00-42

709 18 1
                                    

~YSABELLE~

Mag te-ten na aah, bakit kaya wala pa rin sya'ng confirmation?

"Manong, pakibilisan nalang." I said to my driver who drives like we are a turtle, tss. I tried to call her but it keeps on ringing, is she still asleep?

"Andito na po tayo ma'am." I looked at him in disgust, nakita ko namang pinagbuksan na rin kami ng gate kaya nag retouch na ko ng make up ko.

"Oh my God, thanks God nakarating rin akala ko manong bukas pa tayo dadating eeh." I said to my driver, hindi naman na sya sumagot kaya lumabas na'ko. I ring their doorbell on their front door, I heard someone shout kaya nag intay nalang ako, nakita ko namang pinagbuksan ako ni manang kaya tumingin lang din ako sa kanya.

"Kayo po pala ma'am Sabel, abay good morning po." sabi nya kaya nginitian ko na lang sya ng pilit.

"Is Kate already awake?"

"Ah yes po ma'am, nasa kusina na po sila." saad nya, napairap nalang ako, kaya pala hindi nya ako sinasagot.

"Ah- is she busy?" I asked her kaya lang nakita ko ng nasa lamesa nga sila kumakain kasama yung so called gf nya.

"Mag uumagahan ka pa lang? But it's already 10 am na aah, late na ata kayo nag breakfast." I said to Kate and kissed her cheek as a greeting, nakita ko namang napatingin sa'kin yung Yanny? Tanny? Kaya napangisi nalang ako.

"Good morning, Yanny." saad ko ng nakangisi, tumingin din naman sya sa'kin, her face looks like hindi maganda ang naging gising nya, aww.
Sorry pero mukhang mas papanget pa ang umaga mo dear.

"Yssa, it's Tanny not Yanny." I looked at Kate and laugh a little in embarrassment.

"Aww, sorry at least magkatunog." saad ko saka tumawa, tumawa rin naman si Kate kaya napangisi nalang ako. Nakita ko namang hindi natuwa dun yung si Tanny kaya mas lalo akong napangiti.

"Manang, can I have a cup of tea please?"

"Uh. Sure ma'am Sabel, saglit lang po."

"Take your time." I said saka binalik yung tingin kay Kate, nginitian lang din naman nya ako.

"What brings you here?" napaangat nalang ako ng kilay sa naging tanong nya saka natawa ng bahagya.

"Uh- susunduin ka, nakalimutan mo? May pupuntahan tayo." I said to her, nagulat naman sya, nakita kong ganun din yung naging reaction ni Tanny.

"Aw I'm sorry, I forgot." she said sabay abot ng tinapay at jam Kay Tanny, tinititigan lang sya ni Tanny kaya napaangat ako ng kilay.

"Pleasssh?" Napakunot nuo nalang ako nung marinig ko yun mula kay Kate, excuse me? Kailan pa naging childish si Kate? Hindi rin yun inabot ni Tanny kaya nainis ako. Minsan ko lang makitang ganun si Kate tapos iignore lang sya?

"Ako nalang, wow favorite mo pa rin to no?" I insist and begin to make one for her, hindi naman sya nagrereklamo nakita ko pang nag pout nalang sya kay Tanny. Pwede ko bang batuhin ng tinapay yung Tanny? Tss.

"May kamay ka naman Kate, simpleng pag hahanda lang ng pag kain mo iaasa mo pa sa iba." biglang sabi nung Tanny kaya napatigil ako, ganun din naman si manang at Kate, umalis na rin sya'ng bigla pagkatapos nya'ng ilagay sa lababo yung pinagkainan nya.

"Uh. Excuse me." biglang sabi ni Kate kaya hinawakan ko sya'ng kaagad sa kamay, napa-kunot nuo nalang ako.

"Kate, we have something important to do." seryosong sabi ko sakanya, nakita ko namang bigla sya'ng napakagat ng labi nya kaya napa iwas ako ng tingin.

"Uh. Give me a minute."

"Kate, we are already late for our appointment with my Dad, magagalit yun." sabi ko kaya lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak ko sa kamay nya.

"Just a minute Yssa, I'll just talk to her."

"Kate, mamaya mo na lang sya suyuin para isahan nalang, kung susuyuin mo sya ngayon magagalit lang ulit sya pag nag paalam kang aalis ka ulit."

"I'll just-"

"Kate, my Dad is waiting for us." serysosong sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang sya kaya hinila ko na sya palabas ng pintuan pabalik ng kotse.

"Uh. Saglit, I forgot my purse." saad ko saka ko sya iniwan sa loob ng kotse, pagbalik ko ng kusina nandun si manang na nag liligpit ng pinag kainan nila.

"Tell her that Kate we'll be late." saad ko sa kanya saka kinuha yung purse at tumalikod.
Napa ngisi nalang ako sa isiping mag-aaway sila mamaya panigurado.

---------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon