00-50

763 21 1
                                    

"Ate?"

"Oh?" saad ko ng hindi sya tinitignan dahil nag papalit ako ng sapin ng unan sa sofa.

"Malinis kamay mo?" seryosong tanong nya kaya napatingin din naman ako sa mga kamay ko saka sya tinignan.

"Oo bakit?" kunot nuo kong sagot sa kanya dahil sa pagtataka.

"Pakamot ako ng pwet ate." saad nya ng nakasimangot kaya lalo lang tuloy akong napakunot nuo, binato ko sya'ng kaagad dahil sa inis.

"Ang aga aga ha, nang iinis ka na naman."

"Bakiiiiiit? Nagtatanong ako ng maayos." saad nya'ng ulit ng nakanguso pa kaya inambahan ko sya'ng kaagad ng bato kaya lang dumating si mama.

"Sige Tania, mag harot ka na naman. Kaka ayos lang ng pakiramdam mo naghaharot ka na naman." saad nya habang tinatanggalan ng sirang dahon yung bulaklak sa may gilid ng salamin.

"Si Tiffany kase mama ayy."

"Ano na namang ginawa kooooo? Nagtatanong ako ng maayos aa." inosente nya'ng tanong kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin.

"Kamusta puson mo?" tanong sa'kin ni mama ng hindi tumitingin dahil naggugupit sya ng halaman.

"Maayos naman po, nanakit pa rin pero dinaman na po sobra." saad ko kay mama saka tinuloy yung pagpapalit ng sapin.

"Wag mo pang inumin ang gamot mo, ano?" saad nya'ng muli, hindi nalang ako naka sagot dahil wala naman akong idadahilan, hindi pwedeng nakakalimutan dahil papaltukan lang ako ni mama panigurado. Sabado ngayon at wala akong pasok kaya tamang tulong nalang kay mama mag linis, ayaw ko namang magkulong muna sa kwarto.
Wala pa rin kase si Kate hanggang ngayon...

"Tiffany nalagyan mo na ba ng tubig yung ref?"

"Opooooo."

"Yung yelo?"

"Tapos na rin po." saad nya'ng muli, hindi sya maistorbo dun sa tapat ng laptop nya, hindi ko alam anong pinanunuod nya. Napalingon naman kaming lahat nung biglang mag bukas yung pintuan, pansamantala kaming nag titigan bago ako tuluyang umiwas.

"Oh Kate hija, bakit ngayon ka lang? San ka nanggaling?"

"I-I'm sorry po..." narinig kong saad nya, pinili kong hindi sya tignan kaya tinapos ko na yung huling unan saka tumayo. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na bigla sya'ng tumakbo palapit sa'kin kaya napahinto akong pansamantala.

"L-Love..." saad nya saka biglang lumuhod kaya ganun nalang yung pagkataranta ko.

"T-Tumayo ka dyan Kate, ano ba." saad ko sa kanya habang pilit sya'ng itinatayo, kita ko na din kaseng nakatingin sa'min ang mama at kapatid ko.

"Love I'm sorry... I'm really really sorry." saad nya na nasundan na ng mga hikbi kaya napaiwas nalang ako ng tingin.

"W-Wala ka bang pasok? Akala ko didiretso ka na." saad ko na sinabayan ng pag crack ng boses ko kaya napakagat nalang ako ng labi.

"Love. Let me explain please, I'm really sorry." muling saad nya sa pagitan ng mga hikbi nya. Nakayakap na sya halos sa mga hita ko habang nakaluhod, hindi ko yun maatim kaya pilit ko sya'ng pinatatayo pero ayaw nya.

"K-Kate tumayo ka dyan ano ba." saad ko, nakita ko namang iniligpit ng kapatid ko ang gamit nya saka tumayo para pumunta ng kwarto nya habang si mama ay nanatiling naka tayo duon.

"Kate ano ba, tumayo ka dyan." muling saad ko pero hagulgol lang yung isinukli nya.

"Kate tumayo ka dyan, umakyat kayo sa kwarto nyo nu Tania." saad ni mama na nag palamig sa'kin, nakagat ko na lang yung labi ko sa hiya. Tumayo din namang kaagad si Kate kaya nag lakad na ako paakyat ng kwarto, sinundan din naman nya ako. Umupo akong kaagad sa kama ko nung makapasok kami, isinara naman nya yung pinto at saka lumapit sa'kin. Gaya ng kanina lumuhod sya'ng ulit sa harapan ko.

"Kate, tigilan mo kakaluhod tumayo ka dyan-" muli lang nya akong niyakap saka sya humagulgol.

"I'm really sorry Tanny, I'm sorry." saad nya sa pagitan ng mga hikbi nya, ramdam ko na rin ang mga luha nya sa hita ko. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya kahit pa na sya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay kagabi.

"Kate... B-Baka mas mabuti kung babalik ka na lang ng Thailand." saad ko na ikinahigpit ng yakap nya kaya ganun nalang din ang pag buhos ng luha ko.

"No- no Tanny, please... I've already called my Mom, I told her that I can't stay in Yssabell company anymore. Tanny please... I'll look for another job, I promise. I will permanently stay away from her." saad nya sa pagitan ng mga hikbi nya, halos hikbi na nga lang ang narinig ko dun. Napaiwas nalang ako ng tingin habang tuloy lang sa pag agos yung hindi mapigil kong luha. Naramdaman ko naman ang pag higpit ng yakap ni Kate sa'kin.

"Tanny..."

"A-Anong nangyare Kate..." tanong ko kahit pa na alam kong masasaktan lang ako sa sagot nya, pansamantala nya akong tinitignan bago nya isinubsob yung mukha nya sa hita ko.

"Tanny... I'm sorry..." saad nya na ikinalamig ng katawan ko.

"Makikinig ako..." matapang na saad ko, kahit pa na may kung anong kumirot sa puso ko.

"I got drunk Tanny... I'm really sorry..." saad nya na nasundan ng pag palahaw nya.

"S-Sabi ko naman sayo, 'di ba? Kung gusto mong uninom pwede mo naman akong ayain eeh. Hindi yung kung kani-kanino ka-"

"Tanny ... I can't refuse her Dad's offer.. i-it was a celebration for the successful advertisement..." saad nya na nakatingin sa nga mata ko, kitang kita ko yung lungkot ng mga yun.

"Ba't hindi ka nag sabi sa'kin?"

"I didn't know that it would be that night, Love... I refuse to tell you because I have no intention in attending that celebration but her father keep on insisting... He even called my father for an approval- Tanny... I'm telling you the truth..."

"M-May nangyare sa inyo ni Yssabell?" saad ko habang nagtatama yung nga mata namin, batid kong masasaktan ako sa magiging sagot nya pero gusto ko pa ring malaman.

"I d-don't kn-"

"Hindi pwedeng hindi mo alam Kate, nalalasing din ako, alam ko yung pakiramdam ng lasing. At alam kong hindi yun nakakalimutan paggising- oo siguro, pag lasing nawawalan ng control pero pag gising? Alam kong naalala yun lahat Kate." saad ko sa kanya, ramdam ko ang pag agos ng mga luha ko, ganun din sa ng mga luha nyang pumapatak sa hita ko.

"Tanny... I am honestly telling you... I can't remember anything... I promise... I woke up naked.. w-we are naked..." saad nya na halos pabulong na, hindi ko tuloy napigilang sampalin sya, hindi naman sya nag reklamo, umiyak lang sya.

"F-Fuck you Kate..." saad ko ng hindi makapaniwala, nag mistulang ilog yung mata ko dahil sa lakas nang agos ng luha ko. Naramdaman ko naman ang pag higpit ng yakap nya kasabay ng pag hagulgol nya.

"A-Alam mo ba anong nangyare sa'kin kagabi ha? Kate... Inatake ako ng sakit ko kahapon... Hinintay kita kagabi kahit na napaka sama na ng pakiramdam ko... Sabay sesendan lang ako ni Yssabell ng ganun? Alam mo bang... Nawalan ako ng malay kagabi? Habang ikaw..." saad ko na hindi na halos masambit yung salitang kasunod dahil tila pinupunit yung puso ko.

"I-I'm really sorry Tania. I'm sorry..."

"K-Kate, hindi ba ako masarap sa kama ha? Hindi ba kita nasasatisfied-"

"Love- it's not like that! What's on your mind?!" saad nya na tila nagpapanic sya. "I didn't mean what happen... I am unconscious that time Tanny... I didn't want what happen... Tanny..." saad nya habang nagmamakaawa, kinuha nya yung mga kamay ko saka yun ikinulong sa mga palad nya.

"Love, I'm really really sorry..."

"Mahal mo ba ako?"

"I do- of course, I do love you so much Tania... Believe me ..."

"Eh bakit mo ko palaging sinasaktan Kate..." saad ko na halos pabulong na, may kung anong sumasakit sa dibdib ko.

"Love..."

"I'm sorry..." saad nya na nasundan ng pagpalahaw ng iyak nya

---------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon