—JWY
Oh my god.
Oh my god.
OH MY GOD.
"ANONG GINAGAWA MO DITO SA PAMAMAHAY KO, MANYAK KA!?" Todo iwas yung babaeng nakahubad sa harap ko kasi kanina ko pa talaga siya binabato ng mga gamit dito sa kwarto ko. Pasalamat siya quick yung reflexes niya hmp!
"Teka sandali lang! Tigil— Parang awa!" sigaw niya rin habang umiiwas sa mga gamit.
SYEMPRE DI KO TINITIGNAN NO! SA MUKHA NIYA LANG AKO NAKATINGIN.
I AM LOOKING RESPECTFULLY MGA KAIBIGAN.
Sumisigaw parin ako habang nagbabato ng kung anong madampot ko. Nakapikit nalang rin ako para sure na wala akong makitang kakaiba. Hanggang sa may narinig akong daing.
"Aray ano ba! Saglit lang!" sigaw niya pa. Aba anong saglit lang? Anong gagawin ng mokong na to?
Nakapikit pa rin ako pero tumigil na ako sa pagbabato. Bigla nalang ring tumahimik ang paligid. Hindi ko na rin siya naririnig. Godjihyo, tulungan niyo po akong mapaalis ang kung ano mang naparito sa kwarto ko. Magpapakabait na po ako!
*sniff sniff*
ANAK NG—
"OHGODJIHYONAWAYMAPAALISMOANGDEMONYONGNASAKWARTOKONGAYON—AAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Bakit may nararamdaman akong hininga sa leeg ko? Sabi ko na talaga manyak to eh! Kaya tinulak ko siya ng marahan. May narinig akong kalabog. Natumba yata siya. I mean, deserve! Matapos akong manyakin?
"Aray! Inamoy lang kita eh bat nanunulak?" rinig kong sabi niya. Eh? Ano raw? Inamoy niya ako?
At dahil sa feeling ko harmless siya, dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nasa harapan ko ang isang babaeng nakahubad, chubby, asul ang mga mata, may dog ears, may buntot— TEKA LANG NAMAN.
"MAG DAMIT KA NGA MUNA!" sigaw ko sabay suntok sa kaniya.
...
Finally, matapos ang mga nangyari kanina nasa sala kami ngayon. Nakaupo ang chubby girl while throwing her glares at me. Hinihimas himas niya yung kaliwang pisngi niya kung saan ko siya sinuntok. Thankfully may super oversized shirts ako na pwede niyang gamitin for the mean time. But why do I feel maybe hear that she's growling..?
"Magtitigan nalang ba tayo buong araw? Wala ka bang sasabihin?" kumuha ako ng isang monoblock chair tsaka umupo sa harapan niya. Nagtatapon pa rin siya ng masamang tingin sakin. Sa pagkakaalam ko ako dapat yun diba?
"Matapos mo akong sapakin? Grrrr." The woman growled. Aba kinarir niya talaga pagiging aso ano? Ginalingan na nga sa costume, ginalingan pa sa acting! Huwaw!
"Magsasalita ka o irereport kita sa pulis?"
"Anong sasabihin ko eh hindi ko nga alam san mag-uumpisa? Eh kung magtanong ka kaya?" She retorted. Ay sana all attitude.
Sabagay, may point rin naman siya. Pero of course I won't admit it to her ano!

BINABASA MO ANG
master | annyeongz [ON HOLD]
FanfictionIsang cutie na aso naging isang maattitude na tao!? Hala ano yun? Magic? Teka sandali- medyo cute siya. status ; on-going