00-18

1K 32 4
                                    

"Ate!" Napalingon naman akong kaagad saka ko siya bahagyang tinitigan. Kita ko mula sa higaan ko 'yung kapatid kong tumatakbo palapit sa akin, ang lawak ng ngiti nya na akala mo e' nanalo siya sa lotto.
Ano na naman kaya ang problema nito?

"Dali! Kwentuhan mo ako ng nangyari sa inyo, saan kayo nagpunta? Kamusta sya? Ayos b-" Halata mo kung gaano nya kagustong pag-usapan 'yung nangyari sa amin ni Kate pero nilagay kong kaagad 'yung hintuturo ko sa bibig nya kaya para patahimikin siya. Napakunot-nuo naman tuloy sya kaya malamlam na ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya pero mukha namang naintindihan nya na yun.

"Hala.. bakit? Anong nangyare? May naging problema ba?" pag-aalala niya na sinabayan pa niya ng paghawak sa mga kamay ko.

"Iwan mo muna ako, Tef. Pakisabi na rin kina Papa na kumain na ako, ha? Mamaya ka na lang pumasok dito," saad ko saka ko bahagyang ginulo 'yung buhok nya. Medyo matagal din nya akong tinititigan bago siya tuluyang tumayo kaya nginitian ko na lang sya.

"Sige... Sa kwarto nalang muna ako ni Shane matutulog... " pagpayag niya kaya tango nalang 'yung isinagot ko. Nung masiguro kong nakaalis na sya ng kwarto ko, saka ko mabigat na ibinagsak 'yung sarili ko sa higaan. Unti unti ko na naman tuloy naalala lahat kaya napakagat-labi nalang ako saka ko ipinangtakip sa mata ko 'yung kanang braso ko. Napadiin pang lalo 'yung pagkakakagat ko ng labi nung marinig kong kumawala 'yung hikbi ko.

Paano kaya nangyare 'yun? Bakit ganun...

~~~~~~~~~~~~~~

"Are you okay?" pang-uusisa nya'ng tanong pero tingin lang 'yung naging sagot ko. Hindi ko napansing kaagad na may luha na palang tumulo sa mga pisngi ko. Agad ko rin namang binaling 'yung tingin ko sa iba para mapunasan 'yung tangang luha na biglang tumulo sa pisngi ko. "Hey? What's the matter?" tanong nya'ng ulit saka agad na lumapit sa'kin. Tumayo na rin naman ako saka ko dahan-dahang inabot sa kanya 'yung litrato na napulot ko saka bahagyang umubo.

"Uh. Yung babaeng kasama mo jan?" turo ko. Nakita ko namang tinignan nya'ng kaagad 'yun, mga ilang segundo rin 'yung lumilas bago sya nagdesisyong umiwas ng tingin. "Kaano-ano mo? " dugtong ko saka yumuko. Ayoko na sanang marinig pero may parte sa isip ko na gusto 'yung malaman.

"Why? " mahinang tanong nya bago niya inilapag 'yung bitbit niya saka lumapit sa'kin para kunin 'yung hawak kong libro. Ibinigay ko rin naman 'yun ng hindi inaalis sa kanya 'yung tingin ko.

Bakit ganyan 'yung mga mata mo, Kate?

"Uh. Wala naman, na-curious lang," saad ko saka muling umiwas. Ayun naman kasi 'yung totoo, gusto ko lang talagang malaman kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa. Muli nya'ng inipit dun sa libro 'yung litrato saka 'yun ibinalik sa libruhan niya.

"Just... no one. " mahina niyang saad saka tuluyang tumalikod sa akin.

"Kate..."

"Uh, I mean it. She's just... Just part of the past," mariin nya'ng sagot. Halata mo sa boses niyang ayaw nya'ng pag usapan 'yun, lalo lang tuloy akong nacucurious.

"Saan mo sya nakilala? " pangungulit ko pero tinignan lang nya ako saka rin umiwas. Pagkatapos e' kinuha niya 'yung dala nya'ng pagkain kanina saka nagtungo sa sofa para umupo.

"Why do you want to know?" tanong niya ng hindi ako tinitignan. Tinitigan ko lang 'yung likod niya ng mga ilang segundo saka nagbuntong hininga.

"Uh. N-Nevermind. I'm sorry-"

"I met her here in the Philippines." Napatingin naman ako sa kanya sa bigla nya'ng pag-ungkat nun. Ramdam ko na rin na nanlalamig na 'yung mga palad ko, sensyales na sobra na akong kinakabahan.

Gusto ko ba talagang marinig?

"Two years ago, I met her. That year was the... it was the last vacation I had... here in the Philippines," mahina niyang saad. Umayos lang sya ng upo habang nakatalikod pa rin sa akin saka tumalumbaba sa may bintana. Nanatili lang akong nakatayo sa may hindi kalayuan sa kaniya. "That Vacation was the only long vacation that I had, I stayed here for almost a month," saad nya saka muling bumuntong hininga. Hinawi nya pa 'yung buhok nya saka sumandal.

Hindi ko na sana pa gustong ungkatin ang bagay na 'yun, lalo na't nakikinita kong masiyadong malalim 'yun. Pakiramdam ko ay matagal na niyang ibinaon 'yun pero inungkat ko na naman.

"Her Mom was my Mom's friend. That time, it was my Mom's birthday and... it happened that she's with her mother. We just talk that day since she's my Mom friend's daughter. Then the next day, she send me a DM. Then... We go out often after that day." Tahimik akong naglakad palapit sa kanya habang taimtim na nakikinig saka umupo sa study table na malapit lang sa kanya. Ayokong maantala sya, gusto kong marinig ng mabuti pero pakiramdam ko e' hindi ko na kayang pakinggan pa. Nasasaktan lang kasi ako, pero saang part ba? Para kanino?

"Then, I don't know how, it just happened so quickly. One week before my flight to Thailand, I confessed my feelings to her. She didn't refuse, or say something differently-she just accepted it. Then, that thing we had turn into a relationship," mahinang saad nya. Napapikit nalang ako ng mariin saka napakagat-labi, napaiwas nalang din ako ng tingin nung maramdaman ko 'yung mga luha kong nag-uunahan sa pisngi ko. Mabuti nalang nga at hindi sya tumitingin sa'kin, hindi nya ako mapapansin. "Everything was fine at first, I don't know what happened. It was our Christmas break, I decided to spend my Christmas with her here in the Philippines but she refused to agree. She told me that I should celebrate it on my country since my family was there." Napatingin ako sa kanya nung mapansin kong nag-crack bigla 'yung boses nya saka nya mariing hinawi 'yung buhok nya. Gusto ko sana sya'ng lapitan para sana yakapin, pero ano ang sasabihin ko?

"I just ignored it and decided to continue my flight but then, I found out that she already had a boyfriend." Ganun nalang ang gulat ko sa narinig kong 'yun kaya napatitig nalang ako sa kaniya. Hindi ko kasi inaasahan na maririnig ko 'yun. "I don't get it, I mean-how could she had a boyfriend if we both agree to enter that relationship? All along... I thought we are into relationship but-" Nagulat ako sa biglang lingon nya kaya hindi ko na nagawang umiwas pa.

Nakita nya tuloy 'yung mga mata kong may umaagos na luha.

---------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon