•06•

493 46 66
                                        

Nagising si Wonyoung na may masakit na likod. Sa couch kasi siya natulog. 

Bakit?

Kasi si Eugene ang gumamit ng kama niya. 

At dahil ayaw niyang katabi ang babaeng yun, sa labas nalang siya natulog. Hindi niya nalang inistorbo ang pahinga ni Eugene. May kabaitan rin naman siya sa katawan kahit papano ano. 

May ilang oras pa naman siya bago siya umalis para magtrabaho. Dali-dali siyang tumayo at nagluto ng almusal. She made sure that she's done before 7:40 in the morning. She doesn't wanna miss the holy abs of her crush. Ack, napakagat labi tuloy ang ating malanding bida. 

Sa may bintana, dala ang plato at kutsara siya nakaabang. Saktong oras na para makita ang kaniyang hottie crushie. Kaya napasubo na siya ng pagkain habang nakatingin sa labas. Naroon nga si Yohan, doing his usual exercise routines. Wonyoung giggled. Don't blame her kasi she can't help it daw kaya hayaan na natin. 

"Sino yan?" biglang tanong ni Eugene malapit sa tenga ni Wonyoung. Napasigaw naman ito at dala ng matinding gulat, nalaglag ang hawak niyang plato. 

"Eugene naman! Nagulat ako don ah!" sigaw ni Wonyoung sa kasama na may pag hawak pa sa heart niya. Nakangiti lang si Eugene sa kaniya. Pero nawala agad iyong ngiti niya nang napatingin siya sa pagkaing nahulog. 

"Sayang yung pagkain." she said. 

"And whose fault is that?" Wonyoung asked. 

"Alam mo master di kita maintindihan." Nadako ang tingin ni Eugene sa lalaking nasa labas. "Sino yun?" tanong niya sabay turo sa direksyon ni Yohan na nagppush up. 

Wonyoung tucked her hair at the back of her ear in a pabebe way. "Crush ko hihi." sabi niya na may pag lip bite pa. Namumula ang mga pisngi niya habang ginagawa ang lahat ng iyon. 

"Anong crush, master?" Eugene said out of curiosity. Saglit munang nag-isip si Wonyoung. 

"Crush is uhmmm, yung taong gusto mo ganon. Kung maganda siya, kung magaling siya sa mga bagay bagay, or mabait. Basta may bagay kang nagustuhan sa kaniya. Ayun crush mo siya kasi maganda o pogi basta ganon." Wonyoung explained habang kumukuha ng isang baso ng tubig. Ininom niya naman ito agad. 

"Kung ganon, crush kita master!" Eugene happily said. Naibuga tuloy ni Wonyoung yung iniinom niyang tubig dahil sa gulat.

"Anong pinagsasabi mo jan ha aso ka?" Halatang hindi siya makapaniwala sa narinig dahil sa tono ng pananalita ni Wonyoung. First time niya kasi makarinig na may nagkacrush sa kaniya. Pero syempre hindi naman siya naniniwala agad. She thinks she's not likeable. Iniisip niya kasing siya ang pinaka-unattractive na tao sa balat ng lupa. 

"Crush kita sabi." pagmamatigas ni Eugene. "Crush kita kasi tinulungan mo ako dun sa mga bata." 

"Yeah right." Wonyoung mumbled with a faint smile. "Doon ka na muna sa sala. Liligpitin ko lang itong mga kalat. Ikaw dapat ang gumawa nito eh hays."

"At bakit naman ako magliligpit?" 

"Ikaw may kasalanan kaya!"

"Heh! Ikaw ang nakaisip kaya ikaw ang gumawa!" Eugene stomped away from her master. 

"Hay nako, attitude talaga kahit kailan." Reklamo ni Wonyoung. 

master | annyeongz [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon