00-11

1.2K 40 0
                                    

"Tania? Mabuti at umuwi ka na, ay. Kanina pa kasing may tumatawag sa'yo. Naiwan mo pho-Ate? Hala, bakit ka umiiyak???" Patakbo kong tinungo kaagad 'yung kwarto ko kahit pa na sobrang nanginginig 'yung mga hita ko sa galit. Dinig ko rin na humahabol paakyat si Tiffany kaya naman bago ko isara 'yung pintuan ng kwarto ko, siniguro ko munang hindi ko maiipit si Tiffany. Napasandal nalang ako sa pintuan kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. Tinungo ko ring kaagad 'yung higaan ko saka ibinaon 'yung mukha ko sa unan saka ako napahagulgol.

'T@ngin@. Bakit parang kasalanan ko pa? Hindi ko naman sya pinilit, ah? Hindi rin naman nya ako pinigilan...'

Nagsimula na tuloy'ng magwala 'yung dibdib ko kaya ganun ko nalang kung hawiin 'yung mga gamit ko na nasa tabi ko-hindi ko na kasi mapigilan 'yung inis ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang maghihiyaw sa ilalim ng unan ko, pilit na inuubos 'yung boses na mayron ako. Hindi na magkandamayaw ang hiyaw ko sa ilalim ng unan ko, pakiramdam ko tuloy ay hahapuin pa ako sa paghinga. Padabog kong itinayo ang sarili ko saka ko muling tinungo 'yung lamesa ko kung saan nakapatong 'yung litrato namin ni Sabrina nuong magtapos kami ng Senior High School. Mangiyak-ngiyak kong tinitigan 'yun saka pa marahas na napapikit. Napakagat labi nalang ako nung marinig ko na naman ang paghikbi at pagkapos ng hininga ko. Padabog kong itinaob 'yun saka pa napaupo sa sahig habang patuloy na umiiyak. Ibinaon kong pansamantala sa mga tuhod ko ang mukha ko para lang maitago at mapahina ang palahaw ko. Minsan talaga, kung ano pa 'yung hindi mo inaasahan e' siya pang makakasakit ng sobra sa'yo.

Ganun nalang kabilis kung lumipas 'yung isang oras, napansin ko nalang na tumigil na ang pag-iyak ko nung kunin ng mga humuhuning ibon ang atensyon ko. Parang kanina lang ay hindi ako magkandamayaw sa pag-iyak... Sinong hindi? Akala ko kasi ay ayos na... Napabaling naman akong kaagad sa braso ko nuong maramdaman ko ang pagguhit ng kirot at hapdi ng sugat ko ruon. Napangiti nalang akong bahagya bago ako humugot ng malalim na paghinga. Tila kasi gamot 'yun dahil sa twing magsusugat ako sa gitna ng pagkalunod ko, automatic na humihinto ang pag-iyak ko. Best way to escape ko kung tawagin 'yun, paraan ko para na rin maisalba ang sarili ko. Kapag hindi ko kasi ginawa 'yun, paniguradong sa hospital naman ako babagsak dahil sa asthma.

*Knock*knock*

"Ate..." Napukaw nun ang atensyon ko kaya naman napabaling akong kaagad sa pintuan ng kwarto ko. Nakasara pa rin naman 'yun pero kita ko sa ilalim ng pinto ang pares ng paa ng kapatid ko. "Ate, gusto mo bang dalhan kita rito ng tubig?" narinig kong saad nya kaya tumayo ako saka naglakad papunta ng pintuan. Nagbilang pa ako ng hanggang lima saka ko 'yun binuksan. Napabaling namang kaagad sa akin ang tingin niya saka niya ako malungkot na tinitigan. "Ate..."

"Sige nga, kunan mo 'kong tubig, Yaya," pagbibiro ko pero tinignan nya lang ako saka sumimangot. Hindi ko talaga sya nadadala sa ganun.

"Kain ka na din, Ate. Hindi pa rin ako kumakain, sabay na tayo," anyaya niya saka pa kinuha ang kamay ko saka ako pilit na pinalalabas. Nginitian ko lang sya ng bahagya saka hinilang pabalik 'yung kamay ko, naramdamn ko kasing nahawakan nya 'yung sugat ko.

"Tubig lang, Tef. Tapos kumain ka na doon, huwag mo na 'kong antayin." Hindi naman na nya ako pinilit pang ulit, tinignan lang niya ako saka sya malungkot na tumalikod. Binuksan ko ng bahagya 'yung pintuan ko ng sa ganun ay makapasok siya saka ako nagpuntang ulit ng higaan. Gaya ng madalas kong gawin, nagtitigan na naman kami ng kisame ng kwarto ko.

Hindi ko inaasahan na may tutulo pa palang luha duon, akala ko kasi ay naubos na. Nuong makita kong pumasok si Tiffany sa kwarto ko, pinunasan kong kaagad 'yung luha ko saka ko sya nginitian. Nagulat nalang ako nung mapansin ko ang bitbit niya, may dala kasi syang medkit. Inabot lang nya'ng una sa'kin 'yung tubig saka pa marahang inabot 'yung braso kong may sugat.

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon