•23•

410 32 59
                                    

Nagkakagulo na tuloy ang buong Produce High dahil sa babae na ang pangalan ay Yujin. Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari sa gym. Tamang tama rin na sports fest nila so wala gaanong classes at puro games lang. At tulad ng napag-usapan nila a week ago, pumatol si Yujin sa kanilang lahat sa sports war ng mga athletes sa school (she actually thinks it's ridiculous).

Still, she accepted the challenge.

Unang nakipaglaro sa kaniya yung volleyball team. At dahil nga wala siyang alam sa naturang laro, nagpaturo muna siya ng basics (tinawanan pa nga siya but they still taught her). Unang dalawang sets talo siya. Sa third set, nanalo siya. Hanggang sa nagsunod sunod na. Hindi na niya hinayaang makascore ang naturang team. 

Naglakas loob naman yung athletes ng badminton. Tulad sa volleyball team ay nagpaturo muna si Yujin. Tapos muntik na naman siyang matalo pero nung nakascore na siya hindi na siya mapipigilan. 

Tapos sumunod na yung iba. Simula sa pingpong, soccer, tennis, baseball, billiards, name it. Lahat na yata ng klase ng sports nalaro niya na. Kada araw. Na lahat niya first time niya lang naman talaga nalaro.  

She ended up winning every single game. The whole week. She remained undefeated. 

Last day na ng so called sports war. Katatapos niya lang sa 20m dash. Panalo siya of course. Siya pa ba? 

Chess na ang last game. After this wala na balik na sa normal ang lahat. 

"Checkmate." Yujin said as she smirked. Nainis naman ang kalaban niya. 

"Ano? Hindi pwede yon! Nandaya ka no?" Butthurt masyado si kuya dahil talo siya. Siya ang ika-20 na nakalaban ni Yujin sa chess ngayong araw. Lahat sila talo. 

"Inaakusahan mo ako sa bagay na hinding hindi ko gagawin." Yujin moved closer to the student in front of her and whispered, "Alam naman nating dalawa kung sino ang tunay na nandaya." The student flinched. 

She let out a small laugh and rose up from her seat, "Tapos na ako dito. Una na ako." At naglakad na siya paalis, hindi inaalintana ang mga tingin sa kaniya ng mga students sa paligid. They even made way for her. Kulang nalang magbow sila sa kaniya eh. 

Nakapamulsa siyang naglakad paalis. 

Bigla na naman siyang nakaramdam ng gutom. 

"Dapat pala inagaw ko yung sandwich kay Pats kanina." Napahawak tuloy siya sa tiyan niyang kumukulo na, "Bakit ba kasi wala akong pera." 

...

Sa cafeteria, naroon silang lahat. Maliban kay Yuri na nasa office na naman. Kapag wala si Yujin, si Yena naman itong nakikipag-asaran kay Nako. Si Minjoo busy na kinakausap sina Hitomi at Wonyoung. Si Chaewon naman busy sa cellphone. Minsan kumakain naman siya. 

"Soooooo uhmmm... Everyone up for tomorrow? It's weekend right? Gumala naman tayo!" Pag-aaya nitong si Minjoo. Everyone looked at her with wide eyes. "Why? Is there something on my face?" 

"May trabaho ako bukas Minjoo. Pasensya na talaga." Wonyoung immediately declined. It made Minjoo kind of sad. 

"May date kami ni Yuri bukas." Chill na sabi ni Yena which made Chaewon, Wonyoung and Minjoo cringe. 

master | annyeongz [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon