—JWY
Tatlong araw makalipas ang nangyaring habulan. Tatlong araw ko ring hindi nakikita ang pagmumkha ni Yujin. Aba lang naman kasi, pagkarating namin sa bahay anseryoso nilang dalawa ni Tita Tiff tapos itong si Yujin biglang may inilagay na parang spell sa buong boarding house.
And apparently para hindi daw nila matrack ang amoy namin? Ano yun scent blockers!?
So sila Hitomi at Nako rin parang naalarma sa sinabi ni Yujin sa kanila. Naks may private meeting silang apat eh. Hindi man lang ako sinama huhu.
Thank goodness sinabi nila sakin kung sino yung mga nilalang na iyon.
Mga lobong oneirian na naghahasik ng lagim chuchu daw di ko na tanda yung iba basta yun na yon.
Nagtataka kayo bakit hindi ko na nakita si Yujin sa loob ng tatlong araw ano?
Alam niyo kasi...
Nagkaroon ako ng lagnat nung gabing iyon. Sila Hitomi lang nag-alaga sakin. Doon daw muna si Yujin makikitulog sa bahay ni Tita Tiffany. Huhu, bigla ko tuloy namiss ang asong yun. Nakakatuwa rin naman kasi kung minsan si Yujin.
Buti nalang at magaling na ako ngayon. Makikita ko na ulit siya hihihihihi. Excited na tuloy ako.
"Tara na baka mapagalitan pa tayo ng teachers natin." Sabi ng maliit este ni Nako.
"Ha? Hindi natin hihintayin si Yujin?" Tanong ko naman. Ano ba naman yan ang aga nga ng gising ko tapos hindi pala namin siya kasabay?
"Kanina pa nasa school si Yujin, Wonyoung. Bakit? Gusto mo na ba siyang makita?" Hitomi asked innocently. Ito talagang si Hitomi napakacute! Sarap talaga pisilin ang pisngi.
Pero ewan ko ba, mas cute si Yujin para sakin. Lalo na nung sobrang chubby niya pa.
"Oo naman! Kahit na nakakainis siya, miss ko na rin pagmumukha ng babaeng iyon."
Magsasalita pa sana silang dalawa kaso may pumara nang tricycle.
Hays. Miss ko na talaga ang kaingayan ng matabang aso.
...
"Hi Wonwon! Kamusta? Balita ko grabe daw lagnat mo." Nasa cafeteria na kaming lahat nila Yenyen. Wala si Chaewon at Yuri sa hindi malamang dahilan. Well, maliban kay Yuri kasi lagi namang busy yun. Si Chaewon lang itong nakakapagtaka. And guess what? Wala pa rin si Yujin.
Si Minjoo dumadamoves kay Hitomi as usual. At mukhang wala pa ring ideya itong crush ni Minjoo. Hay nako. Talk about manhid.
Buti nalang talaga hindi ako ganon ano.
"Hindi naman, normal lang naman na lagnat yun. Ikaw talaga kung makapagsalita kala mo kung ano na eh." Hinablot ko sa kaniya yung kakainin niya dapat na sandwich tsaka kinain yon. Hindi na rin siya umalma. Sanay na kami sa sharing of food eh. #BestieGoals
"Grabe Wonwon, kung andito ka lang nung mga nakaraang araw. Sobrang dami ng nangyari." She sipped her drink afterwards. Rinig na rinig pa nga naming lahat yung ingay. Dugyot talaga kahit kailan.
"Talaga? Tell me about it."
"Gago wala ka talagang alam?"
"Sa alin?"
"Hindi sinabi ni Tabs sayo?"
"Ang alin nga?"
"Watdapak!?"
BINABASA MO ANG
master | annyeongz [ON HOLD]
FanficIsang cutie na aso naging isang maattitude na tao!? Hala ano yun? Magic? Teka sandali- medyo cute siya. status ; on-going