00-32

866 19 0
                                    

"Akala ko may sakit ka?" tanong kong kaagad kay Sab nang abutan ko siyang nagluluto sa kusina. Napalingon din naman siyang kaagad habang bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nag-chat kasi sa akin 'yung Mama, humihingi ng pabor na kung pwede ko nga raw'ng bantayan ko muna si Sabrina dahil tinatrangkaso. Hindi ko rin naman magawang tanggihan dahil wala namang alam ang Mama niya sa nangyari sa amin.

"Oum, kaya lang day off kasi ngayon ni Ate. Nagmamadali na si Mommy kanina kaya hindi na sya nakapagluto," sagot niya na namamalat pa 'yung boses-mahahalata mo talagang may sakit sya.

"Ako nang magtutuloy diyan, maupo ka na." Tinapunan lang niya na ako ng saglit na tingin saka tinitigan panandalian bago niya ako nginitian.

"Hindi na, kaya ko pa naman. Bakit ka pala nandito?" tanong nya ng hindi lumilingon sa'kin. Lumapit nalang ako sa kanya saka ko kinuha 'yung sandok na hawak niya, sumanggi tuloy ng bahagya 'yung kamay nya sa'kin kaya naramdaman ko kung gaano sya kainit.

"Umupo ka na nga kasi doon, sabing ako na." Tumingin lang sya'ng ulit sa'kin saka ngumiti ng pilit. Tumalikod na rin naman sya kahit pa na labag sa loob niya, narinig ko rin namang umupo na sya.

"Bakit ka nandito?"

"Nag-chat sa'kin si Tita kaninang umaga, pinapupunta nya ako rito para tignan ka saglit kahit hanggang sa makabalik lang daw siya."

"Si Mama talaga, sabi ko namang kaya ko na, ee." Hindi ko nalang sya pinansin saka ipinagpatuloy 'yung pagluluto. Nagmistula pa akong tanga na tinititigan 'yung sauce na hinahalo ko dahil lang sa hindi ko magawang makausap si Sabrina ng gaya nuon.

"Bakit carbonara 'tong niluluto mo? Mamaya nyan mag suka ka rito, dapat nag-soup ka nalang," pagpuna ko dahil masiyado ng nakabibingi 'yung katahimikan. Tila ako mag-isa sa kusina sa sobrang tahimik nun.

"Nagcicrave kasi ako kaya 'yan na ang niluto ko." Tumango tango nalang ako sa kanya saka inasikaso 'yung Carbonara dahil tapos naman na rin siya.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko pero hindi ko sya narinig na sumagot kaya napalingon akong kaagad. Napabuntong hininga nalang ako nung makita kong nakatitig lang pala sya sa'kin, akala ko tuloy kung ano na ang nangyari. "Bakit 'di ka sumasagot!? Pinakakaba mo ko, tss," saway ko saka sya inirapan. Tumawa lang sya'ng bahagya saka inihiga 'yung ulo nya sa lamesa habang nakatingin sa'kin.

"Natutuwa lang kasi ako, ganitong ganito tayo dati," saad nya ng nakangiti kaya umiwas nalang ako ng tingin saka pa nagsimulang magsandok. Inihain ko na rin sa lamesa 'yung pasta na niluto niya.

"Kumain ka na para maka-inom ka na ng gamot tapos matulog ka na. Mamaya, lulutuan nalang kita ng lugaw." Tumango tango nalang sya bilang sagot kaya nanahimik na lang din ako. Kita mo sa lamlam ng mata nya na nilalagnat talaga sya, namumula rin kasi sya.

"Kailan ka pa nilalagnat?"

"Mag-iisang linggo na."

"Nagpa-check up ka na ba?"

"Oum, nag pa laboratory na kami. Sabi nung doctor, 'yung lagnat ko dahil daw 'yun sa UTI."

"May UTI ka?" takang tanong ko saka pa ibinaba 'yung tinidor na hawak ko. Ngayon ko lang kasi narinig na nagkaroon siya ng UTI.

"Oum, slightly infectious pero kaya pa namang tunawin nung gamot. Sabayan na lang din daw ng buko at tubig," kalmadaong saad nya kaya tinignan ko na lang sya'ng pansamantala saka tumango.

"Kamusta ka na, Tania?"

"Maayos naman," maikli kong sagot saka ibinaling 'yung atensyon ko sa pagkain. Hindi pa rin kasi ako komportableng nakakausap sya.

"Nakapag-enroll ka na ba?" mahinang tanong niya. Napabaling naman din namang kaagad 'yung tingin ko sa kanya nung magsandok ulit sya. Buti nalang kahit na may sakit sya e' magana pa rin sya'ng kumain.

"Nag-umpisa na ba?"

"Oum, aah? Hindi mo ba nakita? Nag-post na sila dun sa page ng school."

"Hindi ko nasilip, eeh. Sa sunod na linggo nalang siguro ako."

"Sige, sabay na lang din tayo." saad nya kaya napadalawang isip ako bago ako tumango bilang sagot.

Medyo naparami rin 'yung nakain ko dahil nagustuhan ko 'yung timpla niya. Nakakatuwa nga na marami rin siyang nakain kahit na may sakit siya. Paano kasi, kapag nilalagnat ako e' wala na akong nalalasahang pagkain kaya tuloy mas gusto ko na lang na huwag kumain. Iniligpit ko nang kaagad 'yung pinagkainan namin nung matapos kami, sya naman e' nanatili lang na naka-upo habang nakapikit.

"Tanny, pwede bang pasuyo nung gamot ko? Nasa kwarto lang."

"Sge, saglit lang." Pansamantala kong inayos 'yung mga pinagkainan namin saka ako nagtuyo ng kamay.

"Pasensya na, nahihilo kasi ako."

"Ayos lang" sagot ko saka umakyat sa kwarto nya. Hindi pa rin naman nag babago 'yun, ganun pa rin maging 'yung amoy. Nakita ko rin namang kaagad 'yun gamot na tinutukoy niya kaya bumaba na ko. Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan nung may marinig akong kumalabog kaya ganun na lang ang pagtakbo ko papunta ng kusina.

"Sab!" Nataranta ako kaya napatakbo akong kaagad sa kanya. Naka handusay kasi sya sa may baba ng lababo kaya tinapik tapik ko sya'ng kaagad. Napahinga nalang ako ng malalim nung marinig ko sya'ng sumagot.

"Ano bang nagyark? Bakit kasi tumayo ka pa?!" inis kong tanong saka ko pa hinawi 'yung mga buhok na nasa mukha niya. Sinong hindi maiinis duon? Alam naman na nya'ng hindi nya kaya pinipilit pa rin.

"S-Sorry, sumuka kasi ako." Napatingin naman ako sa may bandang dibdib nya saka napahinga ng malalim. May mangilan ngilan pa kasing kanin duon, proweba na sumuka nga talaga siya.

"Tara na muna, kailangan mong magpalit." Inalalayan ko na lang sya sa pagpaakyat hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Inihiga ko na lang muna siya sa may bandang gilid ng higaan saka siya binigyan ng damit. Hindi naman siya nag-response kaya ibinaba ko nalang muna 'yun sa tabi niya saka nagpunta ng banyo niya. Bumaba rin naman ako ng kusina nung wala akong nakitang pwede kong gamitin don.
Naghanap na lang ako ng maliit na palanggana saka 'yun nilagyan ng maligamgam na tubig at kaunting alcohol. Napabuntong hininga na lang ako nung abutan ko siyang natutulog na kaya pinunasan ko na lang siya ng dahan dahan saka pinalitan ng pang-itaas.

"Sab? Sab? Uminom ka na muna ng gamot bago ka tuluyang matulog." Tumango tango lang sya pero hindi naman sya dumilat kaya inabot ko nalang muna 'yung tubig at gamot saka bumalik ulit sa kanya.

"Sab, oh? Inom na muna." Dumilat sya'ng pansamantala kaya inalalayan ko sya paupo, ramdam na ramdam ko 'yung init ng katawan nya. Uminom na rin naman sya ng tubig kaya inayos ko na rin sya ng higa. Inilagay ko na lang 'yung bimpo sa may nuo nya para naman humupa kahit paano 'yung lagnat nya.

Nung masiguro kong nasa ayos na siya e' bumaba na akong ulit ng kusina para ituloy 'yung hugasin na naiwan ko kanina saka nilinis 'yung naging suka nya. Pagkatapos nun e' umakyat na rin ako ng kwarto nya para maalalayan sya kung sakali mang magising sya. Dun ko lang matanto na wala pala akong dalang selpon kaya tuloy nakatulugan ko na lang 'yung katahimikan ng paligid.


----------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon