00-28

968 30 1
                                    

(Send me a message when you got home.) Tinitigan ko lang ng ilang minuto 'yung mensahe nya saka pinunasan 'yung luhang nag-aagusan sa pisngi ko. Naihatid na kasi namin si Kate sa airport habang ako, ibinilin nya na sa driver nila na ihatid ako sa'min.

Kailan kaya kami magkikita ulit?...

(Have a safe trip, thank you for meeting you...) Ayun nalang 'yung naging sagot ko saka pansamantalang itinago 'yung selpon ko. Napatakip nalang ako ng mukha dahil nakakahiya kay kuya, nakikita nya kasi ako sa salamin na umiiyak.

"Huwag po kayong mag-aalala Ma'am, babalik din panigurado 'yun si Ma'am Kate. Ganun naman po iyon, kapag gusto nya, gagawin nya'ng talaga. Babalikan ka po nun panigurado," malumanay nya'ng saad na ikinangiti ko, heto lang kasi 'yung kauna-unahang pagkakataon na kinausap nya ako.

"Opo, salamat po. Pasensya na po kayo," saad ko saka sya nginitian, nginitian lang din nya akong kaagad. Ang bilis lang ng naging byahe namin dahil nakarating kaming kaagad sa bahay namin. "Mag iingat po kayo, kuya," saad ko saka kumaway. Umalis na rin naman sya kaya pumasok na rin akong kaagad saka nagsara ng pintuan dahil mag-isa na lang ako ngayong gabi. Pinatay ko na lang din lahat ng ilaw maliban sa kwarto ko. Napahinga nalang ako ng malalim dahil unti unti ko ng naaalala 'yung kakulitan dito ni Kate, pati na rin kung paano kaming mag-away.

"Ang daya, bakit saglit lang," saad ko sa sarili ko saka humiga. Ramdam ko 'yung bigat sa dibdib ko dahil sa lungkot.

(Nakauwe na'ko, mag-iingat ka.) Pinilit kong maisend 'yun sa kanya kahit pa na nag-uunahan na 'yung luha ko dahil sa lungkot.

Kamusta na kaya si Sab...

Nabaling 'yung tingin ko sa may study table ko nung maaalala kong wala na dun 'yung portrait niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa kanya na 'yun. Napansin ko rin namang kaagad na may sticky note na nakadikit sa taas ng head board ng kama ko kaya inabot kong kaagad 'yun.

"I will always love you, don't forget me please. I will come back, I promise. Just wait for me, just don't replace me." Napangiti nalang ako saka 'yun ulit binalik sa pader, dala siguro ng pagod sa byahe e' hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako.

**********

"Kanina pa po kayo?" pupungas pungas kong tanong kay Mama na nag aasikaso sa kusina ng mga dala nilang pagkain. Padala malamang 'yun ni Lola.

"Kadarating lang din, naghahakot pa nga ang Papa mo." Tumango nalang ako saka sya tinulungang mag-ayos, ang ligalig namang pumasok ni Tiffany saka ako nginitian.

"Ate, nanjan pa si ate Kate???"

"Bakit?"

"Anjan paaaa?" masayang ulit nya kaya tinawanan ko na lang sya.

"Wala na, nakaalis na kagabi pa."

"Ay. Sayang, akala ko maabutan pa namin," malungkot nya'ng saad saka umalis. Tinawanan ko na lang sya saka nagpaalam kay Mama na maliligo lang muna.

Bumuntong hinga pa ako saka ko bahagyang tinuyo 'yung buhok ko bago ako lumabas. Napatalon pa ako sa gulat pagbukas ko ng cr dahil nasa tapat ng pintuan nun si Tiffany. Kagat kagat 'yung kuko nya na tila kinakabahan kaya napakunot ako nung nuo.

"Ate, nasa kwarto mo si ate Sab."

"H-Ha???" Tumango tango lang sya sa'kin saka napakagat labi-tila mas kinakabahan pa sya kumpara sa'kin.

"Sabi nga sa kanya ni Mama, sa sala nalang sya mag-intay para sana gagamutin sya ni Mama kaso sabi niya 'wag na raw. Kailangan ka lang daw nya'ng makausap."

"Gamutin? Bakit-"

"Kadami nya'ng sugat, Ate. 'Yung mga kamay nya puro sugat, tapos may sugat din sya sa lab-" Napatakbong kaagad ako paakyat sa kwarto dahil sa kaba, pagbukas ko nakita ko sya'ng nakaupo habang hawak 'yung note na iniwan ni Kate. Malungkot na ngiti lang 'yung binigay nya sa'kin saka nya idinikit ulit sa pader 'yung note. Napabuga nalang ako ng hangin dahil akala ko lulukutin nya na 'yun. Pumasok na din naman akong kaagad saka kinuha 'yung first aid kit malapit sa study table ko.

"A-Anong nangyare sa'yo?" tanong ko saka inabot 'yung kamay nya pero iniwas lang nya 'yun sa'kin kaya napakagat ako ng labi.

"You don't have to, kaya kong gamutin sarili ko," saad nya saka nya ako tinignan ng masama kaya napayuko nalang ako. Bakit ba nahihiya ako? Wala naman akong dapat na ikahiya.

"Akala ko, ako?" tanong nya sa'kin kaya napakunot ako ng nuo. Mga ilang segundo din kaming nagtitigan bago sya bumuntong hininga kasabay ng paghawi niya ng buhok. "T*ngin* naman, Tania. Napaka manhid mo naman," saad nya saka tumayo. Hinawi rin nya'ng ulit ng madiin 'yung buhok nya saka humarap sa'kin. "Pinaramdam ko naman na sayo, ah? Pero bakit 'di mo naramdaman!? Akala ko pa naman-akala ko nung gabing 'yun sa wakas naintindihan mo na lahat!"

"Bakit ka sumisigaw? Nandito ang mga magulang ko, Sab. Ano ba?" sigaw ko na halos pabulong. Lumakas bigla 'yung kabog ng dibdib ko sa takot dahil baka marinig 'yun ni Papa. Ayaw ko namang mapahamak sya... "Akala ko din ayos na tayo nung gabing 'yun, ee. Iniwasan ko pa si Kate nun dahil sayo. Dahil akala ko maaayos natin, pero umiwas ka. Pinilit naman kitang habulin, ah? Pero tinaboy mo 'ko, Sab. Pinaramdam mo sa'kin na mali ako," dugtong ko sa kanya saka sinimulang iligpit 'yung medicine kit.

"Sa dami ng babae, Tania. Bakit si Kate pa!?"

"Bakit alam ko ba? Ha? Hindi naman 'di ba? Dahil wala ka namang ipinaalam sa'kin."

"T*ngin* naman."

"Bakit? Hindi matanggap ng ego mo na 'yung babaeng bigla mong iniwan sa ere ay 'yung babaeng gusto ng gusto mo-" Tila may nagtatakbuhang daga sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nun nung itulak nya ako sa higaan saka sya pumaibabaw. Hindi ko gusto 'yung aura nya... Nakakatakot, parang hindi sya 'yung Sabrina na nakilala ko.

"Oo, Tania! Hindi ko matanggap na 'yung babaeng patago kong minahal ng ilang taon makukuha lang pala ng babaeng dati kong minahal!" saad nya saka diniinan 'yung pagkakahawak sa braso ko. Napa-inda nalang ako dahil hanggang ngayon kasi e' hindi pa humuhupa 'yung pasa na ginawa nya nung nakaraan.

"Fuck you, Tania! Fuck you!"

-------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon