00-20

1.1K 34 0
                                    

"Ay, ang taray naman, Tanny," tukso nang pinsan kong si Eris habang winiwisik-wisikan pa niya ako ng tubig galing ng pool. Nginitian ko na lang sya saka ako dumiretso sa lamesa nang pagkain. Masyado pa kaseng tirik 'yung araw kaya ayaw ko pang lumusong, mahihirapan na naman kasi akong ibalik 'yung kulay ko.

Napagdesisyunan kasi ni Lola na magkaroon ng salo salo sa likod bahay, swimming 'yung napili nilang tema dahil tutal ay madaming bata. Pati, sumang-ayon rin kasi ang halos lahat kaya ayun na 'yung sinunod. Pinakaayaw ni Lola 'yung KJ kaya kahit ayaw ko, napilitan akong sumama. Nagdoble nalang tuloy ako ng cycling, ang taas kasi ng insecurities ko sa mga binti at katawan ng mga pinsan ko. Huling linggo na rin naman namin dito kaya sulit na sulit na nina Papa, madalas din naman kung magpunta si Kate rito mula nung araw na 'yun. Wala namang naging problema, hindi rin sya nag tanong pang ulit tungkol sa bagay na 'yun kaya hinayaan ko nalang 'yung sarili ko na sumabay sa agos.

"Tania, halika naaaa-! Para namang timang to, diyan kalang? " panunukso nung pinsan kong si Eris kaya tumango na lang ako saka sya nginitian. Marunong naman akong lumangoy, ayoko lang talagang sumuong na ngayon dahil mainit pa.

"Ang KJ mooooo-! Halika na." Nag kunot nuo nalang ako habang nakangiti saka muling umiling. Kumuha nalang ako ng pagkain saka naupo, hindi na rin naman sila nagpumilit kaya kumain nalang ako habang pinagmamasdan ko 'yung mga bata. Sa dami ng mga pinsan ko, si Eris lang ang nakapalagayan loob ko kaya kahit paano ay may nakakausap ako.

"Ate-! Ate!" Bumaling ako ng tingin sa likuran ko nung marinig ko 'yun. Nakita kong kaagad si Tiffany na iba na ang kulay kaya bahagya akong natawa, kanina pa siguro siyang umaga rito.

"Negra ka na," matawa tawang saad ko kaya sinimangutan nalang nya ako saka pa niya ako bahagyang itinulak.

"Halika na muna, tulungan mo muna ako, Ate. Pleaseeee. Malalim na kasi masyado dun, eh. Nalaglag yung kwintas ko."

"Kwintas? Ayung galing kay Mama?"

"Oum. Dali na, pagagalitan ako nun, eh," pagpupumilit nya. Hinila hila na rin nya ako pero hindi sapat 'yun para mapatayo niya ako.

"Bakit hindi mo nalang ipakuha sa kanila, ay? Nandun na pati sina Eris, ako pa talaga ang tatawagin."

"Ate naman, eeh. Paminsan na lang ako kung humingi ng pabor sayo, tatanggihan pa talaga. Dali na, alam mo namang si Shane lang kila-"

"Oo na, napakadaldal," saad ko saka binatawan 'yung pagkain ko para masundan siya. Mahalaga rin 'yun para sa akin dahil galing 'yun kay Mama. Ayoko namang ma-disappoint sya dahil lang sa nawala ni Tiffany 'yun.

Umupo lang muna ako sa gilid kung saan niya ako itinuro para tingnan kung saan ba banda ako lulusong. Malimaw naman 'yung tubig pero hindi kasi ganun kalinaw 'yung mata ko.

"Sure kang dito nalaglag 'yun?"

"Oum, dyan lang naman ako umupo kanina," saad nya kaya mas tinitigan ko pa. Clear pa 'yung tubig ng pool kaya hindi ganun kahirap tignan pero wala naman kasi talaga akong-automatic na nagpanic 'yung kaloob looban ko nung maramdaman kong unti unti akong lumulubog sa tubig. Nung marealize ko ang lahat, sumisid na rin akong paakyat, agad ko rin namang nakita sina Tiffany at Eris sa 'di kalayuan sa akin na sabay na tumatawa.

"IT'S A PRAAAAAAANNNK!" sabay nilang saad habang hindi magkandamayaw sa kakatawa.

"PARANG TANGA! YARI KA SA'KIN MAMAYA TIFFANY!" inis kong saad saka lumangoy papuntang gilid.
Hindi na talaga kita tutulungan kahit kailan napaka bwisit!
Sumisid nalang akong ulit papuntang kabilang gilid para makaahon, may kaluyan at kalakihan 'yung pool kaya medyo natagalan din ako. Napalingon naman akong kaagad nung marinig kong tinatawag ako ni Papa.

Kate?

Automatikong huminto ang katawan ko sa paglangoy nung makita kong magkasama silang naglalakad papunta sa kubo kung saan nakalagay 'yung mga pagkain.

May usapan ba kaming magkikita ngayon?

Napakunot nalang ako ng nuo saka lumangoy palapit sa kanila saka ako umahon, kitang kita ko naman 'yung mga mata ni Kate na nakatingin lang sa'kin. Tila rin sya tanga nung tignan nya ako mula ulo hanggang paa, parang kalan tuloy na uminit 'yung pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"Kukuha lang ako ng pagkain sa loob, ha? Nakita na rin naman sya ng Lola mo kaya mamaya mo na 'yan siya pauwiin," saad ni Papa kaya napatango nalang ako. Nakaalis nalang si Papa pero 'yung tingin ni Kate sa akin e' hindi pa rin naalis. Na-conscious tuloy ako kaya naglakad nalang ako papunta ng lamesa ng hindi siya inaaya saka umupo.

"Upo ka," anyaya ko sa kaniya nung makaupo na ako. Duon lang sya umiwas ng tingin sa'kin saka aligagang tumabi ng upo. "Manghang mangha ka sa katawan ko, aah? Kamuntik ko ng matunaw," pabirong saad ko na sinabayan ko ng tawa. Napaiwas lang sya ng tingin kaya lang namula sya kaya lalo tuloy akong natawa. "Nag bablush ka. Ahahaha!" pang aasar ko sa kanya sa pagitan ng tawa ko. Napaliyad naman akong kaagad dahil sa gulat nung bigla nya akong kurutin sa tagiliran. Para tuloy'ng dominong tumayo 'yung balahibo ko mula sa paa hanggang batok kaya ako naman 'yung napa iwas.

"Goosebumps?" nakangisi nya'ng saad habang tinitrace 'yung braso kong kita ang mga nag-angatang balahibo ko.

"Parang tanga to, tigilan mo nga yan," saad ko nung hawiin ko 'yung kamay nya saka lumayo ng kaunti. Tinawanan lang nya ako saka nya ibinalik 'yung tingin nya sa pool.

"Can I join?"

"Huh?"

"Uh. I mean, can I also swim?" pagkaklaro niya kaya napakunot naman ako ng nuo. Nagpunta lang ba 'to dito para makiligo?

"Bakit? May dala kang pamalit?"

"Pamalit?" kamuntik ko ng madura 'yung nasa bibig ko dahil sa accent nya nung marinig kong ulitin niya 'yung sinabi ko. Hindi kasi bagay.

"I mean, pangbihis kapag nabasa ka?" saad ko habang pilit na pinipigilan 'yung tawa ko. Umiling iling lang sya bilang tugon kaya inangatan ko siya ng kilay.

"Why are you laughing?"

"Wala," saad ko saka tumigil sa pag tawa "Oh, e' paano 'yan? Paano kang maliligo? Uuwe kang basa?" dugtong ko saka sya tinignan.

"Uhm. I can wait until it get dry."

"Seriously?" kunot nuong tanong ko. Ngumiti lang sya ng malawak saka tumango ng tumango na tila bata.

"Ikaw bahala, ikaw naman ang mababasa ee," saad ko saka uminom ng juice.

"Lagyan mo ng space diyan, Tania." Napalingon naman ako kay Papa na may dala dalang lalagyan na tila madaling madali, mabigat siguro ang bitbit niya.

"Hala, luto na 'yung carbonara ni Mama?" excited kong saad nang makita ko kung ano ang bitbit ni Papa. Sa lahat kasi ng handa nila, luto talaga ni mama ang inaabangan ko.

"Oh ikaw, hija? Kumain ka na muna."

"Uhm yeah, I will. Thank you," saad nya saka yumuko. Umalis din naman si Papa kaya kumuha na ako ng dalawang paper plate para sa aming dalawa.

"Where's your changing room?"

"Akala ko kakain ka na muna?"

"Yeah, I'm just asking," saad nya habang naka angat 'yung kaliwa niyang kilay. Tinawanan ko na lang sya saka ako nagsandok ng para sa aming dalawa.

---------

Forbidden [ Completed ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon