00-23

976 31 0
                                    

"Tanny, face me," bulong niya kaya idinilat kong pansamatala 'yung mga mata ko saka mariing humarap sa kanya. Inilayo ko rin naman ng bahagya 'yung sarili ko dahil naaligaga ako sa sobrang lapit nya. "I will miss you," mahinang saad nya habang diretsong nakatingin sa akin. Amoy na amoy ko 'yung hininga nya dahil sa sobrang lapit niya, ang bango. Ibinaling ko nalang sa ibang direksyon 'yung atensyon ko dahil hindi ko alam kung anong ire-react ko.

"Babalik ka pa ba rito?" seryosong tanong ko saka muling tumingin sa gawi niya. Nanlambot naman din akong kaagad nung magtama 'yung mga mata namin.

Bakit ako laging nanghihina pagdating sayo.

"Do you want me to go back?" seryosong tanong nya. Tinitigan lang din nya ako na tila ba nag-aabang ng magiging sagot ko. Pero lumipas lang 'yung minuto na wala akong naisagot, nginitian lang nya ako saka marahang pinitik 'yung ilong ko. "If you want me to come back, I will," saad nya saka marahang hinawakan 'yung pisngi ko. Ramdam na ramdam ko tuloy 'yung pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko nung haplusin nya 'yun, tila may kung anong naglakbay na kuryente sa buong katawa ko.

"Kate," bulong ko para matawag ang atensyon niya. Tinignan lang naman nya ako saka pa inangat angatan ng kilay bago ngumiti. Tinititigan ko lang sya ng mga ilang segundo para likumin 'yung lakas. "Uh. Anong nararamdaman mo para-"

"I like you, Tania. I do really like you," mariing saad nya habang diretso niya akong tinititigan sa mata. Napakaseryoso ng mukha nya kaya napakagat labi nalang ako sa dismaya, iba kasi sana 'yung tutukuyin ko. Pero kahit na ganun, nagulat pa rin ako sa naging sagot nya.

"Lilipas din yan, kapag nakabalik ka na ng Thailand. Marami kang makikilalang bago tao, mawawala rin 'yang nararamdaman na sinasa-" Ganun na lang ang pagkagulat ko nang maramdaman kong nakalapat na sa labi ko 'yung labi niya. Sabi ko na nga ba, alam ko na talaga kung ano ang sunod na mangyayari sa mga ganitong klase ng pagkakataon. Tinignan ko na lang siya sa mata kahit pa na nakapikit siya habang nakadikit pa rin sa labi ko ang labi nya. Napakalambot nun, parang gusto ko tuloy'ng mas matikman pa 'yun. Bahagya sya'ng lumayo matapos ang ilang segundo saka niya ako tinignan, tingin na lang din 'yung naging sukli ko. Hindi ko kasi alam kung gusto ko ba sya'ng itulak dahil sa ginawa niya kaya tuloy nanatili lang siyang nasa tapat ko.

"Kate, ayokong maging isa sa dahilan kung bakit aayawan mong ulit ang Pilipinas-" Agad niya akong pinatigil sa pamamagitan ng halik saka nya dahan dahang ipinatong 'yung sarili nya sa'kin. Itinulak ko rin naman sya'ng bahagya dahil na rin sa hindi ako sanay na nasa ilalim ako. Pero hindi ko maiwasang manghina sa bawat halik nya, nalalasahan ko na din kasi 'yung lipgloss na ginagamit nya. Huminto rin naman sya saka pinatong 'yung nuo nya sa nuo ko nung matanto nya'ng hindi ako gumaganti ng halik. Mariin nya'ng kinagat 'yung labi nya saka nya ako tinitigan, kita ko sa mga mata nya 'yung inis pati na rin yung sakit.

"Tanny... that girl you talked on the phone earlier? Who is she? Does she... have space on your heart?" mahinang bulong niya na talagang sapat lang para marinig naming dalawa. Hindi ko inaasahan na tatanungin nya ang bagay na 'yun, pilit kong hinuhuli 'yung mga tingin nya'ng hindi na mapakali.
Paano kong sasagutin 'yung tanong na ako mismo hindi ko alam 'yung sagot?
"What about me... D-Do I also have a space in your heart?" muli niyang tanong saka niya ipinirmi sa akin 'yung mga mata niya. Sa wakas, nagtama rin 'yung mga mata namin. Para namang may pumunit sa puso ko nung makita ko sa mata nya kung gaano sya'ng nasasaktan. Lalo lang akong nasaktan nung maramdamang kong pumatak 'yung luha nya sa pisngi ko.

"Fuck it," saad nya saka isiniksik 'yung sarili nya sa leeg ko. Dinig na dinig ko 'yung hagulgol niya, ramdam na ramdam ko rin 'yung mga luha nya sa leeg ko. Bakit ako nasasaktan? Ni hindi ko nga namalayan na may mga luha na rin palang kumakawala sa mga mata ko.

Parang tanga, dati lang tinititigan lang kita sa computer at cellphone. Ini-imagine na isang araw, mag kakaroon din ako ng pagkakataon na makita ka. Ngayong nandito ka naman na, luha lang pala ang makukuha mo sa'kin.

"Paano kong sasagutin 'yung tanong na ako mismo hindi ko alam yung sagot," saad ko saka ko sya marahang niyakap. Nainis pa 'ko nung may hikbing sumama nung mag salita ako kaya agad akong napakagat ng labi. Nakakainis, tila ako bata. Kagat labi nya'ng inangat 'yung ulo nya saka nya ulit ako tinitigan, nakaka inis tignan 'yung mata nyang may luha na ako ang dahilan.

"So, she do really have a space-"

"I don't know-"

"You doooo!" diin nya kaya napatingin nalang ako sa kanya. Marahas naman nya'ng pinunasan 'yung mga pisngi nya na basang basa na ng luha saka naupo sa may ibabaw ko. May kabigatan siya siguro dahil na rin sa matangkad siya pero tila balewala 'yun dahil hindi ko nagawang magreklamo. "Because there's only two answer but you can't choose! It's because you know to your self that she does-"

"Sabi nga'ng hindi ko alam!" sagot ko na nasabayan pa ng hikbi. Agad rin naman akong nainis dahil nag-uunahan na 'yung mga luha ko kahit na anong pigil ko. "Hindi ko talaga alam dahil naguguluhan ako, Kate. Okay? Kaya wag mong ipagpilitan na alam ko, dahil hindi! " dugtong ko habang humahagulgol. Naramdaman ko rin namang kinuyom nya 'yung mga palad nya sa sapin saka nya muling kinuha 'yung mga kamay ko para ilagay 'yun sa may ulunan ko. Kasunod nun ay isang mariing halik na akala mo ay ayun na ang huli.

"What makes you confused?" saad nya matapos nya'ng huminto. Kinuha ko rin naman 'yung mga kamay ko na hawak nya saka 'yun ipinantakip sa mga mata ko. Nagbabakasakaling mapipigilan nun 'yung mga luhang kumakawala sa mga mata ko. "How about me? Do I also has a space in your heart?" dugtong pa nya na lalong nagpasikip sa dibdib ko.

"Pwede bang huwag nalang nating pag usapan to-" Mariing halik na naman 'yung naging sagot nya na naging dahilan ng pagtahimik ko. Makailang halik pa 'yung ibinato nya bago ako tuluyang sumuko. Ipinatong ko 'yung nga kamay ko sa batok nya saka mariing gumanti sa bawat halik nya. Mas lalo pang lumalim 'yung mga halik nya habang naglalakbay 'yung nga kamay nya. Napabuga nalang ako ng hangin nung maramdaman kong kinagat nya 'yung ibabang labi ko. Kinuha nya'ng pagkakataon 'yun para ipasok 'yung malikot nya'ng dila sa bibig ko. Tila nasa isang gyera 'yung dila naming dalawa, animo'y magkaaway na nag-eespadahan. Ganun nalang 'yung panghihina ko nung maramdaman kong nilalaro niya 'yung mainit nya'ng palad sa dibdib ko.

-------------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon