•21•

384 40 44
                                    

Hindi na nagtaka si Wonyoung na may kaniya kaniyang uniforms at bags ang dalawang bagong dating na mga oneirians. Si Yujin nga na hindi pa gaanong kakilala ni Tita Tiffany pinag-aral agad, sila Marites at Narcisa pa kaya? 

Sigh. 

Tahimik lang na nakatayo si Marites. Si Narcisa naman nakikipag-asaran kay Yujin. 

Ay oo nga pala.

Sa simula ngayon Hitomi at Nako nalang daw ang itatawag sa kanila. Nako galing sa Narcisa Korina na shortcut, at kay Hitomi na Tomi nalang daw sana pero sabi ni Tita Tiff mas cute raw ang Hitomi kaya ayun.

"Sasakit na yata lalo ang ulo ko." Napahawak tuloy si Wonyoung sa noo niya habang sinasabi yon. Napansin naman ito ni Yujin kaya tumigil muna siya sa pakikipaglaro kay Nar- este Nako. 

"Ayos ka lang ba master? Mag absent ka nalang kaya?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Yujin sa master niya. 

"Hindi okay lang ako. Ayan na may trike na!" Amazed na amazed naman ang dalawang maliit sa bagong dating na tricycle. Agad namang sumakay si Wonyoung. Sumunod sila Yujin, Hitomi at Nako. Nasa may bandang gate si Tita Tiffany. Nakangiti siya sa kanila at kumakaway. 

Syempre ang dalawang babae sa likod kumaway naman pabalik sa tita. 

"Mag-ingat kayo ha!"

"Opo!" They said simultaneously.


.



"Oh? Bakit may bago na naman kayong kasamahan ha?" Yena asked the two tall ladies. Eyes shifting from them to the other pair. 

"Transferee malamang Yenyen. Tsaka bagong boarders ni Tita Tiff." Sagot naman ni Wonyoung sa best friend niya. Walang imik na lumapit si Yena kila Hitomi at Nako. Yena ruffled Nako's hair. 

"Bata, ba't ka nandito sa building naming mga seniors? Dun sa kabila yung sa juniors eh." Nadako naman ang paningin niya kay Hitomi at pinisil ang mga pisngi nito, "Nawawala ba kayong dalawa?" 

And then suddenly the two of them snapped and punched the hell out of Yena. 

"ANONG BATA KA JAN? HOY MALIIT AKO OO PERO DISE OTSO ANYOS NA AKO!" Sigaw ni Nako kay Yena habang patuloy pa rin siya sa pananapak. Si Hitomi naman nanapak siya once pero nagmukmok na siya sa gilid ngayon. 

"Ayan kasi. Judger ka eh." Natatawang sabi ni Wonyoung na nakatingin kay Yena na kawawa na masyado. 

"H-hindi k-k-ko naman a-alam huhuhu masakit..." Yena winced in pain and Nako just scoffed. 

"Kulang pa nga yan!" Sigaw niya kay Yena na ngayon puno na ng pasa. 

"Ge tangina mo!" 

"Anong tangina mo?"

"BASTA TANGINA MO HUHUHUHU." 

"Edi tangina mo den!" 

"Guys!" Naputol ang bangayan at napatingin ang dalawa kay Wonyoung. Si Hitomi naman nagmumukmok pa rin so safe. "Nasaan si Yujin?" 

And then suddenly everyone fell silent. 

"GUYS GUYS GUYS PUNTA KAYO SA GYM BILIS MAY EVENT YATA!" Sigaw ng isang studyante. Nagsilabasan naman ang iba at tumakbo papunta sa gym, maliban sa apat na babae sa corridor. 

"BILIS ANDUN SI CHAEWON AT YUNG TABACHOY!" Another student shouted which gained Yena and Wonyoung's attention. 

"Wonyoung." Napatayo naman agad si Yena at tumingin kay Wonyoung, "Parang may nararamdaman akong kakaiba sa nangyayari." 

master | annyeongz [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon