00-26

1K 32 6
                                    

"Why you didn't tell me?" tanong nya sa'kin habang pilit na hinuhuli 'yung mga mata ko. Halos dalawang dipa 'yung layo nya sa'kin dahil sa tuwing hahakbang ako palapit sa kanya, hahakbang din sya'ng palayo sa'kin kaya itinigil ko na lang.

"Pasensya na, aminado naman akong kasalanan ko 'yun. Sasabihin ko naman sana kaso wala akong mahanap na tamang oras..." saad ko saka yumuko dahil sa hiya saka ko pa hinaplos haplos 'yung braso ko. Hanggang ngayon kasi pakiramdam ko ay nakadiin pa rin sa braso ko 'yung mga kuko ni Sabrina.

"Did you also plan it?"

"Ano?!" kunot nuo kong tanong sa kanya saka pa napailing. Hindi ko tuloy naiwasang maglakad palapit sa kanya pero humakbang din sya'ng kaagad patalikod kaya napatigil ako saka pa napahampas sa nuo ko sa sobrang inis. "Kate, hindi ko alam na may koneksyon ka kay Sabrina, ano ba?! Nakilala kita dahil sa social media, ni minsan hindi ko inasahan na-"

"What's your relation with her?" pagputol niya sa akin kaya pansamantala akong napatigil saka tumingin sa malayo. Hindi pa rin kasi ako sigurado kung ano nga ba talaga kami ni Sabrina. "Tania." Napatingin akong bigla sa kanya nung tawagin niya ako sa pangalan na 'yun, parang hindi na kasi ako sanay na tinatawag nya akong ganon. Nasanay na kasi akong Tanny lang ang tawag nya sa'kin...

"H-Hindi ko alam-"

"How come you didn't know?! I've heard it! There's something that happened on both of you! How come you don't know what-"

"Dahil hindi ko talaga alam! And to clear things on you- walang nangyare sa'min totally! Nagalaw ko sya dahil-argh! Hndi mo naman kasi alam 'yung buong istorya! Kate, kung alam ko lang 'yung sagot dyan sa tanong mo, sasagutin ko naman, ee. Kaya lang kasi hindi talaga!" depensa ko sa kanya pero mariin lang nya'ng hinawi 'yung buhok nya saka umiwas ng tingin sa'kin.

"Fuck it!" mariin nya'ng bigkas. Napatalon nalang ako sa gulat nung hawiin nya'ng bigla 'yung pencil vase ko dahilan para magkalat 'yung mga panulat ko sa sahig.

"Kate! Tigilan mo 'yung mga gamit ko, ano ba!?" mariin kong saway sa kanya saka isa isang pinulot 'yung mga lapis ko. Napatayo nalang ako sa gigil nung sunod naman nyang hawiin 'yung mga sketch pad ko na nakaayos ng ligpit sa lamesa. Sa inis ko tuloy ay mariin ko sya'ng naitinulak sa pader saka hinalikan. Nagpumiglas pa sya pero hindi ko alam kung saan nanggaling 'yung lakas ko para hindi niya magawang makaalis doon. Binitawan ko rin naman sya'ng kaagad, napatitig na lang ako sa kaniya dahol kitang kita ko kung paano sya'ng naghahabol ng hangin.

"Kung galit ka sa'kin huwag mong dinadamay 'yung mga gamit ko," saad ko saka sya tinalikuran para damputin 'yung mga gamit kong kinalat niya. "Sabihin mo nga-!? Saan banda ka ba nagagalit, ha!?" Tumayo akong pansamantala para harapin sya saka siya tinapunan ng matalim na tingin. Binato niya rin naman nya ako ng tingin kaya tila tuloy kami nagpapatagisan kung sino ang mas malakas.

"Sa idea ba na hindi ko sinabi sa'yo na magkakilala kami ni Sabrina oh duon sa parte na may nangyare sa'min? Kate, hindi mo sa'kin pwedeng isumbat 'yung part na may nangyari sa'min dahil wala pa namang tayo nung panahon na 'yun-sabihin mo nga? Mahal mo pa rin ba si Sabrina? Ha? Kaya ka ba nagagalit dahil nagalaw ko sya?" seryosong tanong ko sa kanya na ikinagulat ko rin. Kitang kita ko 'yung namumuong inis sa mga mata nya ganun na rin 'yung pagkuyom ng mga kamay nya kaya bahagya akong napaatras sa takot. Hindi ko naman sinasadya 'yung mga nasabi ko, nadala lang rin ako ng galit...

"Fuck you, Tania! FUCK YOU!" mariin nya'ng sigaw sa'kin kaya napakunot nuo nalang ako. N
Bahagya pa akong napatalon sa takot nung magsimula sya'ng magsisigaw sa inis habang hinahampas niya 'yung pader. Dinig na dinig ko rin 'yung pag-crack ng boses nya dahil sa pag iyak. Sobra akong nanghihina kada maririnig ko 'yung mga hikbi nya pati na rin sa tuwing makikita ko 'yung pagpatak ng mga luha nya.

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon