00-07

1.5K 42 7
                                    

Sya'ng tahol ng aso nila nung mapindot ko na 'yung doorbell, kamuntik ko pa tuloy'ng tumili dahil sa gulat. Malaki kasi masyado si chichi-'yung aso nila kaya nakakatakot talaga, buti na lang nga at nakatali 'yun. Maka-ilang ulit na akong nakarating dito pero hanggang ngayon, may galit pa rin ata sa'kin 'yung aso nila. Maya maya lang, nagbukas na rin 'yung front door nila. Nakita kong lumabas duon si Tita, Mama ni Sabrina. Nakangiti lang siya habang naglalakad palapit sa gate kaya nginitian ko na lang din sya.

"Ngayon nalang kita ulit nakitang nagpunta dito, ah?"

"Uh. Opo, naging busy po kasi ee. Si Sab po, nariyan?"

"Tuloy ka muna," saad nya habang pinagbubuksan ako ng gate. Pumasok naman din ako saka niya isinara 'yung gate, nakangiti lang sya sa'kin kaya medyo na-awkwardan ako. Mabait naman ang Mama ni Sabrina, parang sya. May kasamaan lang ng kaunti si Sabrina.

"Kanina bumaba na 'yun, eeh. Kumuha ng gatas nya, hindi na ulit 'yun sya bumaba nung pumanhik. Tuloy ka na lang dun sa kwarto nya at aakyatan ko na lang kayo ng meryenda, ha?" saad nya saka ako ulit nginitian kaya ngumiti nalang din ako pabalik.

"Ayy sige po Tita, salamat po." Sa paglakad ko paakyat, hindi ko maiwasang mamangha-maganda kasi talaga 'yung bahay nila pero tahimik. Nag-iisa kasing anak si Sabrina, tapos sila lang din ng Mommy nya at ng isang kasambahay ang madalas na nandito. Mabuti nalang nga at kahit paano may maingay akong kapatid na palaging nagiging dahilan ng pag-ingay ng buong bahay namin.

*Knock*knock*

"Sab?" Nag-antay ako ng isang minuto matapos kong kumatok pero wala akong narinig na sumagot kaya kinatok kong ulit 'yung pintuan. Nakatatlong beses na ata akong kumatok pero wala pa ring lumalabas. Nalaman ko ring bukas pala 'yung pintuan nya nung sinubukan kong pihitin 'yung doorknob nya kaya pumasok nalang ako. Sumalubong naman agad sa'kin 'yung nakasanayan kong amoy ni Sab. Nakapatay 'yung ilaw nya pero kita ko sya'ng nakaupo sa kama niya habang yakap nya 'yung unan. Tahimik lang siyang nakaupo sa tapat ng laptop nya, naka-earphone rin pala kasi sya kaya siguro hindi nya 'ko naririnig. Sinarado ko nalang ulit 'yung pintuan saka naglakad palapit sa kanya. Kakalabitin ko na sana sya kaya lang napahinto ako nung makita ko kung ano 'yung pinapanuod nya kaya tumalikod nalang ako saka pabigat na umupo sa likurang parte nya.

Nagulat ko ata sya sa pag-upo kong 'yun dahil sinara nyang bigla 'yung laptop nya kasabay ng pagtanggal niya ng earphone nya. Ayoko namang mahiya sya kaya nginitian ko na lang sya saka ko nilabas 'yung mga notebook ko na gagamitin namin sa pagrereview.

"K-Kanina ka pa?"

"Oum. Nakatatlong katok na nga ako sayo, eh. Kaya lang 'di ka naman sumasagot, tapos bukas din naman 'yung pintuan mo kaya pumasok nalang ako."

"A-Anong oras na ba? Bakit ang aga mo?"

"Anong maaga ka riyan, abnormal ka ba? Alas dos na ano, late na nga ako sa 'after lunch' na usapan natin, ee."

"K-Kumain ka na ba?" aligagang tanong niya habang hindi na siya mapakali. Hindi ko alam kung anong ikinakaba nya, hindi kasi sya makatingin ng diretso sa'kin. Ang layo rin nya sa'kin na para bang may nakahahawa akong sakit.

"Tapos na, ayaw kasi akong paalisin ni Mama ng hindi kumakain."

"Uh-saglit lang, ha? Maliligo lang ako tapos kakain, saglit lang talaga 'yon. Pahinga ka na lang muna," paalam niya na halos mautal-utal pa siya. Tumango tango nalang ako saka sumandal sa headboard ng kama nya habang tinitignan siyang nagmamadali na lumabas dala 'yung tuwalya nya.

"Ang babaeng yun~" ayun nalang nasambit ko saka umiling iling nung tuluyan na siyang makalabas ng kwarto niya. Tumayo naman din ako para buksan 'yung ilaw saka naglibot libot sa kwarto nya. Maka-ilang ulit na 'kong nakarating dito pero gandang ganda pa rin ako hanggang ngayon. Minsan dito rin ako tumatambay nuon lalo na kapag nanghihiram ako ng libro nya. Gaya ko, mahilig din kasi sya sa mga libro. "Wala man lang magawa dito," bulong ko sa sarili ko dahil sa inip. Humiga nalang muna ako sa higaan nya matapos kong bumuntong hininga. Gaya ng madalas kong libangan, nag-uusap na naman kami ng kisame.

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon