantayin ko lang si Kate." saad ko sa kanya, tumango lang sya saka tumalikod na rin. Nakita ko namang tila nag papaalam na si Kate dun sa driver nila, maya maya lang nakita ko ng kumaway yun sa kanya saka pumasok sa kotse. Nung makaalis na yung kotse saka lang nag lakad papasok si Kate, tumayo rin naman akong kaagad nung malapit na sya saka sya sinalubong ng yakap, naramdaman ko namang yumakap din sya kaya napangiti nalang ako.

"Mukang anlalim nung usap nyo ni kuya aah, anong pinag usapan niyo?" saad ko saka inabot yung bag nya at hinila sya papasok.

"Nothing, I just ask him about our house in Rizal- how they're doing, that's all." saad nya saka ako nginitian at hinalikan sa pisngi. Dumiretso lang din kami sa pagkainan dahil nag aantay na run sina mama.

************

"Love... Tinatanong kase ako ni mama kung dito ka raw ba mag papasko." saad ko sa kanya habang tinutuyo yung buhok ko, nagsusuklay lang din sya nun sa may higaan, bahagya sya'ng huminto nung tignan ko sya kaya lumapit nalang ako sa kanya para ako naman ang suklayan nya.

"Uh. About that, we haven't talked about it." malungkot na saad nya saka ako niyakap, 'di ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga.

"Dapat nag sabi ka na, kase anong petsa na ngayon oh. Baka mahirapan ka ng kumuha ng ticket nyan, isa pa, Pasko yun, dapat kasama ka nina tita." saad ko kahit pa na labag yun sa loob ko dahil gusto ko sanang kasama sya sa birthday ko.

"Don't worry, tommorow, I'll ask my Mom." saad nya saka ako hinalikan sa pisngi. Nginitian ko lang din sya kahit pa na medyo nalungkot ako, naramdaman ko namang ipinatong nya sa balikat ko yung baba nya kaya napalingon ako ng bahagya sa kania.

"Tanny, I don't want to go. I want to celebrate the Christmas with you... With your family."

"Wala namang problema don- ang akin lang, syempre pasko yun, dapat kasama mo sina tita, mamaya magtampo sya-"

"I'm just afraid that-"

"Kate, Tania yung pangalan ko, hmm. Don't worry, girlfriend mo pa rin naman ako pagbalik mo." matawa tawang saad ko kahit pa na medyo nalungkot ako dahil tila natrauma na sya. Naramdaman kong humigpit yung yakap nya kaya hinawakan ko na lang din yung mga kamay nya.

"Wag kang mag alala, hindi kita papalitan." saad ko sa kanya saka humarap para halikan sya.

"I love you."

"I love you too." saad nya saka kinubli yung labi ko, ipinikit ko na lang yung mata ko saka gumanti sa bawat halik nya. She gently bite my lower lip reason for me to open my mouth, ramdam ko ung pag pasok ng dila nya, ramdam ko bawat pag ikot nun. I just kiss her back the way she kissed me and let her do whatever she wants to.

-------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon