00-08

1.4K 41 5
                                    

"Sabrina, kumalas ka naman na. Nahihirapan ako," pamaktol kong saad saka sya kunot nuong tinignan. Maaga ang naging uwian namin dahil final exam lang naman, nagkataon din na natapos ko ng kaagad 'yung exam ko kaya nakalabas ako agad ng kwarto. Tila tuloy ako may hinihilang sako habang naglalakad ngayon sa hallway dahil kay Sabrina.

"Sorry na kasi, Tania," pagmamakaawa nya na sinundan pa niya ng pagnguso kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"Hindi bagay sa'yo, tigil tigilan mo nga 'yan. Ang sura mong tignan diyan."

"Sige na naman, patawarin mo na ako. Nabadtrip lang talaga ako sa'yo that time," pangungumbinsi niya pero hindi nalang ako sumagot saka nagpatuloy ng lakad pero nakayapos pa rin sya sa braso ko. Nahihirapan akong maglakad dahil hindi kami sabay ng hakbang.

"Pero hindi mo naman kasi kailangang gawin 'yun, nagtatanong lang naman ako, aa?"

"Nang-aasar ka nun, hindi lang basta tanong 'yun."

"Ang defensive mo kasi nun, pwede mo namang sagutin lang ako-"

"Sumagot naman na 'ko, aah? Kaso nagtanong kang ulit tapos nang-aasar ka pa," nakangusong sagot niya kaya napasalubong na naman tuloy 'yung kilay ko saka ko sya inirapan.

"Uuwi na 'ko, hindi ka pa ba bibitaw?"

"Sasama ako sa'yo hanggang hindi mo ako pinatatawad," desididong saad nya kaya napahinto ako sa paglalakad saka sya hinarap.

"Akala ko ba kasi ayaw mo ng mga ganon?" seryosong tanong ko sa kaniya. Narinig ko namang nagbuntong hininga lang sya saka pamaktol na umirap.

"Kasi nga, akala ko-"

"Sabrina, trailers pa lang nun kita na agad na-"

"Pero hindi naman kasi 'yun 'yung trip ko dun, tinuloy tuloy ko sya kasi ang ganda nung flow at meaning nung story nya-"

"Kaya ba pinanuod mo 'yung buong sex scene habang andun ako?" diretsong tanong ko sa kaniya saka ko siya tinaasan ng kilay habang tinitigan. Umiwas lang sya ng tingin saka padabog na ipinadyak 'yung mga paa nya.

"Kasi nga, nainis ako sa'yo nun kaya naman ininis din kita. Kanina ko pa sinas-"

"Uwi na 'ko."

"Tania, namaaaaaaaaan!" Hinabol nya rin naman kagad ako nung tumalikod na ako para maglakad palayo saka niya ako niyakap mula sa likod. "Sorry na," bulong nya mula sa likod ko. Maya maya pa naramdaman kong tila nabasa 'yung balikat ko kaya napaharap akong kaagad sa kanya.

"Bakit ka naiyak, ayy? Ikaw 'tong may kasalanan tapos ikaw 'yung umiiyak?" alalang tanong ko pero hindi sya sumagot saka niya ako hinila palapit para yakapin ng mahigpit.

"Sorry na kasi, kausapin mo na ako."

"Kinakausap naman kita, ha?"

"Pero napipilitan ka lang naman. Sorry na, Tanny..."

"Oo na, tumahan ka na," pagsuko ko. Kahinaan ko kasi talaga ang bagay na 'yun, pinaka ayoko 'yung nakakakita ng taong umiiyak sa harapan ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko silang patatahanin. Naramdaman ko namang humigpit lalo 'yung yakap nya saka pa ako sinisinghot.

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon