00-19

1K 34 1
                                    

Makailang ulit akong bumuntong hininga habang sinusulyap sulyapan ko 'yung selpon ko para lang tignan kung nandun pa rin ba siya. Hindi na kasi siya nagsasalitang ulit matapos naming magkamustahan. Ito pa lang kasi talaga ang unang beses na nagkaroon kami ng ganito pagtatalo kaya hindi ko talaga alam kung paano ko 'tong aayusin. Hindi rin naman 'to maayos kung ako lang ang may gusto, hindi ba?

(Ano kasi, eeh. May mga ginagawa ako ngayon, ano ba 'yun?) kalmadong tanong niya kaya tuloy napatulala na lang ako sa kisame dahil tila hindi niya talaga alam kung ano 'yung gusto kong itanong. Sinubukan ko lang naman talagang tawagan sya, hindi ko naman alam na sasagutin nyang kaagad 'yun. Nanatili nalang akong tahimik dahil pilit kong binubuo 'yung mga bagay na puwede kong sabihin. Hindi ko kasi alam kung saan ko ba sisimulan lalo na't hindi lang isang problema ang mayroon kami. Parehas ko sanang gustong buksan 'yun sa kaniya, parehas kong gustong marinig ang panig niya. Umaasa pa rin kasi ako na may mabuti siyang dahilan kaya kami nauwi rito, kaya niya nagawa 'yun. (Ibababa ko nalang kung wala ka naman palang sasab-)

"Ayaw mo pa rin ba akong kausapin?" pagputol ko sa kaniya para lang hindi niya 'yun ibaba. Hindi naman din sya nagsalita pero alam kong nasa kabilang linya pa rin sya. "Bakit ka ganyan, ay? Hindi mo man lang ba ako namimiss? Ayaw mo na akong singhutin-"

(Tania.)

"Ano?" inosenteng saad ko. Buti nalang nga at hindi niya ako nakikita, alam ko kasing bakas sa mukha ko ang kabaligtaran ng tono ng boses ko. "Ako na nga ang nag-first move, oh. Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?" dugtong kong saad na pilit pinagagaan 'yung usapan. Gusto ko lang naman na mapag-usapan na namin ang lahat para sana maayos na namin, pero bakit ganon? Iwas na iwas pa rin sya.

(May gagawin pa ako, pasen-)

"Saglit lang," agad kong tawag sa atensyon niya. Napabuntong hininga na lang ako nung marinig kong hindi niya 'yun pinatay. "Naiistorbo na ba talaga kita?" dugtong ko pero tanging buntong hininga lang ang narinig ko. Nag-intay pa ako ng mga ilang segundo para sana sa sagot niya dahil baka kasi bumubwelo lang siya. Napabuntong hininga na lang din ako nung wala na talaga akong narinig mula sa kaniya. "Sabrina, bakit ka nag sinungaling sa akin?"

(Ako?) inosenteng tanong niya kaya pansamantala akong napatahimik. Pinag-iisipan ko rin kasi kung tama bang itanong ko na 'yung mga bagay na gumugulo sa isip ko. Oh baka kasi mas mabuti kung sa personal ko nalang siya tanungin.

"Nevermind, I'm sorry," saad ko saka ibinabang kaagad 'yung tawag. Makailang ulit nya pa akong sinubukang tawagan ulit pero wala ni isa ruon ang sinagot ko. Hindi nyo alam kung gaano kahirap para sa akin na balewalain 'yun lalo pa't may mga bagay akong gustong malaman.

Pansamantala ko na munang binlock 'yung number nya ganun na rin 'yung mga account niya sa mga Social media kung saan puwede niya akong tawagan. Hindi siguro ito 'yung tamang oras para pag-usapan namin 'yun, tila kasi hindi rin ako handa sa mga bagay na puwede kong marinig. Hindi ko namalayan na kanya kanya na palang kumakawala 'yung mga luha ko na nasundan na ng mga hikbi. Parang video clip kasi na nagpi-play sa utak ko 'yung mga alaala namin ni Sab, 'yung mga araw na naiinis sya sa'kin sa tuwing may ipakikilala ako sa kaniyang babae.

Pati na rin 'yung mga araw kung paano sya'ng magtampo, kung paano nya akong suyuin sa tuwing magkakamali siya. Kabaliktaran na kasi ang lahat sa kung ano ang meron kami ngayon, bakit ganon? Nakakaya na nya'ng hindi ako maka-usap... Nakakaya na nya akong hindi pansinin. Parang dati lang, palagi nya akong hinahabol para lang mapag-usapan namin kung ano ang problema ng isa't isa. Tapos ngayon, ako na 'yung humahabol sa kaniya. Tangina naman 'yan. Napatakip nalang ako ng bibig ko nung mapansin kong unti unti ng lumalakas ang bawat hikbi ko. Marahan kong pinunasan 'yung mga luha ko sa pisngi kahit pa na hindi humihinto ang hikbi ko.

Sab? Bakit ngayon ka pa nagbago kung kailan... Kung kailan humakbang na ako palapit sa'yo...

Ganun na lang kabilis na lumipas 'yung oras pero 'yung luha ko, kasing dami pa rin ng unang buhos nya. Hindi ko man lang nga namalayan na unti unti na palang nagpi-play sa visual ko ang bawat ngiti ni Kate, pati na rin kung paano nya'ng ipinagtapat sa akin 'yung bagay na 'yun. Kung paano sya'ng umiyak dahil sa isang tao.

Bakit ba ako umiiyak? Dahil ba sa nalaman ko? Oh dahil sa nakikita ko?
Pero paano kung... Ako lang pala 'yung nag iisip ng ganun sa pagitan namin ni Sab? Paano kung ... Iba talaga ang tingin nya sa kung ano ang meron kami?
Put@ngin@ naman.

"Tania." Napabangon akong bigla nung marinig ko ang boses na 'yun. Napatitig na lang ako sa pintuan ko dahil nakita ko ruon si Papa na naglalakad papasok kaya ganun nalang 'yung kaba ko. Agad kong pinunasan 'yung mga luha ko para sana itago 'yun pero bumuhos lang 'yun lalo nung niyakap nya ako.

"Huli ka na, nakita at narinig ko na," mahinang saad niya habang hinahapolos ang likod ko. Hindi ko na tuloy napigilan pang mapahagulgol. Tila ako batang iniwanan ng magulang sa gitna ng daan.

"Papa," sambit ko sa gitna ng mga hikbi ko. Hindi ko naman narinig na nagsalita pa si Papa kaya nanatili na lang akong tahimik. Hinawi hawi lang nya 'yung buhok ko kaya lalo lang tuloy akong napa hagulgol.

"Tahan na," saway niya sa akin saka pa ako niyakap. Napailing iling nalang ako saka ko muling isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng kirot sa dibdib ko, tila 'yun hinihiwa ng kutsilyo. Lalo pa tuloy akong napahikbi nung marinig ko ang pagbuntong hininga ni Papa. Naalala ko kasing bigla ang sinabi niya sa akin bago kami magkita ni Kate. Pinaalala niya sa akin na hanggat maari raw sana ay hindi niya ako makikitang umiiyak dahil lang sa kanila. Pero heto ako ngayon, hindi na magkandamayaw sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Pasensya na po, Papa..."

--------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon