00-17

1K 37 1
                                    

"Ang dami mong libro," manghang saad ko kay Kate habang nag lilibot at tumatanaw sa libruhan nya. Ganito rin sana ang gusto ko, mas malaki nga lang ng di hamak 'yung kanya dahil isang buong kwarto 'yung sakop nya. May sofa pa malapit sa bintana kung saan tanaw mo 'yung labas, napaka vintage tignan ng kwartong 'to, ang ganda. Walang wala sa libruhan ko na nasa pader lang, pero kahit na ganun, proud ako dun dahil lahat 'yun ako ang bumili.

"Uh. Yeah, I bought most of them in Thailand, you can borrow some of them if you want to," saad nya sa'kin ng nakangiti. Nginitian ko na lang din sya, paano kasi e' nakaka-conscious lang na pinagmamasdan nya ako habang tumitingin ng mga libro.
Ano kayang iniisip neto, ay.

"Ayy, hindi na pala ako mag-eenglish, tutal nakakaintindi ka naman na-"

"But-"

"Anong but?"agad kong reklamo habang nakapamewang pa ang mga kamay ko. "Gusto mo pa akong pahirapan? Abah-! Sapat na 'yung mga araw na pinahirapan mo 'ko, ano!" kunot nuo kong saad sa kanya habang naka-angat pa ang isa sa kilay ko.

"Uh. It's not like that, it's just-Tania? Come on, there are words that I didn't know."

"Edi ita-translate ko nalang para sayo, pupwede ka namang magtanong," saad ko saka ko sya pang-asar na nginitian. "Hindi naman kita pag dadamutan sa bagay na 'yun, huwag kang mag alala," dugtong ko pa na medyo natatawa. Nag cross arm lang sya saka ngumuso kaya napaiwas na naman ako.
Bakit ang hilig nyong mag ganyan?

"Hey." Nilingon ko lang sya bilang sagot pero nginitian lang naman nya ako saka nya inilagay sa tainga ko 'yung ibang buhok na nasa mukha ko. "Uh. Nothing, I just noticed that you bloom differently the moment you saw this room," mahinang saad nya kaya natawa nalang ako ng bahagya dahil sa term na ginamit nya saka umayos ng tayo.

"Bloom, huh?" saad ko na medyo natatawa pa. Tinalikuran ko nalang siya saka ako tumungo sa kabilang bahagi ng libruhan niya para makalayo sa kaniya dahil medyo naiilang ako sa pagiging malapit niya. Sumandal lang ako duon saka ko inilagay 'yung mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.

"Mahilig kasi ako sa libro, may mga libro rin naman ako pero hindi ganito karami."

"Really?" excited nya'ng tanong kaya napangiti nalang ako. Ibinaling kong ulit 'yung atensyon ko sa mga libro nya, napahinto na lang ako nung may napansin akong pamilyar na libro. Nilapitan ko lang 'yun saka ko kinuha ng may ngiti sa mukha.

"Unspeakable? Meron din ako neto, eh," saad ko sa kanya na medyo kinikilig pa saka ko iniharap sa kanya 'yung libro.

"Uh yeah, I remembered it. I love that one, specially its plot."

"Oum, ang ganda nga nito. Isa rin 'to sa paborito ko," nakangiti kong saad saka 'yun muling ibinalik sa pinagkuhanan ko saka ulit ako tumingin tingin.

"Ah-Tanny? Where's my portrait?" biglang saad nya kaya napahinto ako. Dahan dahan pa akong umikot saka ako napatitig sa kaniya. Tumingin lang ako sa kanya saka napasimangot nung maalala ko na naman ang dahilan.

"Ayun nga, ee. Naiwan ko kasi 'yun sa Manila, hindi ko naman kasi alam na magkikita tayo dito," malungkot na saad ko. Sumimangot nalang din sya habang nakanguso saka tumango tango.

"Aren't you tired of standing? Can we please sit?" pagpuna niya sa akin kaya tuloy kunot nuo ko sya'ng tinignan saka natawa. Nakasimangot pa rin kasi sya, halos pwede ko na nga'ng sabitan 'yung nguso niya.

"Bakit? Hindi naman kita niyaya na titigan mo ako dito habang nag bo-browse ng libro, ah?" saad ko ng naka-angat kilay. Napanguso lang sya'ng ulit saka nya ako inirapan kaya natawa akong ulit.

"I just want to savor every moment that I am with you," mahinang saad nya kaya napahinto ako sa pag bo-browse saka napatingin sa kanya. Tumingin din naman sya sa'kin saka umiwas agad, mga ilang minuto din 'yung lumipas na nakatingin lang ako sa kanya saka kunwareng umubo.

"Nag ba-blush ka," matawa tawa kong saad sa kaniya. Nakita ko naman na nairita sya dahil siguro sa hiya kaya inirapan na lang nya ako saka tumalikod.

"I hate you," mahinang saad nya, sapat lang para marinig ko saka siya tumalikod ulit sa'kin, hindi ko tuloy maiwasang ngumiti.

"Bakit?" matawa tawa kong tanong sa kanya habang nakatingin lang sa likod nya. "Hindi naman kita inaano, ah? Pinapaalam ko na nga sa'yo, bakit parang kasalanan ko pa?" pang aasar ko sa kanya habang naglalakad sya palayo sa'kin. "Bakit ka lumalayo?" matawa tawang saad ko nung mapansin kong naglalakad talaga siyang palayo, tinawag ko pa siyang ulit pero hindi sya sumagot. Bahagya nya lang akong tinignan ng masama nung tumalikod siyang saglit saka inismidan kaya lalo tuloy akong natawa. "Ang cute mo," saad ko habang tumatawa. Maya maya pa e' parehas kaming natahimik saka sabay na nag-iwasan.
Bakit ko sinabi 'yun???

"Uh. E-Excuse me, I'll just go to the Cr," paalam niya kaya tango nalang 'yung isinagot ko saka ko ibinaling ulit 'yung atensyon ko sa mga libro. Napatingin nalang ako sa pinto nung marinig kong nagsara 'yun.

Tila ka tanga, Tania. Bakit ka nagsasalita ng mga ganun out of nowhere?

Napaface palm nalang ako saka nagdesisyong kumuha ng libro saka 'yun binitbit papuntang sofa sa may malapit sa bintana. Sa dami rin naman kasi ng lalabas sa bibig ko, bakit ayun pa? Lumingon akong pabalik sa likod ko nung may mapansin akong nalaglag mula sa libro na hawak ko, dinampot ko rin namang kaagad 'yun saka tinignan.

Picture pala.

Tinitigan ko lang 'yung litraro na 'yun, pilit na tinitignan kung nagkamali lang ba ako ng tingin. Ganun nalang 'yung gulat ko nung pumasok si Kate na may dala dala pang miryenda, tila naman may isip 'yung mga kamay ko dahil kusa nilang tinago 'yun sa likod ko.

"Are you okay?" pang-uusisa nya'ng tanong pero tingin lang 'yung naging sagot ko. Hindi ko napansing kaagad na may luha na palang tumulo sa mga pisngi ko.

--------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon