00-47

759 21 0
                                    

"Ba't di mo 'ko ginising maaaaaaa." mangiyak ngiyak kong sabi kay mama habang nag sasapatos, 6:30 ang klase ko ngayon dahil may p.e class ako at first subject ko yun.

"Kanina ko pa kayong kinakatok sa kwarto nyo, kayo 'tong hindi nagigising ee." saad ni mama mula sa kusina, nakita ko namang lumabas na rin ng banyo si Kate na nakatuwalya lang, nag nagmamadali din dahil baka matraffic sya.

"Kumain ka na dito-"

"Ma- 6:20 na, dun nalang po ako kakain." saad ko saka tumakbo kay mama para mag mano, hinabol ko rin namang kaagad si Kate na paakyat na ng hagdan para halikan sya.

"Kasalanan mo to ee." saad ko saka sya hinalikan sa labi, napakagat labi nalang sya habang nakangiti sa'kin saka kumaway.

"Take care, I love you."

"Ikaw din, kumain ka bago umalis ha, I love you too- mama si Kate po haaaaa. Wag mong paalisin ng hindi kumakain." sigaw ko mula sa pintuan saka tumakbo papuntang skwelahan.

'shittttt. Five minutes!' saad ko mula sa isip ko saka mas binilisan ang pag takbo. Napalingon naman akong bigla dahil may bumusina mula sa likod ko.
Akala ko naman magpapasabay na, tss. -_-

Muli nalang akong tumakbo papasok ng skwelahan, yung taranta ko to the highest level na talaga. Dire-diretso akong pumasok sa room namin sa p.e at saka umupo, mabuti nalang at wala pa si Sir. Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang stress, kamuntik ko pang mahulog yung bote dahil sa biglang Good morning ni Sir.

"Masyado kang kabado sis, ba't ba kase late ka?" matawa tawang saad nung katabi ko, napa make face nalang ako saka uminom ng tubig.

"Okayyyy- so 6:40 na, come on. Punta na kayo sa gym magdala kayo ng ballpen at notebook." saad ni sir saka nya inayos yung gamit nya sa lamesa, nag tayuan naman na sila kaya tumayo na rin ako.

Bwisit naiwan ko pa yung panyo ko -_-
Napa face palm nalang ako saka nag buntong hininga, dinala ko na lang din yung tubig ko.

"Sabay na tayo." nagulat naman ako sa saad nung katabi ko, actually hindi ko talaga sya kilala. Hindi ko alam ang pangalan nya, pero aware ako na mag kaklase kami.

"Uh. Sige, tara?" saad ko na medyo nahihiya, hindi kase ako sanay ng may nakakasama. Mas sanay ako na ako lang, pwera kay Sabrina, isang semester ko lang naman sya nakasama, wala na rin naman akong naging close nung nakaraang semester bukod sa kanya.

"Dito ka nag first year?" saad nya'ng muli kaya napalingon ako, talagang makikipag usap sya sakin?

"Uh. O-Oo, ikaw ba?"

"Hindi ee, nag transfer lang ako. Galing akong province."

"Ahh." saad ko, pero sa kaloob looban ko hindi ako makapaniwala na probinsyana sya, maganda kase yung kutis nya hindi mo paghahalataan.

"Magagaling ba mga guro dito?"

"Uhm. Depende sayo, kahit naman kase magaling yung teacher kung hindi mo naman seseryosohin, wala rin." saad ko na ikinahinto nya ng lakad, napakunot nuo nalang ako sa kanya saka nya ako tinawanan kaya lalo tuloy akong naguluhan.

"Ang cute mo ano." saad nya kaya napaiwas nalang ako ng tingin. Anong kina cute nun ay?
Pinaupo naman kaming kaagad sa bleacher pagkadating ng halos lahat, tamang daldal lang si Sir ng agenda namin ngayong araw, buti nga at sa likuran ko sya umupo, medyo nadadaldalan kase ako sa kanya. Napaliyad naman akong bigla dahil sinundot nya ako sa tagiliran kaya kunot nuo ko sya'ng tinignan.

"Sobrang madali mo, palipit na tuloy yung bra mo." saad nya kasabay ng mahinang tawa nya, tinrace nya pa yung bra ko sa likod kaya napalayo ako. Kinapa ko rin namang kaagad yung bra ko, napa face palm nalang ako dahil palipit nga yung kaliwang part.

"Hayaan mo na, wag mo na lang pansinin, aayusin ko na lang mamaya." saad ko na sinabayan ko ng tawa dahil nakakahiya, halata sya sa uniform ko.

*************

"Wala na bang ibang Cr?"

"Meron kaya lang puno din yung nasa 2nd floor, ito lang yung hindi gaanong dinadayo." saad ko saka inilapag yung bag ko sa may lababo saka sumandal, ganun din naman yung ginawa nya saka nag buntong hininga. Nag kataon pa na sabay kaming napatingin sa orasan.

"Kaya kaya yun? Isang oras nalang meron."

"Kaya yun, ganun ka ba katagal magbihis?" matawa tawang saad ko, ako kase halos 30 minutes lang ginugugol ko kung mag palit tuwig p.e namin.

"Hindi naman, kaya lang kakain sana muna ako bago pumasok." saad nya kaya tumango nalang ako, napatayo naman ako ng ayos nung mag bukas yung isang cubicle.

"Sige na, mauna ka na. Mabilis lang naman ako." saad ko habang nakatingin sa kanya, napakunot nuo naman sya kaya napakunot nuo din ako.

"Bakit hindi ka na lang sumabay? Para sabay tayong matapos." saad nya habang nakatingin sa'kin.

"Hindi na, mauna ka na." matawa tawang saad ko.

"Parehas naman tayong babae, wala naman malisya don?" saad pa nya kaya napatalikod nalang ako.

"Sge na mauna ka na, ayos lang mabilis lang naman ako, kaka dada mo dyan mauunahan ka pa sige ka." saad ko sa kanya, umalis na rin naman sya saka pumasok ng cubicle.

Ba't naman ako sasabay sa kanya ayy. Ni hindi ko nga sya kilala, pati nag aanlaw ako pagka mag papalit na'ko.

-----------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon